Zhaine's POV
Few days had passed. Naging magkaibigan na kami ni Ms. Physics. ... Ayy estee.. Hillary pala. Now I know her name. Kahit maraming taon ang nawala sakin simula ng mabulag ako.. Malinaw pa rin na maganda ang resulta. Ang daming nangyare nung gabing iyon.. Nakilala ko yung soft side ng isang Hillary Monterio. Akala ko Mataray na sanggano lang siya, pero she is also weak kagaya ng other girls in the world.
Halos mabaliw baliw pa ko dun sa kapatid ko. Akala ko nawawala nag sleepover lang pala sa kaibigan. Hinatid siya dito ng lalaki. Pero siyempre pinagalitan ko siya kasi pinag-alala niya ko. Pero sa tingin ko, may something sila nung lalaking yun e. Well, wala naman akong alam. 5 years akong di naging updated.
Papasok na ko ng school. Nang mapadaan tong kotse ng park...
DEEP EXCAVATION
O.O Nagulat ako. There is a big sign there sa isang part sa harap ng park. "Manong pakihinto sandaleeeeee!" Pinreno ni Manong yung kotse.
"Uhmmm. KUYA? What happen?" Bumaba ako ng kotse. Naramdaman kong sumunod sakin si Sera. Nakita kong tinatanggal na ren yung tarpaulin ng theme park. Lumapit ako sa isang lalaking naka helmet na nag-iinstruct sa mga workers. Lumingon siya sakin....
"Yes?" He asked.
"Sir, bakit niyo po tinatanggal yan? Ano po bang meron?" Pagtatanong ko.
"Ah.. Isasara na kasi tong park." Nagulat ako. O.O Isasara? Hindi pwedeeeee!
"Pero bakit ho?"
"Luma na ang theme park iho! Sayang kung hindi mapapakinabangan..." Napalingon ako kay Sera.
"Kuyaaa.." Pag aaalala ni Sera. Bumalik ako ng kotse.
"Manong, pakibilis lang sa school!"
PAGDATING SA YULE EMPIRE...
Tekaaaa? Ba't sira ang pinto? There I found her buried herself on a desktable. Lumapit ako sa kanya.
"Hillary?"
Poke.
Poke.
Yikeeeeeess. Tulog ata? O.o
"Uhmm.." Naalimpungatan pa O.O!
"Hillary, gising!" Inangat niya ang ulo niya pero nakapikit parin.
"Uhmmm... Wala nang yelo Ivaaaaaaaaan... " Bigla siyang napasinok.
O.O
"Hillary are you drunk?" Pagtatanong ko. Suminok siya.
"Huh? I'm not Jaaaaaaaaaaack. I'm Hilaaaaaarryyyy! Hmpf." Sinok again: 3
"Hillary seryoso, yung park gigibain na bukas!" Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko... Pero maya-maya... he looked away.
"Edi wow!" She stood up at lumabas ng room. Sinundan ko siya. Nagpatuloy ang paglalakad niya sa hallway.
"Akala ko ba sabay nating hihintayin na bumalik sila?" Napahinto siya sa sinabi ko. I sighed.
"Sumuko ka na ganun? Kung suko na, ako hindi paaaa! At hindi ko hahayaang maglaho yung park na yun, bago ko pa siya makita! Mahalaga saten yun dibua?" Napalakas na yung boses ko. Di ko siya maintindihan. Bakit biglang ganun?...
"E ni hindi mo nga alam kung anong pangalan ng taong hinihintay mong bumalik e! Maghintay ka sa wala!"
Natigilan ako.
Tama siya.
Pero...
Alam kong babalik siya.
"Bahala ka." That's my final words and I left her. Mukhang di na niya ko matutulungan. Kaya ako na lang ang dumiretso sa office ni Mr. Coa. Kakausapin ko siya. Siya ang may-ari ng theme park.
SA OFFICE.
He's seating on his office chair with his finger crossed on the table.
"Sino ka?" Pagtataka niya sa akin.
"Good afternoon sir. Hindi na po mahalaga kung sino ko pero bakit niyo naman ho ibebenta yung park?" He looked away.
"Iho, di ko alam kung bakit ko kailangang magpaliwanag pero sayang kasi kungdi to mapapakinabangan! Public park? Na dudumihan lang ng mga taong walang disiplina? And then what? Gagawin nilang tambakan ng basura? " Paliwanag niya.
"Sir, it's for the welfare of the public. Pano naman yung mga batang walang malaruan? Mga pamilysng gustong mamasyal kahit hindi gumagastos?" Pagpapaliwanag ko.
"Welfare of the public, tapos konsumisyon for me? Ganun ba? Alam mo Iho, hindi ko alam kung bakit inaalala mo yung nga mahihirap.." Tinitigan niya pa ko sandali. "You're wearing ang Elite uniform of YEU! So bakit pinagtsatsagaan mo tong park na 'to? Gagastos lang ako ng malaki kung ipaparenovate ko pa to! Hindi ko to minana para lang maging pabigat sa buhay!"
"Yes. I'm elite. Pero mahalaga parin sakin tong park na to eeee!" Pag-aalala ko.
"I'm sorry Iho. Pero bukas na darating ang broker. Wala na ang park." Tsaka siya napailing.
Shet. Pano ba 'to? Papunta ko ngayon nang park. Parang naiyak ako sa part na gigibain na to. Para kong inalisan ng pag-asang makikita ko siya. Maglalaho na ren ang mga ala-ala na iniwan ko rito. Tama ba si Hillary? Umasa ko sa wala. Napailing ako. Hindi pwede.
Patuloy akong naglakad sa park. Maya-maya.. May natanaw ako. Isang babae. Nakatalikod.
Lumapit ako sa kanya. Napansin kong parang may hinahanap siya. Pagharap niya... Nagulat ako..
She's about to cry. Nakayuko siya. Pag-angat niya ng ulo niya.
O.O Niyakap niya ko. Maya-maya.. humiwalay din siya.
"Ughh... Sorry." It was Ashley. She looked away. At naupo sa bench. "So-sorry ule." Sabi niya. Hindi ako sumagot. Tumabi ako sa kanya.
"Teka nga muna sandali! Bakit ka ba nandito?" Pag-iiba ng tono niya. Nilingon ko siya saglit.
"Nalulungkot kase ko e.."
"Pareho tayo!" Pagsingit niya. Ngumiti ako. Naalala ko na naman. "Malungkot ako kaseee, mawawala na tong park..." A bitter smile.
"ANOOOOOOOOOOOOOOO???" Napatayo siya. Humarap sakin. "Uh.." Medyo nahiya pa siya sa pagsigaw niya. "I mean bakit? Kailan? Pano? Hindi pwede!" Tumalikod siya. Then, she sighed. Napangiti naman ako. But not the bitter one. Mukhang may makakatulong na sakeeen.
"ILIGTAS NATEN TONG PARK!" Sabay pa kame.
"HAHA!"
"SABAY PA TAYO!"
Napangiti kame. "OPERATION SAVE THE PARK FROM EXCAVATION!" She wink. And he placed her hand in the air.
"Call." Pinatong ko yung kamay ko.
"Call!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Classmate.
May isa pang nagpatong ng kamay.
Pagtingin namen. Ngumiti siya...
..."Hillary!"
END OF CHAPTER.
Note ko: Good to be back again. HOHOHOHOHO! Keep supporting guise! Sorry sa sobrang tagal na update ko. Huhu :( Uunpisahan ko na nga mga pabebeng moments. Paaaano baaaa? Help me pleaseeee! -Bean.