Chapter 2 New Found Friend?

51 1 0
                                    

Hillary's POV

"Inaaaang! Loloooo!!" sambit ko habang umiiyak at mahigpit na hinahawakan ng lalaking mukhang kulugo na nangidnap sa amin! Inang! Lolo! Bakas sa mga mukha nila ang pangamba sa isang tiyak na kapahamakan.

"HUWAG KAYONG LALAPIT ! KUNG HINDI, PASASABUGIN KO ANG BUNGO NG BATANG TO! MGA HINDI KAYO MARUNONG SUMUNOD SA NAPAGKASUNDUAN!" sigaw ng lalaking halos maputol na ang ugat sa leeg na  humahawak sa akin at tinutukan pa talaga ko ng Baril -__-

"Parang awa muna! Pakawalan mo silaaa!" pagmamakaawa ng babaeng kasama ni Inang at Lolo na nagpunta rito. Marahil sa tingin ko, siya ang ina ng batang lalaking kasama kong kinidnap. Saglit ko siyang nilingon, yung batang lalaki. Hawak siya ng isa pang kulugo. 

"Nandito na ang kailangan mong peraaaaaaaaaa! Pakawalan mo na ang mga anak nameeeeeen!" mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Inang sa Dalawang Kulugo. Tsk. Naiinis na ko sa dalawang to! Sarap nilang pag-umpugin >.< 

"Tsuuh."

Dinuraan ko lang naman ang kulugong kung makahawak sa akin eh ang sakit sakit! Sarap balian ng buto!

"Aba! Dinuraan mo pa kong lintek ka!" Hahampasin na sana niya ko ng baril pero nagulat ako ng mapigilan siya ng batang lalaking kasama ko. Aba ayos? Ambilis niya ha!

"MALI ANG MANAKIT NG BABAE!  SA KAHIT ANO PA MANG PARAAN! Alam kong napipilitan lang ho kayo! Kaya niyo po to ginagawa? Pero di pa naman po huli ang lahat Eh! Pwede pa po kayong magbago! Alam ko hong may pamilya kayo! Pakaisipin niyo po yun!" Abaaaaaaa! Ayos tong lalaking ito ha! Naglecture pa :3 Pero .... Effective ata! Dahil parang natamaan ang kulugo sa leksiyon ni Iho! GoodJob :) Clap! Clap! Clap! Anong lesson ba sa GMRC yan? GMRC nga ba? Baka naman EKAWP ?  Values? Basta yuun na yun :3

"Ginawa ko lang naman to para kay Eyaaaaaaaaa T.T, ang anak koooo! Papatayin nila ang anak koooo! Kungdi ko to gagaweeen! Patawarin niyo koooooooooo!" Umiiyak na parang bata ang kulugo! Tulo sipon paaa -,- Eeeww! subukan mong itulo sa Uniform ko yan, Ako papatay sa Eya na yun :3 Hihi ^.^v Joke Lang :) Bida ako dito. Ayokong ilagay ang batas sa aking mga Kamay :D

Pero ang sumunod na pangyayari ang nagpatigil sa Kadaldalan ko .....

Nagpatigil sa Mundo ko .........

BANG!

Ang putok ng baril na iyon.....

Ang nagpabago sa lahat ....

Sa sobrang bilis ng pangyayari ....

Ang natandaan ko lang, Tinulak niya ko.... yung batang lalaki! Tinulak niya ko.....

When It's Over.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon