Wanted:Wife - 1

3.3K 35 0
                                    

Sunod sunod ang problema ngayon sa buhay ni Kim. Just a month ago, her parents died from a car accident. Ito ang pinakamasaklap na pangyayari sa kanyang buhay. Parang binagsakan siya ng langit ng dumating sa kanya ang balita. Pero wala na siyang magagawa doon.

At the age of 19, she was left with her two younger siblings. Hindi niya alam kung paano sila mabubuhay na tatlo. Before the accident happened, she was  just living a simple life. Studies, shopping at flings. Doon lang umiikot ang buhay niya. But after the incident, she became more matured. Isa lamang ang nasa isip niya – ang mapag-aral ang kanyang mga kapatid at magkaroon sila ng maayos na buhay sa kabila ng pagkawala ng kanilang mga magulang. She’s left with no choice. Si Matthew ay 13 years old lang samantalang ang kanyang bunsong kapatid na si Abbie ay 9 years old.

Isang araw ay may dumating na mga social workers sa kanilang bahay. Tinatanong ng mga ito kung mayroon ba silang mga kamag-anak na pwedeng tumayo bilang kanilang  guardian. Oo, mayroon silang ilan na kamag-anak pero lahat iyon ay hindi malapit sa kanila. Ang mga mga kamag-anak niya sa side ng kanyang ama ay nakatira sa Singapore o China. Hindi rin sila tatanggapin nito kung sakali dahil nagpakasal ang kanyang ama sa isang mahirap na babae. Nawala ang lahat ng mana ng kanyang ama. Ngunit hindi kailanman ito pinagsisihan ni Mr. Chiu. Ginawa niya ito sa isang dahilan – nagmahal lamang siya. Nagsinungaling si Kim sa mga social workers. Sinabi niyang may kamag-anak sila sa Binondo na nangako na aalagaan sila. Alam niya ang mangyayari sa kanila pag sinabi niya ang totoo. Malaki ang posibilidad na magkalayo silang tatlo. At kailanman ay hindi niya pababayaang mangyari iyon. Mahal na mahal niya ang kanyang mga kapatid at wala ng iba pang makakapaghiwalay sa kanila.

“Nag-iimbento lamang siya. Pero wag kang mag-alala, mapupunta rin siya sa atin.” Narinig niyang sabi ng isang social worker.

“Gaanong katagal?”

“Probably next week.”

Alam ni Kim na kahit anong gawin niya ay babalik at babalik pa din ang mga social workers sa kanilang bahay.

Kailangan niyang gumawa ng paraan bago pa mahuli ang lahat…

A/N: Sorry dahil ngayon lang ako nakapag-update. Sobrang busy sa ACADS. Hope you'll like it! :)

Wanted:WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon