Dahil sa hindi naan nakatulog ng maayos si Andrei maaga itong nagsing at sumabay magbreakfast sa kanyang mga magulang. Naging tahimik ito na agad namang napansin ng ama.
Anak myay problema ba? tanong ng kanyang daddy na pinagmamasdan si Andrei
Dad wala po. Siguro stress lang kase nga di ba a few days from now its my wedding day... habang hinihigop ang kanyang kape
Anak yong sinabi ko last night ha.... We want to meet your fiance... Invite her for a dinner tonight at magpe-prepare ako... excited na sbi ni Mommy Beth
Yes Ma, I will see her this morning to invite her. Si Alex po ba Kelan sya susunod?
The day after your wedding daw. Kase may mga inaasikaso pa sya at di nya basta pwede iwan na lang. Alam mo naman yong kapatid mo na yon ayaw nya ng natatambakan ng trabaho at masyado ng nagiging workaholic... Sabi nga namin ng Mommy mo dapat naghahanap na rin sya ng partner para may mag-asikaso sa kanya... Sunod-sunod na sabi ng knyang daddy
Gabon po ba? Parang di nyo naman kilala si Alex kahit nung mga bata pa kami kahit sa pag aaral masyadong seryoso. - Si Andrei
Kaya nga anak eh. Ikaw, now that your getting married sana naman ay maging responsible at sersyoso ka na sa buhay. Bubuo ka na ng sarili mong pamilya.. Ang kanyang Mommy
Yes Ma, I know. bye dad Sige po at aalis na ko. See you at the dinner... - sabay halik sa pisngi ng ina
Kathrine's POV
Pinagmamasdan ko ngayon ang sarili ko sa salamin, Kanina pa ako dito sa room nag-aayos simple lang naman sinuot ko Pink floral dress na above the knee tas tinernohan ko ng beige high heel shoes. Naglagay din ako ng konteng make up at light lipstick tapos hinayaan ko na lang na ilugay yong buhok ko. Tumawag kase si Andrei kninang umaga sa office, his inviting me for a dinner to meet his parents. Kinakabahan nga ako kase sa 3 years namin na bf/gf ngaun ko la lang sila mameet. Di ko alam if they will like me. Pero sabi naman nya his very sure na magugustuhan at makakasundo ko sila kase nga ako daw ung unang daughter- in- law tsaka wala silang kapatid na babae.
Kathrine, hinihintay ka na sa baba ni Andrei. Hindi ka pa ba tapos? Bilisan mo nakakhiya sa mga in-laws mo.... tinig ng knyang mommy
Paki sabi po sunod na ako... sagot ko at muli kung tinignan ang sarili ko sa sarap ng salamin
Pagbaba ko sa may hagdan nakita ko si Andrei kausap si Dad mukhang seryoso ata pinag uusapan nila kaya nagsalita na ako.....
Andrei i'm ready... sabay halik sa kanyang pisngi
Sige po tito alis na kami bka po ma-traffic po kami at ma-late. - si Andrei
Sya sige baka naghihintay na parents mo. Just take care of my duaghter... sagot ng daddy ko
![](https://img.wattpad.com/cover/4015664-288-k648809.jpg)