Kinabukasan maagang nagising si Alex, dahil sa kanya nakaharap si Kath na himbing pa ring natutulog inayos nya ang buhok nitong takalaylay sa kanyang mukha at pinagmasdan nya ito ng mabuti. Hindi pa rin sya makapaniwala na nasa tabi nya ngayon ang babaeng lihim nyang minamahal. Alam nya malaki ang kasalan nya dito pero di naman nya ata kayang makitang nasasaktan at umiiyak ito dahil sa kagagawan ng sariling kapatid.
Matapos nyang pagmasdan ang asawang natutulog sa kanyang tabi ay nagdesisyon na itong bumangon at mag-ayos ng sarili. Ngunit Bago pa sya makalabas sa pinto ay muli syang bumalik para dampian ng halik sa noo ang himbing pa rin na natutulog na si Kath.
"I'm really sorry but i really do love you". bulong nito
Mag 8am na ng umaga ng magising si Kathrine. Pagdilat nya ng kanyang mga mata ay kaagad nyang hinanap ang asawa. Pero wala ito sa tabi nya, tinignan din nya ito sa banyo pero d nya ito nakita ng biglang bumukas ang pinto.... Si Alex may dalang pagkain....
"Goodmorning, gutom na kase ako kaya naauna na akong nagbreakfast. Ang himbing ng tulog mo kaya di na kita ginising. Dinala ko na yong breakfast mo". sabi ni Alex habang ibinababa sa lamesa ang dalang pagkain
Di pa rin kumikibo si Kathrine na parang napako sa kinatatayuan
"Kath, ayaw mo bang kainin tong dala kong breakfast?" tanong ni Alex
"Syempre gusto, kaya nga ko nagising kase gutom na ako. Kaso nauna ka na pala magbreakfast". sagot ni Kath sa asawa
"Kaya nga dinalhan na kita ng pagkain para breakfast in bed, di ba mas sweet?" sabay kindat ni Alex kay Kath
"Oo na kakain na nga". si kath na umupo na sa lamesa at nagsimulang kumain
Habang kumakain si Kathrine ay nakamasid lang si Alex na naka upo sa harapan ng asawa. Kahit naaasiwa si Kath sa ginagawa ni Alex ay di nya ito pinahalata. Kaya naisipan nyang magtanong dito tungkol sa kapatid nito.
"Andrei, bakit nga pala hindi nakarating yong kapatid mo sa kasal natin?" pagtatanong ni Kath
Hindi alam ni Alex kung pano nya sasagutin ang tanong ni Kath, medyo natagalan din bago nya ito nasagot. "Kase nagkaroon ng emergency sa office, tapos may mga pending pa daw na trabaho, hindi nya maiwan iwan. Tumawag naman sakin eh, pero nagpromise naman sya na pag may pagkakataon bibisita sya." pagsisinungaling nito
"Ganun ba? Akala ko pa naman makikilala ko na yong brother mo. Pero ok lang, kahit naman wala sya natuloy pa rin kasal natin." sabi ni Kath na ngumiti sa asawa