KATH 'S POV
Dahil naka alis na lahat ng tao at kami na lang ni Andrei we decided to go to our room. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero i'm very sure kinakabahan ako. Syempre first night namin together as husband and wife. Pagkarating namin sa loob ng room ay agad na naghubad si Andrei ng pang itaas na damit, di ako makatingin sa kanya kaya tumalikod na lang ako.
Ng makarinig ako ng sumaradong pinto ay tsaka ako nakahinga ng maluwag. Ang tagal kong nakaupo dito sa gilid ng bed gusto ko na rin kaseng magshower at magpalit. Pero kanina ko pa sinusubukang ibaba yong zipper ng wedding gown ko pero di ko talaga magawa.
Hanggang muli ko na namang narinig ang pinto ng banyo at nakita ko Andrei na tanging tapis na tuwalya lang ang suot. Heto na naman ang dibdib ko dug...dug....dug...... Ng biglang magsalita si Andrei na kinagulat ko
"Kath, wala ka bang balak hubarin yang wedding gown? Tapos na akong magshower pero andyan ka pa rin." boses ni andrei habang papalabas ng banyo at tinutuyo ang basanag buhok
"Ah, eh kase.... Ano.... Andrei, can you unzipped my gown di ko kase matanggal kaya hindi ko mahubad" ako na halos di lumabas sa bibig ko ang mga salita kase naman ang napaka masculine nya tapos bagong ligo pa
ALEX's POV
Nandito na kami sa kwarto namin. Thanks God at natapos na rin tong araw na ito. Natapos na nga ba? Tanong ko sa isip ko. Di nga ba at magsisimula pa lang kase this is our first night together as husband and wife. Kung anu-ano na pumapasok sa isip ko kaya di na lang ako umimik, hinubad ko na ang pang inataas na damit ko, Napansin ko na biglang tumalikod si Kath. Oo nga pala kasama ko sya dito sa kwarto, eto kase ang nakagawian ko. Huli na ang lahat kase nakapaghubad na ako ng pang itaas. Kaya dumeretso na ako sa banyo para maligo.Di ko alam kong ano itong nararamdaman ko, kaming dalawa lang dito. Ano nga ba dapat mangyari? Pero mali kase hindi naman talaga ako ang asawa nya, pero mas masakit isipin na ako ang asawa nya pero hindi ako ang mahal nya.
Sa wakas natapos din ako siguro kulang isang oras din ako sa loob sa kakaisip. Kaya lumabas na ako ng banyo. Pero nagulat ako ng makita ko si Kath na ganun pa rin ang pagkakaupo sa gilid ng bed at nakasuot pa rin ng wedding gown. "Wala ba itong balak magbihis tanong ko?" sa sarili ko at napiling na lang ako. Hindi ako nakatiis kaya nagtanong na ako sa kanya.
"Kath, wala ka bang balak hubarin yang wedding gown? Tapos na akong magshower pero andyan ka pa rin." ako habang tinutuyo ko ng towel ang basang buhok ko