Miss @MaTrishaFayeValera dahil sa pagmessage mo sa akin to upadte for this Chapter this is dedicated for you........... Sana magustuhan mo :) Thank you
MAtapos ang 3 araw na bakasyon / honeymoon nila Alex at Kath ay nagbalik na sila sa Maynila bilang isang masaya at tunay na mag-asawa. Sinundo sila ni Mang Kardo sa airport at dumeretso na sa mansion.
"Manang, andito na po kami." tuwang sabi ni Kath
"Anak, kamusta ang bakasyon at ang Bohol? salubong sa kanya ng ni Aling Salud
"Ok naman po. Masaya at sulit po ang 3 araw na bakasyon" ngiting sagot nito
"Mukha nga na nag-enjoy kayo. Teka, asan si Alex?" tanong sa kanya
"Ah, nasa kotse pa po at tinutulungan si Mang Kardo s amga gamit?" si Kath
"Marami yata kayong dala, sya sige at tutulungan ko na rin." at pumunta na din si Aling Salud palabas ng bahay
Kaagad namang nagtungo si Kath sa kanilang kwarto para makapag-shower at makapag-pahinga.
"Alex, bakit ang dami nyo yatang mga dala ngayon? Binili nyo na yata ang buong Bohol ah?" si aling Salud na papalapit sa sasakyan kung saan inaayos ni Alex ang gamit nila
"Hindi naman ho. Si Kath ho kase hindi nagpaawat sa pamimili mga pasalubong ho at kung anu-ano. Yaan nyo ho at meron din po kayo dyan." sagot ni Alex
Habang papasok sila sa loob ng bahay ay muling nagtanong si Aling Salud. "Kamusta nga pala ang bakasyon nyo?"
"Ok naman po, masaya at sobrang nag-enjoy" sagot ni Alex na nakangiti
"Kitang kita sa mga mukha nyo ni Kath na nag-enjoy kayo sa bakasyon nyo. Sana magtuloy tuloy na ang magandang pagsasama nyo." wika ni Aling Salud
"Sige ho, akyat na muna ho ako at magpapahinga na muna. Tawagin nyo na lang po kami pag handa na hapunan." muling sabi ni Alex