Nagising ng maaga si Kath at naramdaman nyang nananakit ang gitnang parte nya sa baba, pero nangiti sya ng makita ang maamong mukha ng asawa. Magkayakap pa rin sila, kung anong pwesto nila natulog ay ganun rin nya nagisnan. Tinitigan nya ang muka ni Alex at habang tinititigan nya ang asawa ay naalala nya ang una nilang pagtatagpo.
KATH POV
Nakakainis hirap magcommute, kelangan pa maghintay ng bus. Pagod na pagod na ako at gusto ko ng mahiga sa kama. Dito kase may oras ang bus unlike sa pinas maya't maya my bus at maraming means of transportation. Kakagaling ko lang kase sa hospital binisita ko si lola. Oo, dito na sila sa states nakatira, at pauwi ako sa bahay ng tita ko doon kase ako nagstay.
After 15mins ay dumating na din ang bus, pagpasok ko sa loob ay nakakita agad ako ng bakante na malapit lang sa pinto ng bus kaya naupo na ako. Natutulog yong lalaki, ang amo ng mukha, parang angel sa langit. ewan ko ba kung bakit tinitigan ko ng mabuti ang mukha nya, buti na lang at tulog kaya pinagsawaan kong tignan ang mukha nya. Di pa ako nakontento at kinuha ko ang phone ko. First pic solo nya na himbing nanatutulog. Second picture medyo inihilig ko ung ulo ko sa balikat nya ng dahan dahan tas ako naka smile sympre yong third kunwari tulog din ako.
Ayan may remembrance na ako sa kanya. Ang cute nya talaga, crush ko sya talaga. Last station naman ako kaya pinikit ko na mata ko. Nagulat na lang ako ng may tumapik sa balikta ko...
"Miss, sorry to disturb you pero malapit na yong bus stop ko" sabi ng lalaki na medy ngumiti sa akin
Dahan dahan kong minulat mga mata ko at napatingin ako sa kanya. OMG nananaginip ba ako, mas gwapo pala ito pag gising at hindi ako nakapagsalita. nakatingin lang ako sa kanyang mukha.
"Excuse me baba na ako" sabi ng lalaki
"Ahhhhh, mmmmm sorry ha and thank you" tanging nasabi ko tapos ngumiti ako sa kanya at tumayo na sya nasa gilid kase sya ng bintana kaya medyo inayos ko pagkakaupo ko para bigyan sya ng daan.
Binigyan din nya ako ng isang matamis na ngiti at tuluyan ng bumaba ang lalaki. Nanghihinayang nga ako kase di ko man lang sya nakilala. Mula ng araw na yon, everryday ko din pinupuntahan si lola para bisitahin taps nagba-bus na rin lang ako nagbabakasakali ako na magkita uli kami. Hanggang pauwi ako ng pilipinas na bigo kae di ko na sya nakita.
Sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Kulang nalang magtatalon yata ako ng mga panahon na yon ng makasabay at makatabi ko naman uli sya sa loob ng eroplano pauwi ng pinas. Ayon, don na nagsimula ang lovestory namin. Sa totoo lang until now hindi ko sinasabi sa kanya yong ginawa ko sa kanya sa loob ng bus. Yong kinuhanan ko sya ng picture habang natutulog... Mula noon pinangarap ko na sya na makasama habang buhay, kaya nga kahit na ang dami nyang kasalanan sa akin tinanggap ko pa rin sya. Sya yong lalaking pinangarap ko na makita bago ako matulog at makagisnan paggising sa umaga.
Habang tinititigan ko ang kanyang maamong mukha ay bigla itong nagmulat na kinagulat ko.