Chapter Two

265 10 1
                                    

Bree

"OMG Bree! Haven't you noticed? Panay na ang pagbigay ng regalo sa iyo ni Zach! Nililigawan ka ba niya?" Nakakairitang sunod na tanong ni Anne.

Pero oo nga, hindi ko alam bakit laging nagbibigay ng regalo si Zach. Hindi naman ako yung tipo na manhid. Nararamdaman ko naman na may crush siya sa'kin pero kung liligawan niya ako. Alam niya naman na wala siyang pag-asa sa'kin.

Tatlong buwan na rin simula nung nakipagkaibigan si Zach sa'kin and I must say. Magaan siyang kasama, yung tipo na kapag nandiyan ka sa tabi niya ay parang wala kang problema sa buhay mo? Nakakahawa ang pagiging masiyahin niya. Pero kung higit sa kaibigan na pagtingin? Wala... Hindi ko nararamdaman kay Zach yun. Gusto ko lang talaga siyang kasama.

"Hindi ako nililigawan ni Zach. Ganyan lang talaga siya." Sabi ko sakanya. Nanoood kami ng Pinoy Movies sa kwarto ko habang nakaupo kami sa kama ko. Ang gwapo ni Coco Martin! Hindi ko alam na bagay pala sila ni Sarah Geronimo.

"Haynako... Alam naman nating dalawa na may gusto sa'yo si Zach. Why don't you give him a chance to prove himself?"

Hinarap ko siya. "Alam mo naman na ang gusto ko ay si Scott diba? What I could only offer Zach is friendship, nothing more."

Malungkot akong tiningnan ni Anne. "I only want the best for you Bree..."

Medyo nairita ako sa sinabi niya. "So you're saying that Scott isn't good for me?"

"Hindi naman sa ganun Bree---"

"Napapansin ko lang Anne, masyado kang bias kay Zach. Oo, mabuting tao si Zach pero si Scott ba hindi?" Kinagat ko ang labi ko nung nakita ko na kinibot niya ang labi niya. I hate it when Anne is like this. Kasi sa lahat ng tao. Si Anne ang isa na hindi kayang magsinungaling sa'kin. Kung sinasabi niya kasi na hindi niya gusto ang isang bagay para sa'kin, may mabigat na dahilan yun bakit ayaw niya at sadyang hindi ko matanggap dahil si Scott pa. Ang mahal ko pang tao.

"Alam ko na may nabuntis si Scott na babae." Pumiyok ang boses niya. Nag-iwas ako ng tingin sakanya dahil naiiyak rin ako.

Yun rin ang naririnig ko pero hindi ko pinaniniwalaan. Hindi yun magagawa ni Scott sa'kin.

"Bree... Please. Kahit konti lang, imulat mo ang mga mata mo sa katotohanan. It's not a rumor anymore... Scott is not what you think he is." Sabi niya. Malungkot ang mga mata niya nung hinarap ko siya. Ito ang mga mata ni Anne na ayoko makita sa ngayon. She's too honest when she's serious. Pero ayoko talagang paniwalaan...

"Atleast confirm it Bree... Kung hindi totoo. Hinding-hindi ka na makakarinig sa'kin tungkol kay Scott."

Hindi ako nagsalita. Hanggang sa umuwi siya.

Sana hindi na lang naungkat iyon pero unti-unti talaga na mauungkat lahat ng dapat sabihin.

There's only one person I have to call.

"Hello, Bree?"

"Zach... Gusto mo bang uminom?"

Zach

Kakatapos ko lang sa pagligo nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang ID card at napangiti ako sa nakita ko.

Bree calling...

"Hello, Bree?"

"Zach..."

Nasorpresa ako dahil may pagkabasag ang boses niya.

"Gusto mo bang uminom?"

Ngayon, mas nasorpresa ako sa tanong niya. Aba, umiinom pala tong si Bree? Hindi naman halata sa mukha niya, sobrang inosente.

The Unexpected OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon