Chapter Fifteen

205 7 1
                                    

~12:30 a.m
During the taping of Just Maybe
Santa Ana St.

Sumulyap siya sa binatang nakatayo doon sa medyo madistansya na parte kung saan sila nagshu-shoot at may katawagan sa kanyang telepono. Hinigpit niya ang kapit sa kanyang manibela at nagpakawala ng buntong-hininga.

"I must say, the Gatchalian's have good genes when it comes to aspects."

Sumimangot ang chinitong lalaki na nakaupo sa passenger seat. His biceps tightened as he looked at the man on the driver seat. Nginitian lang siya nito at sumimangot siya lalo.

"Stop it, love. You have no idea how dazzling you look when you frown."

Umiwas siya nang tingin at bumaling sa binatang artista na tumatawa habang may tinatawagan. Wala siyang atraso rito pero ang nobyo niya ay meron at tutulungan niya ito sa anumang gustong gawin nito. Naisip niya kung gaano siya nabugbog ng kapatid nito at gusto niya ring makaganti. Sa tanang buhay niya, hindi pa siya natalo sa isang laban. Ngayon lang, at mas lalo siyang nanggagaiti sa galit dahil hindi niya maalala ang mukha nito.

Naramdaman niya na may humawak sa braso niya at nanigas siya haplos nito.

"Love, be patient. You'll get even with Zachary someday. For now, we'll attack one of his brothers."

Bumaling siya sa dayuhang nobyo at medyo kumalma siya. Hinawakan niya ang kamay na nakahaplos sa braso nito at dinala sa labi niya para halik-halikan. Ngumiti ang dayuhang binata at hinaplos ang mukha niya gamit ang isa pa niyang kamay.

"Paano kung hindi tayo magtagumpay nito?" Tanong niya sa nobyo niya.

"We'll get through this, Fray. I know we will and when this will all be over, lalayo tayo at ibibigay ko sa'yo ang buhay na inaasam mo. Ang magkaroon ng magandang pamilya."

Napangiti siya dahil maypagka-slang pa rin ang nobyo niya pagdating sa tagalog. Binitawan niya ang kamay nito at inilapit ang mukha para bigyan ito ng panandaliang halik. Bumalik sila sa kinauupuan at sabay na tiningnan si Niko Gatchalian na nasa telepono pa rin.

"So how do we do this?" Tanong niya sa dayuhan.

"As what I've always did. Disguise."

~

"Cut! Good job, Niko and Megan!"

Pumalakpak ang mga staffs na nakaabang sa mga shinu-shoot nilang scenes ng soap opera. Ito kasi ang eksena na hinalikan ni Niko si Megan at medyo passionate ito. Isang staff lang ang hindi pumalakpak, nakasuot siya ng medyo mahabang wig at brown na contact lenses.

-
"Sir Niko! Sir Niko!"

Hingal na humahabol ang binata sa artista at papasok na sana ito sa kotse pero napigilan dahil nilingon siya nito. Ngumiti ito sakanya.

"Hi, can I help you?"

Tumango ang naka-wig. "Opo, sir! Yung kuya ko kasi na may sakit, humihingi ng autograph mo at picture. Gusto niya sana na makita kayo."

"Oo naman, saan siya?"

"Hindi ho malayo rito, sir Niko. Liliko lang po kayo sa kantong iyan," sabi niya sabay turo ng isang kanto na lalakarin lang. "At d'on po siya naghihintay sainyo. Hindi na ho kasi siya makalakad at nasa kotse na lang siya pero pumunta talaga siya sa set mo para makita ka."

Tumango muna ang artistang binata at lumingon-lingon sa paligid. Wala na kasing tao at ang mga staff at director na lang ang natitira. Umuwi na una si Megan dahil may hahabulin na party daw.

"Wouldn't you mind if I'll have to bring my bodyguard with me?"

Pinatili ng staff ang kanyang ngiti. "Opo naman, sir."

The Unexpected OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon