Chapter Twelve

192 7 0
                                    

Zach

Agad kong nabitawan si Cloud habang papalakad sa'min si Bree na galit ang mukha. Parang natunaw ang galit ko at napalitan ito ng kaba. Hindi ko pa siya nakitang galit at ewan ko ba bakit natatakot ako kung ganito siya.

"This day has been stressful and you two are making it worse!"

Halos mapapikit ako sa talim ng boses niya.

Narinig kong tumikhim si Cloud at lumapit kay Bree upang igiya siya sa bewang.

"I'm sorry, love." Hinalik-halikan ni Cloud ang buhok niya. Nag-iwas ako ng tingin at pinili na tignan ang kanang dapit ng mabatong sahig ng parking lot kung saan ako natumba kanina.

"Let's just get out of here. I want to rest." Narinig kong sabi ni Bree.

Hindi na ako tumingin sakanila hanggang sa narinig ko ang yabag nila papaalis.

Mabigat ang pakiramdam ko buong byahe papunta sa unit ko. Nakauna ako sa kanila kaya panay ang tingin ko sa rearview mirror. I wondered if what they are doing now in the back of the car. They must have probably made out till their heart's content. Fuck, even the thought makes me want to stop this car para mabangga sila sa likod ng kotse ko at matigil sila.

Inis kong pinindot ang honk ng kotse ko kahit wala namang dahilan para pindutin 'yon.

Nang nakarating na kami sa harap ng condominium ay pumarada ako sa parking space ko. Binuksan ko ang pinto at bumaba ng kotse. Sakto naman na dumating ang kotse nila at sa likod ng kotse ko sila pumarada. Kinrus ko ang mga braso ko habang naghihintay sakanila na bumaba. Unang bumaba ang mga bodyguards ni Cloud at hiningi sa'kin ang susi kotse pero tinanggihan ko sila at sinabihan na ako ang magdadala. Sumunod naman sila at bumalik sa kotse. Nakita ko na bumukas ang pinto ng backseat at lumabas do'n si Bree wearing sunglasses and with her hair down. Napalunok ako nang makita ko ang ikli ng shorts niya at pinaresan lang ito ng t-shirt na vee ang neckline.

Cloud is lucky as fuck. He got the girl of my dreams.

Nakasunod na lumabas si Cloud at iginiya ulit siya sa bewang at hinalikan si Bree sa harap ko. Para akong nasuntok sa nakita ko. I've seen him kiss her before and I swear I wanted to pull him and punch his face. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil gusto kong manakit. Para akong mababaliw sa gallit at selos na naghalo sa loob ko.

Fucking son of a bitch!

Hindi ako tumingin sa kanila hanggang sa lumapit sila sa'king dalawa. All my life, I've always kept a straight face but at this moment, mahirap gawin pero kinaya ko. Kasi kailangan ko 'to. Showing my vulnerability wouldn't do me any good anyway. 

"Take good care of my fianceé, Zachary."

Hindi na ako nagsalita kasi galit na galit ako. I don't mind for a second round. Gusto ko talaga sirain ang mukha niya! Nakita ko na hinalikan niya sa noo si Bree at may binulong. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mata ni Bree dahil naka sunglasses siya pero alam ko na pagod na pagod siya dahil sa mga nangyayari.

Umalis na si Cloud maya-maya at nasorpresa ako na hindi man lang kumaway si Bree at ngumiti. Nang kami na lang dalawa natira ay napawi ang galit ko. Hinarap ko siya at bumalik ang kaba sa dibdib ko. Galit pa kaya siya sa'kin?

Hinarap niya ako at ngumiti siya pero halatang pagod. Pero hindi ko maiwasan ang pagtataka. Hindi siya galit?

"Should I help you with my things?"

Agad akong umiling. "H-ha? Huwag na! Pumasok ka na lang una at ako na ang magdadala nito."

Tumango siya at tumingin sa condo unit ko ta's hinarap ako ulit. "Nice place... Ang laki ng pinagbago mo, Zach."

The Unexpected OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon