Chapter Four

205 4 0
                                    

Bree

"Ano ka ba, Bree! Mahihilo na ako riyan sa kakalakad mo pabalik-balik ha? Sasapakin na talaga kita kung hindi ka titigil!" Suway ni Anne sa'kin. Lunch break na at kanina pa kami dito nakatambay sa cafeteria ng skwelahan namin.

"Anne naman, eh. Bakit wala pa rin si Zach?"

Nakita ko na nagulat siya. "Ba't mo hinahanap si Zach?" Tapos ngumisi siya ng nakakaloko. "Ehem, magtapat ka nga sa'kin, Bree. Gusto mo na ba si Zach?"

"Ano?! Hindi! Kailangan kong mag-sorry sakanya."

"Eh ba't ka magsosorry? May nagawa ka bang kasalanan?"

Napalunok ako.

"Anne... may sasabihin ako sa'yo."

Kumunot ang noo niya. "Ano?"

"Uhm, I ki---"

"Bree!"

Napatigil ako sa pagsalita at lumingon-lingon ako. Napanganga si Anne dahil si Niko Gatchalian ay lumapit sa'min. Since nandito naman ang kapatid niya, tatanungin ko na lang siya.

"Niko, ba't wala si Zach?"

Ngumiti siya. "Nagkasakit."

"Ano?! Bakit daw?"

"Hindi ko alam, eh. Baka nahalikan." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko at naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Shit, sinabihan ba niya ang mga kapatid niya?

Tumawa siya. "Just kidding, Bree. Sinat lang."

Napahinga ako. Muntik na ako dun ah. "S-Sige..."

Paalis na sana siya na bigla siyang tumigil at hinarap ako ulit. "Puntahan mo siya. Nasa El Grande Estates kami nakatira, Block 5 lot 2."

Napatingin lang ako sakanya. Is he saying that I should visit Zach?

~
Kakatok ako o hindi?

Yun lang ang nasa isip ko ngayon nang nasa harap na ako ng malaking bahay ng mga Gatchalian.

What the heck... Why would I---

Bigla na lang bumukas ang gate. Napatili ako sa gulat. Wala namang tao, ah?

"Pumasok ka na, Bree."

Teka, boses yun ni Zach, a? Pumasok ako sa bahay nila at medyo namangha ako sa laki.

Palibhasa, Gatchalian, maraming pera. Pumasok ako sa gate at namangha ako sa hardin na agad bumungad sa'kin. It looks like the Gatchalians has a taste for nature. Their garden proved it to me. The flowers looked so fresh and organized and it was planted in each row. Ang bermuda grass, halatang nabuhusan na ng tubig dahil basang-basa at matingkad ang luntiang kulay nito.

"Bree..."

Naputol ang atensyon ko sa hardin at agad kong nakita si Zach na nakatayo sa veranda nila. He was wearing a white t-shirt and pyjamas at naka-suot siya ng tsinelas. His clean cut hair was a bit messy pero gwapo pa rin siya.

Since when did I start admiring his looks? Was it last night na nahalikan ko siya?

Lumapit siya papalapit sa'kin at bigla akong kinabahan. Why does he look mad? Tumigil siya sa paglakad hanggang isang metro na lang ang layo namin.

"Anong ginagawa mo rito?"

Bigla akong nablangko sa tanong niya. Why am I also here? Ah! Yun nga, kailangan kong mag-apologize sakanya.

"Zach, I'm sorry sa nangyari kagabi. I was just..."

Ano ba nga, Bree? Bakit mo ba siya hinalikan?! Gaga ka naman kasi, e.

The Unexpected OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon