Chapter Three

211 11 0
                                    

Bree

He had the nicest lips ever. Hindi ko alam kung bakit hinalikan ko na lang siya basta ang alam ko... Nakakaantig ang mga labi niya.

Hindi pa ako lasing, just sleepy.

"Bree..."

Oh my God! I'm kissing Zach! I'm freakin kissing him!

Tinulak ko siya. Oh my! Ano ba ang pinaggagawa ko! No, I'm very much aware that I'm kissing Zach.

Nakita ko na pumula ang pisngi at labi niya dahil siguro sa halik. Napalunok ako. His lips are red, tempting.

What the heck is happening in my system?

"What's wrong?" Medyo paos ang boses niya which sounds sexy. Pati ako nagtataka bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. The alcohol must have gotten into me.

"This... I didn't mean..." I'm out of words. Damn! I'm out of freaking words! Ba't ko ba nagawa to?!

"Pinagsisihan mo ba?"

Hell no! Hindi ko nga nararamdaman ang guilt at galit ako sa sarili ko dahil hindi ko nararamdaman ang pagkakaguilty! Pero hindi niya pwedeng malaman to... I love Scott. What I felt right now is just lust.

Pero bakit may pagnanasa ako sakanya?!

"Zach, hindi ko sinasadya. This is wrong... Hindi ko dapat ginawa to." Sabi ko.

Nakita ko na nasaktan siya sa sinabi ko. Kitang-kita sa mata niya na nagustuhan niya rin yon. Tumikhim na lang siya.

"Yeah, right. Lasing ka lang... Makakalimutan mo rin to bukas." Matabang ang pagkakasabi niya at hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty.

Dahil hindi ako lasing at hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko yun...

"Iuuwi na kita Bree, sakay na." Malamig ang boses niya at ewan ko kung bakit sukdulan ang konsensya ko ngayon. Binigay niya sa'kin ang jacket niya dahil sabi niya malamig daw. Hindi na ako umangal. Tahimik akong sumakay sa motor niya.

Nang nakarating na kami sa bahay, bumaba ako sa motor at hinarap siya. Wala pa rin siyang imik. Kasalanan ko to... Alam ko naman kasi na gusto niya ako pero pinaasa ko siya.

"Zach..."

"Pumasok ka na... Hihintayin kitang makapasok sa loob." Walang gana niyang sabi at nakatingin sa kawalan.
"Zach, I'm really sorry. Hindi ko kayang pumasok sa bahay na galit ka sa'kin." Sabi ko. Seriously, I want to whack my head.

"Hindi ako galit. Pumasok ka na, gabi na." Hindi pa rin siya tumitingin sa'kin.

"Zach naman, kung hindi mo ako mapapatawad. Okay lang... Kasalanan ko naman eh."

Tumalikod ako at lumakad patungo sa bahay namin. Narinig ko ang pag-andar ng motor nang pumasok na ako sa bahay.

Binati ako ng katulong namin, tinanguan ko lang siya.

"Astig ng jacket mo, Ma'am Bree." Sabi niya. Agad akong napatingin sa suot ko. Hala! Yung jacket ni Zach. Hindi ko to napansin, ah?

Pumasok ako sa kwarto ko at isinampay ang jacket niya sa Coat Hanger ko. White Leather Jacket siya at maganda siyang tingnan. Bagay na bagay kay Zach dahil may pagka matipuno siya.

Naalala ko tuloy ang halikan namin.

"Aaargh! Ang gaga mo talaga Bree! Ba't mo ba ginawa yun?! Galit tuloy siya sa'yo!"

Napasalampak ako sa kama ko at napabuntong hininga.

Sana mapatawad ako ni Zach.

Zach

"Oh, anong nangyari sa'yo? Parang biyernesanto ang mukha mo, ah?" Bungad ni Kuya Niko sakin. Dumiretso agad ako sa mini bar namin at kumuha ng scotch.

"Uy... Akala ko, gumala kayo ni Bree? Anong nangyari?" Tanong din sa'kin ni Kuya Evo. Kumuha ako ng baso at lumagok. Ayokong magsalita, baka makamura ako.

"Aba... Si bunso, nabasted ata." Bulong ni Kuya Niko kay Kuya Evo.

"Seriously? Magbubulung-bulongan kayo diyan? Ba't hindi niyo ako sabayan dito?" Medyo irita kong sabi at sumalin ng scotch. Napamura ako sa anghang ng alak.

"Eto na nga, ikaw naman, highblood masyado." Sabi ni kuya Niko at umupo sa isa pang upuan. Umupo rin sa tabi ko si kuya Evo at kumuha sila ng baso.

"Mama Pacing, Pakilutuan mo kami ng pulutan please." Malambing na sabi ni kuya Niko nang dumaan si Mama Pacing, ang matanda naming katulong

"Ano bang pulutan?"

"Yung sisig na lang, manghihingi rin kami ng ice. Salamat po." Sagot niya at bumaling sakin.

"Anong problema? Ba't ganito?" Tanong sa'kin ni Kuya Niko. Uminom muna ako at suminghap dahil maanghang.

"Hinalikan niya ako." Sabi ko.

"ANO?!" Sumigaw silang dalawa sa'kin. Nagsalin ulit ako ng alak.

"Bakit ganyan ka? Diba dapat, masaya ka?" Ani Kuya Niko. Umiling ako.

"Paano ako sasaya? Eh, hindi niya naman yon sinasadya. Nagkamali lang daw siya. Hinalikan niya ako pero si Scott ang nakita niya ata."

Pakiramdam ko, parang ginamit niya ako para maibsan ang sakit niya. Kaya niya ginawa yun. Sobrang sakit... Kasi, gusto ko siya. Dahil alam ko, bukas. Kakalimutan niya rin yun.

"Gusto ko talaga siya... pero ang hirap niyang abutin." Sabi ko at lumunok.

Bumuntong hininga ako at ininom ang alak.

"Dahan-dahan, Scotch isn't water Zach. Kailangan mo ng ice." Sabi ni Evo.

~
Dahil sa sobrang kalasingan ko kagabi. Nakahawak ako sa ulo ko dahil parang mabibiyak siya. Si kuya Niko at Evo naman, parang walang ininom kagabi.

"Bilisan niyo na ang pagbihis. Zachary, ba't mo tinutulugan ang breakfast mo?" Saway sa'kin ni Mama. Minulat ko ang mga mata ko pero nahuhulog talaga sila. Inaantok talaga ako.

"Mama, I'm not feeling well. Pwede bang hindi na lang pumasok ngayon?"

Narinig ko ang tawa ni Kuya Niko at Evo. Sinamaan ko sila ng tingin pero hindi sila natigil sa pagtawa.

"Bakit, baby? Nilalagnat ka ba?" Hinawakan niya ang noo ko. "Hindi naman, ah. Masakit ba ang ulo mo?"

"Ayaw niya lang makita si Bree kaya ayaw pumasok." Hagikhik ni kuya Niko.

Umirap ako. "Mama, please?"

"Sigurado ka ba anak? Sayang naman kung hindi ka pumasok ngayon." Sabi ni Mama.

"Sige na, Mama. Promise po, papasok na ako bukas pero huag lang muna sa ngayon."

Tumango si Mama. "O sige... Magpahinga ka na lang sa kuwarto mo. Hahatiran kita ng gamot mamaya."

Ngumiti ako at kinain ang breakfast ko.

Salamat naman, hindi ko lang muna siya makikita ngayon.

The Unexpected OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon