Chapter 15: Chapter of Time Part 1

144 16 8
                                    


MR. LAUTNER GAMMATLON

The Fast Forward Of Time

A/N: PAST

"Laford! Laford! Andito na ang Dad. Bilis pabuksan mo yung Gate."

Nakarating na ako sa bahay namin. Galing ako sa FID, dami kasi work eh, Sabagay trabaho iyon ng namumuno. ^_^|| Sa wakas, naging successful ang aking ginawang gamot. Ang gamot na magpapa- upgrade sa sangkatauhan. Ang magiging sagot sa mga hindi nasasagot na tanong ng mundo. Ang magpapaunlad ng mundo. Ang INTELLIGENCE, o ang XX-FIDEZ na pangalang aking ginawa.

Ang saya saya ng mukha ng anak ko nang makita ko siya sa Gate. Naghihintay ata sa akin, naghihintay dahil gusto na akong makita. Hehe.

Matagal na kasi akong hindi nakakauwi, mga limang taon na ata kaya ganun ganun na lang ang paghihintay ng aking anak.

"Dad! Parating na po si Mommy." sabi niya nang bumalik siya. "Halika nga rito. ^O^" yaya ko sa kanya.

Lumapit naman siya. Nakahawak siya ngayon sa Gate, pilit na kinakalikot ang buksanan. "Laford... Wag mo na buksan. Si Mommy na, Ok?"

Sumunod naman ang maamong mukha nito.

"Eh Dad.. Namimiss na po kita eh.." tumungo ang kaniyang mukha na parang nagmamakaawa na mabuksan nalang bigla.

"Halika nga rito." pinasok ko ang dalawa kong kamay sa gate. Niyakap ko siya kahit na may harang sa amin. Namimiss ko na rin kasi itong anak ko eh.

Hinawakan ko ang kanyang nakatungong ulo at itinapat sa akin. "Laford... Pogi ba ang Dad?" biro ko sa kanya para hindi malungkot.

"Oo naman po, Dad. Ako po ba?" pagbabalik niya ng tanong sa akin. Nakakatuwa rin tong anak kong ito eh, mabilis mawala ang lungkot.

Kahit na 7 years old palang itong anak ko. Magaling na ito mag isip, mature na siguro kakanood ng Teleserye na pinanonood ni Mommy. ╯△╰

Napatulala ako sa mala anghel niyang mukha nang itanong niya iyon. "Oo naman...Kamukha kita eh."

"Andyan ka na pala. Sorry may niluluto ako eh, hindi maiwanan eh. #^_^"

"Andyan na rin pala ang babaeng pinakamamahal ko. Haha." bungisngis ko.

Binuksan niya ang Gate. Yayakapin sana ako ng asawa ko nang biglang naunahan.

Naunahan ng anak ko. (>^ω^

"Tignan mo nga naman, ~^O^~ naunahan pa ako." sabi ng asawa ko.
"Oo nga eh." sabi ko naman.

Nakayakap parin siya ng mahigpit sa aking binti. Ayaw ata bitawan. Napakahigpit ng yakap niya.

Gaano kaya ako kamiss nitong batang ito. bulong ko sa asawa ko.

Sobrang Sobra. bulong naman niya.

"Naririnig ko po kayo." isang maliit na boses ang narinig naming dalawa.

Narinig niya pala. (=^.^=)

"Uhmm." binuhat ko si Laford, medyo mabigat siya. "Bubuhatin pa." nagselos ata ang asawa ko.

"Gusto mo ikaw?" biro ko sa kanya.

Lumihis lang ang tingin niya. Jealous #^_^#

"Ui... Musta na? Miss mo ba ak.." napatigil ako nang bigla niyang yakapin ang aking leeg. Napangiti ako sa ginawa niya. Piling ko ay oo na rin ang sagot niya.

"Namiss rin kita." ani ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin. Medyo hindi pa matangkad itong batang ito kaya buhat buhat ko parin.

"Tara na sa loob. May inihanda akong dinner, Tara!" pagyaya ng asawa ko. Kinuha niya ang mga dala dala kong gamit at pinasok sa loob.

The IntelligenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon