Chapter 18: Save Us From Pain

121 17 4
                                    


RYLE

War of Life and Death

It's been years narin nang mangyari sa aming pamilya ang hindi inaasahan. Ang malagim na ginawa ng SID sa aming pamilya. Karumal dumal at puno ng galit ang naramdaman ko sa kanilang ginawa. Naiisip ko parin ang nangyaring iyon sa aming pamilya. Naririto ako ngayon sa harapan ni Mr. Glifford, ang ama ni Jeanette. Hinihintay namin siya ngayon. Wala pa siya. Nakaupo ako sa gilid ng kulungan. Tahimik ang paligid na para bang kinakain ang ingay na bawat sasambitin. Wala ang mga kasamahan ni Mr. Semerthgav ngayong araw dahil karamihan sa kanila ay naghahanda para sa kanilang laban, Ang laban nila sa FID. Masaya ako na makikita ko na siguro ang aking ina.

Tanggap niya kaya ako??

Tanggapin pa kaya niya ako matapos ang nangyari sa aming pamilya??

Sana nga......

Patuloy kong bulong. Hindi ko alam kung maiiligtas kaya nila ako. Sana mailigtas na nila ako. Ayoko nang mamuhay ng pagkatagal tagal sa korporasyong ito. Hindi na ako nakakapag-aral. Gusto ko nang mamuhay ng normal.

Sadyang pumasok sa aking isipan ang malasimuot na ginawa ni Mr. Semerthgav sa aming pamilya.

------------------------------------------

I was 5 years old that time... Kumakain kami nung araw na 'yun. Napakasaya ng bawat sandali, hindi nawawala sa amin ang sigla at katuwaan. Kasama kong kumakain ang aking Mom and Dad.

Mga halakhak namin ang nagpapatunay na masaya kami. Kumakain kami ng adobo nung araw na iyon. Naalala ko pa yung araw na iyon.

Sa sandaling iyon, may napansin akong kakaiba sa aking ina. Kinuha niya ang kanyang phone at may binasa siya. Laking gulat ko na iba ang reaksyon niya, Tinanong ko siya kung bakit, sabi niya wala naman daw.

Tinuloy ko naman yung kinakain ko, akala ko nagbibiro lang yung reaksyon niya sa phone niya. Mas lalo akong kinabahan nang tumayo si Mom at nagpasama kay Dad sa sala. Halatang nagmamadali sila.

Sabi niya nang pagtayo nya ay may sasabihin lamang daw siya kay Dad. Nung araw na iyon, nararamdaman kong may mali. Kinakabahan ako. Ngunit sa paalala ng aking ina, pinagpatuloy ko nalang ang pagkain kahit hindi ko sila kasabay.

Habang kumakain ako, doon na sumiklab ang damdamin ko. May narinig akong sigaw, alam kong sa Dad ko iyon. Mas lalo akong nataranta sa nangyari.

Ibang iba ang naging expression ko nang tumakbo ako papunta sa sala.

Sigaw parin nang sigaw ang Dad ko. Hindi ko mapigilan ang malakas na tibok ng puso ko sa nangyayari.

Sa aking pagdating......

Akala ko pwede na akong mamatay.

"Ryle! Tumakbo ka! Lumayo kana dito!" wika ng aking ina.

Napansin kong may nakatutok sa kanya na electric device banda sa kanyang leeg.

Nagpapigil ako, ayokong umalis sa kanila. Gusto ko silang iligtas ngunit mukhang hindi ko na magagawa pa dahil lumapit agad sa akin ang isa sa mga kasama ng SID.

Agad agad naman akong tumakbo ngunit nakuha agad ako.

Binalandra niya agad sa akin ang isang kalibreng baril habang hila hila ang kamay ko.

Sinubukan kong magpumilit ngunit hindi ko na magawa pa dahil hinila niya sunod ang leeg ko.

"Please!! Huwag siya! Ano bang kailangan niyo sa amin?!?" pagpipilit ng aking ama sa mga SID.

The IntelligenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon