Chapter 20: Witness The Invisibility Of Intelligence

67 10 7
                                    


LAFORD

Theory of Creativity That Shocked Us All

Hindi ko maintindihan si Lawrence sa kanyang sinabi pero may posibilidad na totoo nga iyong hinala niya. Nakakapagtaka siya, sarili kong sinabi iyon ng walang pakundangan o pumasok sa isipan ko para sabihin ko iyon. Normal ko lang din sinabi iyon sa kanya. Hindi ko talaga siya maintindihan kung papano niya nasabi iyon, kasi kung ganun ay napakagaling niyang tao upang humula ng pangyayaring normal naman.

Nandito pa rin kami ngayon sa Hymiegie Park at nakaupo, hinihintay si Lawrence maubos ang kanyang kinakain. Pinipilit ko siyang kumain ng marami para gumaan ang isipan niya sa mga nangyayari ngayon sa amin. Ngunit hawak hawak niya lamang ito at nakayuko ng parang tuod.

Inakbayan ko ang kanyang balikat upang gumaan naman ng kahit kaunti ang pakiramdam niya.

Kahit na pare parehas kaming nagdurusa, ay mas inintindi nalang namin si Lawrence dahil pinsan siya ni Jeanette, mas lalong masakit sa kanya iyon.

Nagsimula akong magsalita para magkaroon naman ng gana ang katahimikan. "So.... Anong plano mo, Lawrence? Papano mo ipapaliwanag sa mga pamilya niyo ang tungkol sa nangyari kay Jeanette? Alam kong marami akong tanong pero, alam ko ring kailangan mong gawan ng aksyon yung mga bagay na gagawin mo matapos ang engkuwentro kanina."

Ngunit mas lalo ko pa yata siyang nasaktan. Mas lalo siyang napaluha nang tuluyan at naging aggressive sa kanyang kinalalagyan. "Ewan ko! Ewan ko! H-hindi ko na maramdaman ang p-pagiging ako, h-hindi ko rin alam k-kung bakit.." matapos niyang sabihin iyon ay binato niya yung pagkain na hamburger sa harapan niya. Nabato niya ang dalawang magkasintahan sa harap namin na nagninilay-nilay sa maliit na pond ng park. Nabato niya yung lalaki at nagtalsikan ang mga laman ng hamburger sa ulo nito. "What the... fff..." pagkagulat naming dalawa ni Luke. "Bakit mo ginawa yun?" biglaang tanong ko sa kanya.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iiyak. Sa totoo lang, ay mas lalo niya pang nilakasan ang pagsigaw na siya namang nagpagalit sa lalaking natapunan. "Hindi ko rin alam, Laford!" sigaw niya matapos kong itanong sa kanya iyon.

        "What the fvck..." mahinang sabi ni Luke nang makita niyang tumayo na ang kasintahan ng babae. "Hey! What the hell is your problem? Huh!?" sigaw nito sa amin. Pinapatigil siya ng kasintahan niya nang sabihin nya iyon sa amin.

Nagulat ako sa ginawa ni Lawrence, napaluhod siya at nagsisigaw ng, "I don't know too!"

Hoy.. tumigil ka na nga dyan.. bulong ko sa kanya nang pinatayo ko siya sa pagkakaluhod niya.

"Sabihin mo nalang na walang forever para may dahilan ka bili." pagbibiro sa kanya ni Luke. "Shh! Para kang gago, Luke." saway ko sa kanya na nagpatigil din naman sa kanya. "Pinapatawa ko lang naman, tignan mo nga kalagayan niya."

"Hmmm.." buntong-hininga ko. Napansin kong napatahimik si Lawrence at tumayo. "Walang!! Pfft.." pinatigil ko siya sa kanyang sinabi dahil alam ko na agad ang sasabihin niya. "Tumigil ka nga. Huwag mo ng asarin."

"What did you say?!?" sigaw na naman ng lalaki. Medyo mataas na ang boses niya nun. Pinapatigil lang siya ng kasintahan niya. "Please... go away now.." sabi sa amin ng babae. Maganda ang pangangatawan nito at kulay ginto ang buhok. Naka-jacket din ito at naka-maong lang.

"O-okay.. We will." sabay takbo namin papunta sa labas ng Hymiegie Park. Baka kasi mas lalong lumala ang sitwasyon namin tsaka aalis narin kami. Dali-dali kaming tumakbo papunta sa labas.

Nang makarating na kami sa gate ay may nakasalubong akong lalaki at natulak ko pa. "I-i'm so sor.." aniya ko sa nabunggo ko. "Watch your.." tigil niya rin. Napadapa siya sa tapat ko. Kinamayan ko kaagad upang makatayo.

The IntelligenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon