Chapter 19: Declaring Our Second

87 18 22
                                    

MRS. LAVENIUR

Leadership

"Mam, meron pa po ba kayong ipapa-announce?" narinig ko ang katok niya at sabay binuksan naman agad nito ang pinto. Si Lax ito, ang nag-a-anounce sa mga meeting kapag wala ako, kumbaga Spokesperson. Kapatid siya ni Tarklain at kasalukuyang tinatapos ang Doctorate Degree sa Physics. Magaling siyang lalaki at napakasipag. Medyo mahirap ang kanilang kalagayan ni Tarklain dahil patay na ang kanilang mga magulang. Kaya sila nagtratrabaho sa FID dahil pinaubaya na sa akin ng kanilang mga magulang ang pagpapaaral sa dalawang bata. Nagtratrabaho sila bilang utang na loob sa pagpapaaral sa kanila. Mababait ang mga batang ito at disiplinado sa bawat gawain. Dahil sa wala naman silang tirahan, ay dito na rin sila naninirahan. Kaibigan ko rin kasi ang mga magulang nila Tarklain at Lax kaya tinanggap ko na lamang din sila.

Ilang sandali ang lumipas bago ko siya sagutin. Malalim ang isipan ko sa mangyayari mamaya. Kinakabahan ako at namamawis ang mga kamay ko.

Maililigtas ba namin ang anak ko? Kamusta na kaya siya? Gusto ko na siyang makita. bulong ko sa aking sarili na siya namang naririnig ni Lax.

Lumapit siya sa akin agad-agad. Alam niya na ang tungkol doon kaya nadarama niya rin ang sitwasyon ko. "Huwag ka mag alala, Tita. Maililigtas natin siya, Maililigtas rin natin siya. Makakapaghiganti rin tayo sa kanila." wika niya nang yakapin niya ako habang nakaupo sa aking office chair.

Hindi ko parin talaga alam kung maililigtas pa ba namin siya. Naranasan na namin ang lumaban noon sa SID at alam kong napakahirap kalabanin sila. Malalakas na sila ngayon at determinadong manalo. Ayokong mabawasan na naman kami.

Napahagulgol na lamang ako sa iyak habang yakap-yakap ko si Lax. Ewan ko ba kung bakit ako inaatake ng negativity. Positibo akong tao, bakit ako ganito. "Magagawa kaya natin?" kutob kong tanong sa kanya. "Opo, Tita. Magagawa natin, nanalo na po tayo dati. Magsisimula muli ang paghihiganti natin sa kanila. Hindi tayo titigil." pagiging positibo niya.

"Salamat, Lax. Kahit papano may nakakapag kalma parin sa akin. " sambit ko. "Basta po Tita, kapag kailangan niyo kami, nandito lang kami handang lumaban at maghiganti para sa hustisya ng mga kinuha sa atin."

Salamat... mahinang sabi ko sa kanya. Hindi talaga maiiwasan sa buhay na kapag malungkot ka ay may darating upang bigyan ka ng aksyon. Nagpapasalamat ako na nandyan sila at handang tumulong. Gagawin ko ang lahat bilang hustisya sa mga namayapa at nakuha sa amin, Alang alang sa pangalan ni Mr. Gammatlon.

"Dumating na ba sila Laford dyan? Sina Sandy at Matt? Nandyan na ba?" pagkalas ko ng yakap at pagtatanong ko muli.

Bakit kaya wala pa sina Laford? Siguro baka may ginagawa pa sa kanilang klase. Kailangan ko na siya upang madiskubre ang kanyang kakayahan sa Intelligence. Kailangan ko siyang bantayan sa pagbabantay ng SID. Alam kong siya ang pinaka-target ng SID para lumabas si Mr. Gammatlon sa kanyang pinagtataguan. Hindi ko rin alam kung nasasaan sila nagbabantay at wala na kaming komunikasyon simula ng umalis sila. Bantayan ko na lamang daw ang limang bata, at siya na lang daw ang bahala sa tatlo.

"Ahh wala pa pong update kay Laford, wala pa po siya. Sabi ni Sandy, wala daw sa room nila kanina, pati ang mga kaibigan niya daw ay wala. Nagtanong si Sandy sa second subject professor nila, sabi daw ay may emergency na nangyari kanina at kaibigan daw nila Laford ang dinala sa hospital. Si Matt ay umalis uli, may pupuntahan lamang daw siya sa lokasyon ni Laford. Hinahanap niya rin sina Laford." paliwanag niya.

"Ahh ganun ba, sana walang nangyaring masama sa kaibigan nila. Sana makapunta na siya rito. Pakisabi nalang kay Sandy na kapag nakauwi na siya, bantayan sina Laford at ang mga kaibigan niya sa pagpunta rito. Mahirap na. Pakisabi rin na maghanda na ang mga Intenesists at pakisabi narin kay Commander Troworf na ihanda na ang kanyang mga forces. Aalis na tayo. Sigurado na ba kayong sasabak kayo mamaya? Ayokong mapahamak kayo." ani ko naman.

The IntelligenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon