Road Trip - Part 3.2: Is It The End?

664 8 7
                                    

Enjoy Reading! ^_^

*****

Sa pagpapatuloy ng Road Trip...

Sa pagpasok ng dalawa sa malaking bahay, may ipinagtapat si Mang Kado kay Lloyd.

"Sir Lloyd, narinig ko po yung ikinuwento niyo kanina."

"Talaga? Nakakaawa nga po talaga yung babae. Nadamay pati yung sanggol na dinadala niya. Yung tatay naman, nagpakamatay dahil sa takot na baka siya yung isunod ng kaibigan niya. Tsk, tsk, tsk."

"Oo nga po e. Sa totoo lang, sikreto lang natin 'to ha? Ako yung nakakita sa buong insidente. Ako po yung nagsumbong sa mga pulis."

"Ikaw?!" nabigla si Lloyd sa nalaman.

"Oo. Hindi ko nga alam ang gagawin noon. Gulong-gulo yung isip ko. Natatakot ako na baka patayin niya rin ako."

"Naku, buti na lang nakulong na siya. Kung hindi, baka marami pang buhay ang madadamay. Sige po Mang Kado. Matutulog na ako," at saka umakyat na si Lloyd.

Sa kwarto ng mga babae, pinag-uusapan pa rin nina Trish at Nichole yung nangyari kanina.

"Grabe, nakakatakot talaga yung nangyari kanina Trish. Parang sinadya talaga na takutin tayo. Timing na timing pagkatapos nung ghost story. Tumayo nga lahat ng balahibo ko e."

"Oo nga ate Nichole. Sobrang lakas nga ng tibok ng puso ko. Halos hindi na nga ako makagalaw e," sabi ni Trish.

"Teka, asan na ba yung ate mo?"

"Ewan."

Ilang sandaling katahimikan ang lumipas.

"Trish... s-sino 'yang nasa likod mo?!" turo ni Nichole sa likod ni Trish.

"Ate, wag mong sabihing may-- EEEEEKKKKK!" sigaw ni Trish. Halos lumabas na yung ngala-ngala niya sa sobrang pagtili.

"AHAHAHAHAHA!!!" sabay tawa naman si Nichole.

"Ate naman e. Wag ka namang ganyan. Hindi mo ba ko papatulugin mamaya? Sige ka, mamaya, ikaw pala yung may kasama. Tatabi diyan sa pagtulog mo," pananakot naman ni Trish.

"Asus, nanakot ka pa. Di yan tatalab sa akin. Hindi ako katulad mo no. Scaredy cat," sabay belat sa kapatid.

Samantala, nasa terrace ng second floor naman sina Nick at Leane, nag-uusap.

Road TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon