Chapter 3

970 14 2
                                        



Jhoana

Bago ako sumunod sa kanya ay
binilanan ko muna yung mga
staff na nagliligpit ng mga
equipments ni Bea na ipasunod
agad ito sa room namin.

Saktong pagkatalikod ko pa lang
ay may narinig akong tumawag
sa pangalan ko. "Jho!"

Paglingon ko, Si Fel ang nakita
kong nagtatakbo papunta sakin,
nakasuot lang ng robe, jusko
naman, di man lang nagbihis
muna. Hubo't hubad pa naman
kanina sa shoot.

"Yes?"

"Please tell Bea na pumunta
muna sa room ko. Thanks,
Jho." hoy babae, si Bea lang
ang boss ko, hindi ikaw! Wala
kang karapatang utusan ako
noh! Tsk. Ilang babae pa kaya
ang mamumura ko lagi sa isip

"Okay," sabi ko na lang para
makaalis na din ako. May
sasabihin pa sana siya pero agad
na kong tumalikod.

Pagpasok ko sa room naririnig
ko na ang sound ng shower sa
banyo, naliligo na ang mahal ko.
Haha! Bango bango na naman
nun paglabas.

Kinuha ko na ang laptop ko at
ini-on. Pagbukas nito ay ni-
connect ko na din ang camera
para ma-email ko na kay Deanna
ang pictures.

Habang sinesend ko ang files ay
tumawag din ako sa kanya.
"Hello, deans. Ineemail ko sayo
ngayon ang pictures ah.
Deadline is 5 days from now,
then pipiliin na nila."

"Ganun ba? Ano ba yan. Overtime
na naman pala ako ngayon dito
ah," reklamo niya

"Patulong ka kay Jia"

"Madami din siyang ginagawa, di
bale. Malaki na naman bayad ko
nito. Hehe!"

Natawa na lang ako. In fairness
naman kasi sa boss namin,
medyo malaki binabayad samin
kaya hanggang reklamo lang
kami.

"Sige na, at mag-aayos pa ko.
Halos katatapos lang ng shoot."

"Dinner alone kana naman nivan.
Hahaha!" nangaasar na naman
tong si deanna.

"Ano pa nga ba, oh sige na."

Nagpaalam na kami ni deanna
sa isa't isa. Hindi pa tapos
magsend ang files kaya humiga
muna ko at pinikit ang mga mata
ko.

For sure nga, since wala naman
akong ka-close sa ibang staff ng
Rogue maliban sa mga models at
nandito pa yung Fel, mag-isa
nga akong magdidinner.

Napadilat ako paglabas ni Bea sa
banyo. Naka sports bra lang siya
at nakaboxers habang
nagpapatuyo ng buhok. Agad
akong bumangon at dumiretso
sa closet para i-prepare ang
susuotin niya.

"Bei, pinapasabi pala ni Fel na
puntahan mo siya sa room niya."
sabay abot ko sa kanya ng shorts
niya na agad namang niyang
sinuot.

"Sinunod mo naman." pagkasara
niya ng butones ay lumapit siya
sakin.
llang hakbang na lang, my God,
ang puson-este yung puso
ko.

"Ye," sobrang lapit niya na sakin,
mga 1 foot na lang ang layo ng
mukha niya, naaamoy ko na ang
hininga niya na kakatoothbrush
lang. Woooh. Hinawakan niya ko
sa balikat at tiningnan ng diretso
sa mata.

"Ako lang ang pwedeng
umutos sayo, remember?"

"Ha? Ah, o-oo," potek, nauutal pa
ko.

"Kung gusto kong pumunta sa
kanya, pupunta ako. Hindi niya
kailangan iutos sayo na sabihin
sakin."

Wala akong maisagot, muli
siyang nagsalita.
"Ngayon, ang gagawin mo,
maligo kana dun. Kasi
nangangamoy na jho." nilapit
niya pa lalo ang mukha nia sa
bandang kilikili ko, inamoy
amoy ako at tumawa ng malakas.

Nahampas ko tuloy siya.
"Langya ka talaga, Isabel Beatriz!"
padabog ko siyang tinalikuran at
tuloy tuloy na pumasok sa
banyo.

Hanggang dito sa loob ay dinig
na dinig ko pa ang malakas
niyang pagtawa. Minsan gusto
ko ng mapikon sa kanya, pero
hello naman! Mahal ko kaya siya!
Hindi ako pwedeng mapikon.

Naghuhubad na ko ng damit
nang biglang kumatok si Bea sa
pinto, napatakip tulov ako ng towel.

"Ano ba? Maliligo na eh." may
pagkairita kong sigaw sa kanya.

"Bilisan mo ah. Magdidinner
tayo. Utos yan."

walang halong biro na pagkakasabi niya.
Aba! Masunurin ako! Mabilis din
naman akong naligo. At
pagkatapos ko, shit lang! Nasa
labas pala ang damit ko! Tsk.

Kinuha ko na lang ang robe at
sinuot ito pagkatapos kong
magpunas.

Di pa din ako makapaniwala na
hindi ako kakain ng dinner mag.
isa ngayon! Nakakakilig pa din
kaya! Minsan lang sa minsan
mangyari ito kaya grab the
opportunity na.

Paglabas ko ng kwarto ay napa-
Thank You, Lord ako kasi wala si
bea. Napansin ko din na nandito
na sa loob ano mga equipments na sa loob ang mga equipments
niya.

Mabilis akong nagbihis. Pagkakita kong na send na lahat
ng files kay deanna ay pinatay
ko na din ang laptop. Wallet at
cellphone ko lang ang dala ko
paglabas ko.

"Tara na?" paanyaya ko kay Bea.
Dito ko siya naabutan sa balcony
habang nakatingin lang sa
kabilugan ng buwan.

"Tara"

Magkatabi kaming naglakad
papunta sa resto nitong resort at
puro trabaho lang ang
pinagusapan namin. Habang
sinasabi niya ang mga shoot na
pupuntahan namin sa susunod
na linggo ay ninonote ko naman
ito sa phone ko.

Hmmn. So, ibig sabihin pala, free
na kami hanggang weekend.
Maliban na lang kung may biglaang changes sa schedule

niya. Sa studio lang pala kami
nito. Pagpasok namin sa resto ay
nalita ko sa mahabang table sa
sulok ang mga models ng
Rogue, at isa sa kanila ay si Fel
na matalim ang tingin na
binibigay sakin.

Hello, girl! Pinagsawaan ka na
ata ng mahal ko! Bleh!

"jho, dito lang tayo."

'hawak ni bea sa braso ko at hinatak ang upuan para sakin.
Ohhh-emm-geeeel!
Yung kamay pleaseeee! Nakakapaso!
Buti naman at bumitaw na siya.
Umupo siya sa tapat ko at
tumingin agad sa menu.

Kung hindi ko lang alam ang
lugar ko sa buhay ni Bea, isipin
kong date to. Pero. hehehe.
Date nga ito! Para sakin, date ito.
Libre mag assume!

"Bat di tayo nakiupo na lang dun
sa table nina, Fel?"curious kong tanong though alam ko naman na ang sagot.

"Kasi ayoko." mariin niyang sabi.

"Saka, mahirap na ang may
connection pa sa kanya after
nito, makulit siya at gusto niya ng
commitment."

See? Sabi na eh. Tapos na ang
maliligayang araw ni Fel!
Hahaha. Sexually single na
naman ang boss ko. Sangayon
kasi, aside kay Fel, ay wala na
siyang ibang kalandian kaya
kahit papaano eh medyo
napanatag ako.

Si Bea na ang nag order at di
nagtagal ay dumating naman na
agad ang pagkain.
Habang kumakain kami ay napansin
kong sumusulyap si Bea sa
kabilang table, dun kina Fel.

Paglingon ko ay nakita kong
nag-Hi si Jana, dati ko na
tong kakilala na model din. Nag-
wave back ako sa kanya bago
nagpatuloy ulit sa pag kain.

"Kilala mo yun?"

Paq-angat ko ng tingin kay Bea
ay umiinom siya sa juice niya.

"Sino?"

"Yung nag-hi sayo.."

"Obvious ba? Nag-hi nga sakin,
diba?" hala! Natarayan ko siya!
Pero Ugh! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya pala ako niyayang
magdinner kasi may pabor na
naman. Iba ang pabor sa utos
noh. Pagdating sa mga ganitong
bagay, hindi ako nagpapautos,
instead, binibigyan ko siya ng
pabor. May pinagkaiba yun! At
itong dinner na to ang kapalit ng
pabor na yun.

Sumakit na naman tuloy ang
dibdib ko. Hindi pa man nakapagsalita muli si Bea ay alam ko na ang
kalalabasan nito...
Haist...... Magiging tulay na naman
ako.

The Game Of LoveWhere stories live. Discover now