Chapter 10

1.2K 13 1
                                    

Jhoana's POV


Hindi ko alam kung paano ko pang nakuhang pumasok ngayong umaga.

Napakasakit ng buong katawan ko. Naramdaman ko ang sakit paggising ko ngayong umaga. Parang direcho isang linggo akong nagworkout sa sakit ng mga hita ko at kalamnan.

Pero wala pa din yatang tatalo sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Mas masakit pa sa gitnang bahagi ng katawan ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga nangyari kagabi. Twas the best slash worst night of my life. Best dahil kahit sandali eh natupad ang pangarap, o mas appropriate tang sabihin na natupad ang pantasya ko na maging parte ng mundo dahil sa babaeng matagal ko nang minamahal, worst dahil sa nangyari after ng lovemaking namin.

LOVEMAKING. Oo dahil para sa akin, there was love when we did it. There was love when I made her my first.

It was earth-shattering. Intensed. Carnal.

Pinaramdam lahat sa akin yan ni Beatriz kagabi sa buong durasyon ng pagniniig namin. While on my end, it was done with love, sadly on hers, wala akong naramdaman na love. Ang meron? Lust.

Libog. Bulgar mang pakinggan pero yun ang totoo.

What Bea feels for me is just mere lust. Tawag ng laman. Resulta ng mga nakita niya habang suot ko ang mga damit na nag-iiwan na lang ng konting imahinasyon sa mga nakakakita. Tulad din ng nga babaeng dumadating at kaagad ding umaalis sa buhay nya.

Kung isipin, mas maswerte pa nga ang mga babaeng yun na tumagal sa kama o kahit saang lugar na inaabutan ng matinding libog si Bea, dahil sila inaabot ng ilang araw. Eh ako, isang gabi. Oo isang gabi lang.

Bakit? Dahil ba baguhan ako? Dahil ba hindi ako marunong mag-exhibition sa kama katulad ng mga expert nyang mga
babae?

Gagang to! Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na magpakitang gilas. Kung kelan willing na ako sumayaw sa tugtugin na gusto nya. Kung kelan napag-isipan ko nang panindigan ang titulong hot kitten.

Lalong sumama ang pakiramdam ko nang maalala ko ang nangyari after ng mainit na "lovescenes" namin.

Flashback:

Pagkalabas ni Bea ng banyo ay nagbihis sya at nagpaalam na lalabas sandali.

"jho, magpapahangin lang ako." Di na nya hinintay ang sagot ko at agad na lumabas ng hotel room.

Naiwan akong tulala sa kama. Ano ba ang nangyari? Bakit biglang naging cold si Bea? Dahil ba virgin ako? Ano yun, takot siya na baka magdemand ako ng higit pa sa kaya nyang ibigay o baka naman nadismaya sa "poor performance"ko sa kama.

Hindi ko alam kung iyak ako o magagalit ako. Magdamag akong naghintay pero walang Bea na dumating. Awang-awa ako sa sarili ko. Para akong bayaran na pagkatapos pagpasasaan eh iwan na lang sa kama.

Alas kwatro na ng umaga nang pagpasya akong magbihis at umalis sa hotel na yun. Yung sakit na nararamdaman ko physically ay di maikukumpara sa sakit na nararamdaman ko emotionally at mentally.

Paglabas ko ng hotel ay bigla
naman bumagsak ang malakas na
ulan.

Anong kamalasan pa ba ang pwedeng dumating sa akin? Parang gusto ko na lang mapakanta.

Heto ako ohhh basang basa sa
ulan, walang masisilungan..

Nababaliw na ata ako Kay Bea. Kay bea na nagbigay ng malaking sugat sa puso at pagkatao ko.

End of Flashback

~ ~ ~

Ayoko nang isipin. Pinipilit ko na lang isaksak sa isip ko na tapos na ang lahat. And if there's any consolation, nakuha ko ang pangarap ko kahit isang gabi lang. Natikman ko sya kaya ako pa din ang nagwagi. At ngayon tuloy lang buhay, buhay bilang assistant nya at tagalinis ng kalat niya at ng mga babaeng dadating
at aalis din sa buhay nya.

The Game Of LoveWhere stories live. Discover now