Chapter 7

934 14 0
                                        

Jhoana

"Oh? Bat tarantang taranta ka?"
puna ni jia pagkalabas ko
ng opisina ni Bea.

Luminga linga ako sa paligid at
napansin kong nag-ingay sa
loob ng studio, baka may walk-in
customer si mich, kaya si jua
lang ang naiwan dito sa labas.

"Nasa loob sila ng studio.
Magkwento kana dali.." pagkumpirma ni jia sa iniisip ko.

"Pinakuha ako ni bea ng
malamig na tubig." pabulong
kong sabi, mahirap na baka may
makarinig pa sakin.

"Yun lang naman pala, baka
uhaw lang."

"Ju, coffee! Coffee ang
hinihingi ni bea pagkadating
niya araw-araw, walang palya."

"Hindi ba pwedeng iba lang ang
gusto niyang inumin ngayon?"
aba, ang pilosopa ng babaitang
to ah. Akala ko pa naman
susuportahan niya ko.

"jhow" napansin niya sigurong
napakunot ako ng noo. "Ayaw
lang kitang bigyan ng false
hopes, okay? Pero wag kang
mag-alala, tingin ko effective
naman yang suot mo.... Hmmm.
Bilis na, nagaantay na yun ng
MALAMIG niyang tubig. Paano
ang INIT naman kasi ngayon." saka siya tumawa.

Ako naman, diretso na sa pantry
at kumuha nga ng malamig na
tubig.

"bei" sabay katok ko sa pinto ng
mismong office ni bea. Dina din
ako naghintay pang sumagot at tuluyan na akong pumasok

"Water mo." nilagay ko ang baso sa coaster na nakalagay na dito sa desk niya. Umangat siya ng tingin sakin. At
gaya nung encounter namin
kanina nung kadarating lang
niya, ay napatitig na naman siya
sakin. Hinagod niya na naman
along tingin mula ulo hanggang
paa.

Grabe, para akong matutunaw!
Ang lagkit ng tinatapon niyang
tingin sakin. Lumakas pa lalo
ang kabog ng dibdib ko at lahat
yata ng dugo ko umakyat sa ulo
ko.

Beatriz, just stop. Stop staring at me.
Stop staring at me like that!

Bago pa ko tuluyang himitayin ay nag-iwas ako ng tingin at dali daling tinungo ang pinto.

"jho.." tawag niya sakin.
Nakahawak na ako sa door knob
pero tumigil ako at nilingon siya.

"M-May ipapagawa k-ka pa?"
Nagtama ang mga paningin
namin pero ako na naman ang
unang kumurap, nailang ako,
shit.

"Ah, w-wala na. Sige, pw-pwede
kang lumabas. Okay, dismissed na ko. Pero punyemas!

Aray! Napalakas ang pagkaupo
ko sa sarili kong swivel chair.
Paano naman kasi?
Nakakafrustrate lang na wala akong makuhang reaksyon sa
kanya. Maliban sa ayokong mag
assume na naho-hotan siya
sakin, haha, ay ayoko ding
paasahin ang sarili ko. Na kahit
konti, na kahit konting katiting
lang, ay nakuha ko naman ang
atensyon niya.

Sama sama kaming naglunch at
nagmeryenda dito sa labas. Naki
share ako dito sa table ni Pongs,
ayoko naman maging loner dun
sa loob ng office ni bea.

Wala na kasi akong gagawin at wala
naman ng inutos sakin ang boss
ko. Nagpadeliver lang siya ng
lunch para sa aming lahat pati
meryenda. Yun lang, at
nagkulong lang siya dun sa loob.
Kung anu-ano na ang napagusapan namin. Ako, jia, deanna, pongs, at mch.

Syempre di na nawala ang patuloy pa rin na pagkantyaw nila sakin sa pagpopose ko daw sa Rogue. Pero kahit inaasar nila
ko, ay binabawi naman nila ng papuri.

"Hay salamat, 3 na, malapit ng maguwian." paghilhikab ni kat
nang mapatingin siya sa relo niya.

"Nakapagtataka nga, alas tres na
ng hapon ay hindi pa lumalabas
si Bea." komento ni mich.

"Ano ba ang inaasikaso niya dun sa loob,
jhow?" baling naman niya sakin.

The Game Of LoveWhere stories live. Discover now