Jhoana
"Grabe ka, Bea! Gamit na gamit
mo talaga ako! Eh kung sa ibang
paraan mo kaya ako gamitin?
Baka sakaling matuwa pa ako!""Ah Ma'am, may problema po
ba?" Nagulat ako sa biglang
nagsalita sa likod ko. Diko
namalayan na nagsasalita na
pala akong mag-isa habang
pabalik sa kwarto namin."Ah wala kuya, ok lang ako.
Nagpapractice lang ng dialogue
sa next movie ko" Sabla ko na
lang sa echuserong staff ng
resort na ito. Lumayo naman sya
habang kamot-kamot ang ulo.
Oo, dakilang loner na naman
ako. Akala ko pa naman ay
magbobonding kaming
maganda slash gwapong boss ko
after namin magdinner. Pero
dahil may nakita na namang
bagong kalaro eh nakalimutan na naman na meron syang magandang assistant na kasama.Hindi man lang makuhang
patapusin ako kumain, inutusan
agad akong ipakilala sya kay
Jana.
Ito namang hitad na ito,
agad lumipat sa table namin dala
pa ang pagkain nya. Pwede
naman magpakipot muna. Uhaw
na uhaw lang ang peg, teh?So ayun nga, after kong kumain
at saluhin ang matalim na tingin
ni Fel eh nagpaalam na din ako
sa boss ko at sa bago nyang
laruan na mauuna na sa room
namin. Wala din naman akong
planong panoorin at pakinggan
ang mga gasgas nang pick-up
lines ng amo ko.Habang papasok ako ng kwarto
ay nag-iisip ako kung paano ko
lilibangin ano sarili ko.
The night is young and so am I! Ah alam ko na, magsuswimming ako sa
beach! Mas masarap ngayon
dahil hindi ako iitim.
Alam ko pa namang mahilig sa tisay si Bea kaya dapat kong panatilihin ang
mala-porselana kong kutis.
Ilusyonada!Naghanap ako sa bag ko ng
pwedeng ipanglangoy.
Hinahanap ko yung usual na
spaghetti-strap top na
pangswimming ko nang
mapansin kong may laman yung
bulsa ng backpack ko. Nang
kunin ko ay nagulat ako. Red 2-
piece bikini."JIA!"
Alam na alam ko na sya lang ang
pwedeng manggoodtime ng
ganito dahil laging private joke
namin ang pangseseduce ko kay
Bea.
Pero syempre biruan lang namin yun. Di ko naman kayang umabot sa ganun ang pagnanasa ko kay Bea.
Hindi ako desperada. Teka, hindi nga ba?
Tiningnan kong mabuti ang
bikini. bakit hindi? Gabi naman
at nasa beach naman ako.Pumasok ako sa CR para isuot
ito. Humarap ako sa salamin at
matagal na pinagmasdan ang
sarili ko. Hmmm, may kurba
naman ako, maputi na lalong
lumutang sa pulang kulay ng
bikini at walang anumang marka
sa buong katawan. Flawless.
Pasado!Pinatungan ko uto ng manipis na
plain white longsleeves at
isinara ang isang butones kaya
kitang-kita pa din ang suot ko sa
loob. Ok goddess, rampa na!Habang papalapit ako sa
dalampasigan ay may ilan-ilang
tao ang andun, may nagsuswimming at meron din
naman nakaupo lang sa
buhangin.Natawag ang atensyon ko ng malanding
paghagikgik ng isang babae.
Pagtingin ko at si Jana pala,
katabi si Bea na nakaupo lang sa
buhangin at di ko alam kung ano
ang ginagawa at ganun na lang
ang hagikgik ng babaeng yun.Hindi ko na lang pinansin at
sasakit lang ang loob ko. Agad
ko namang hinubad ang
nakapatong na damit sa bikini ko
at nag-umpisa nang lumakad
patungo sa dagat.
"Jho!" Nakita pala ako ni
Jana.
"Magsuswimming ka sa
dagat?" Sigaw nito sa akin."Ah hindi Maxene, magluluto
sana ako sa dagat, sama ka?"
Sarcastic na mahinang sabi ko."Ano?" Bingi pa ang gaga! Pero
di na ako nakasagot uli dahil
nakita ko si Bea na nakatingin sa
akin, nakakunot pa ang noo nya.Hmmm, ngayon nga lang pala
nya akong nakitang nakaganito.
Kailangan poised ako. Kaya
tumalikod na ako ulit papuntang
dagat at nagpasexy ng lakad.
Sige lang tingin pa ng makita mo
ang alindog ko.Feel na feel ko ang pagrampa ng
biglang....... woooshh!
OMG! Sana walang nakakita,
sana hindi nya nakita! At nauna
ko pa talagang naisip yun kesa
tumayo.Oo, dahil sa kaartehan ko,
natisod ako nung hanggang ankle ko na ang tubig at
bumagsak sa dagat una ang
mukha. Just when I feel so sexy.
Nakakahiya!Nagbalik ako sa sarili ko nang
marinig kong may
nagtatawanan. Paglingon ko sa
pwesto nila Bea ay nagkandaihi
na ata sila ni Hana kakatawa
habang nakatingin sa akin.Bwiset na to, imbes tulungan ako eh
pinagtawanan pa ako. Nasaktan
ako dun ah. Seryoso.
Tuluyan na akong tumayo,
nawalan na ako ng ganang
lumangoy kaya babalik na lang
ako sa kwarto namin."Pare, ganda at sexy na sana,
medyo tanga lang." Narinig kong
nag-uusap at nagtatawanan yung
dalawang lalakeng malapit sa
akin."Dina baleng tanga, maganda
naman. Eh kayo hindi nga tanga,
ampapanget nyo naman!" Sabay
direcho lakad ko pabalik sa
room namin.Nilagpasan ko na
lang din itong insensitive kong
boss at bago nyang kalaro.
Magsama sila!Naligo lang ako at nagpalit ng
pangtulog at nahiga na. Hindi pa
din naaalis ang inis ko. Masakit
yung tama ng mukha ko sa tubig
pero mas masakit yung
pinagtawanan pa ako ni Bea.Sa puso ang tama nun. Hindi ko
naman ine-expect na tulungan
nya ako pero yung pagtawanan
nya ako kasama ng babae nya,
lagpas na sa linya yun.Hindi ko naman sinasabi na
ituring nya akong katulad ng
turing nya sa mga babae nya
pero sana bilang kaibigan na
lang.Makatulog na nga lang nang
matigil na itong sentimyento de
asukal ko. Haaayyy, you hurt me,
Beatriz.Naalimpungatan ako dahil
naramdaman kong may
humihimas sa mukha at noo ko.
Diyos ko po, pinasok ata ang
kwarto namin.Didilat ba ako?
Pero baka kung ano ang gawin
nya sa akin pag nakita nyang
nagising ako. Pero ganun din
naman ang mangyayari pag
nagtulug-tulugan ako.Lord, tulungan nyo po ako.
Ayoko pong maluray ang
pagkababae ko.
Bigla naman natigil ang
paghimas sa mukhako,Nakiramdam akong lalo, parang
pamilyar yung amoy nya
nahaluan ng konting amoy ng
beer. Amoy ni Bea yun ah.Dahan-dahan kong ibinukas ang
mga mata ko. Nagulat ako nang
nakita ko si Bea nga na nakatingin lang sa mukha ko.
Mapula-pula ang mukha nya,
halatang nakainom sya."Sorry Jho, nagising kita.
Chinecheck ko lang yung mukha
mo kung may sugat o pasa.
Mukhang malakas yung bagsak
mo kanina eh." Nangingiti pero
may concern na sabi nya sabay
upo sa kabilang kama.Umupo naman ako ako at
hinimas din ang sarili kong
mukha. Sya pala yung
humihimas ng mukha ko kanina.Parang gusto ko kiligin pero
bigla kong naisip yung ginawa
nya kanina sa beach. Hmpp, ang
sama nya!"O malakas nga, kasing-lakas
ng tawa mo kanina na ding sa
buong resort." Sagot na na may
himig tampo. Natawa na naman sya! Sige lang, tawa pa more!"Sorry na Jho! Nahawa lang ako
kay Jana eh. Kasi naman eh.
bakit gabi mo pa naisipan
manghuli ng isda?" Nagpipigil
na sya ng tawa this time.Hindi na lang ako pumatol sa
pang-aasar nya, kumuha ako ng
maisusuot nyang pangtulog
dahil alam kong pag ganitong
nakainom sya, matutulog na
naman ito ng walang bihisan.Inabot ko sa kana ang damit.
"Oh baka matulog kana naman
ng walang ligo at bihis." Sabay
balik sa kama ko at humiga.Ibinaba naman nya sa kama nya
ang pangtulog na ibinigay ko at
lumapit sa akin. Ayan na naman
sya!'Salamat Jho! The best la talaga!
Paano na lang ako kung wala
ka?" Sabay kurot nya ng madin
sailong ko."Aray naman!" Pag-arte ko pa.
Papasok na sya ng CR nang
muling bumalik sa akin at
nagsalita uli..."At Jho, ang hot mo kanina!"
Sabay kindat at tuluyan nang
pumasok sa banyo.God! Hot daw ako! jusko po!