Jho's Pov
Nagising ako nang maramdaman kong huminto ang sasakyan namin pagtingin ko sa labas ay nasa gasolinahan pala kami dito sa SLEX. Mukhang nagutom yung dalawang sawang kasama ko kaya nagstop over muna kami.
Mabilis naman kaming naglunch para hindi kami mahuli sa call.
Papunta na kami sa pinagparadahan ng sasakyan ng tawagin ako ni Bes at hinagis ang susi ng sasakyan sa akin "Jho ikaw na muna magdrive,medjo sumakit kasi leeg ko."
Nagkibit balikat nalang ako at binuksan ang sasakyan pagpasok ay binuksan ko ang passenger seat pero nagulat ako nang biglang binuksan ni Bea ang pinto sa backseat at magkasunod silang pumasok ni Fel.
"Teka,teka bei dyan ka uupo?Driver na din ako ngayon as in?!" Di ko mapigilan sabihin sakanya. Aba!sanay ako na nagdadrive pagpagod na siya pero lagi naman siya sa passenger seat umuupo kaya ok lang sa akin. Pero ngayon chauffeur talaga ang peg ko?Aba matinde!
"Sige na jho,magrerelax lang muna kami dito sa likod.Drive ka na lang dyan." Ngiting pilyo niya sakin sabay kindat.Parang alam ko na ang mangyayari may milgro nanaman. Hay
Napailing na lang ako at nagsimula nang magmaneho.Mahab haba pa ang byahe namin papuntang Laiya,Batangas kaya mahaba mahabang live show ang magaganap sa loob ng inosenteng sasakyan na to.
"Hmmm..hmmmm." Awtomatikong napatingin ako sa
rearview mirror at kahit sanay na
alo sa mga eksena ng boss ko
eh nagulat pa din ako sa nakita
ko. Nakakandong na si Fel ng
paharap kay Bea habang parang
octopus ang kamay ni Bea
kakahimas sa likod ng babae at
sa ilalim ng manipis nitong
pangtaas. Tuloy ang halikan nila
na tingin ko ay pwede na nilang
malunok ang isa't-isa sa sobrang
intense at kasabikan.Kung iba siguro ang makakakita
nito ay maaaliw pa at matatawa
dahil para ka lang nanonood ng
scandal sa internet, pero ako,
kahit ilang beses ko na nakita
ang boss ko sa mga ganitong
kainit na tagpo eh hindi pa din
alo nasasanay. Hindi na ata
masasanay ang puso ko sa
ganitong mga eksena. Hayyy beaAlam ko na mas tumitindi pa ang
mga eksena sa likod kaya pinilit
ko na lang magconcentrate sa
pagmamaneho, nilakasan ang
AC ng sasakyan at niremind ang
sarili ko na linisin ang backseat
na alam kong madumi na
pagdating sa Batangas.
Inayos ko din ang rearview
mirror para maiwasan ko makita
ang mga malalaswang nilalang
sa likuran ko. Sana pala ay
nagdala ako ng tapaoho para sa
harapan lang ang focus ng mga
mata ko."Jho ang lamig, hinaan mo
naman yung AC." Nilingon ko si
Ara pero bumalik na pala ito sa
pag-explore sa makating
babaeng iyon.
"Malamig ba? Eh nagbabaga nga
dito sa loo ng sasakyan,
umuusok pa oh" Bulono ko."Ano Jho?" Patay nadinig ata ako.
Kahit nga pala nasa gitna ng
churvahan eh gumagana pa din
ang bionic ears nito."Wala, sabi ko hihinaan na.
Palusot ko na lang sabay hina sa
AC. Wag kasi magtanggal ng
damit para di ginawin.
Nakakainis! Pasalamat a talaga
mahal kita eh.Nagring ang phone ko. Si
Jia, tumatawag. Mabilis
kong inilagay ang headset ko at
sinagot si Jia. "Hello Jia,
bakit?"
"Wala naman Jho, checking lang
kung nakarating na kayo sa
resort"
Ramdam ko na di iyon ang
itinawag nya. Sa tagal na din na katrabaho ko itong si Jia eh
naging close na kami at
kabisado ko na sya."Wala pa, malayo pa. Bakit ka
talaga tumawag? Nagdadrive
ako eh." Seryoso kong tanong sa
kanya habang inaayos ang
rearview mirror para
masimplehan ang dalawa sa
likod. Nakatulog na pala sa
pagod."Uy teh, ang puso mo ha, pigil
pigil din." Ayun, lumabas din ang
totoo. Manq-aasar lang pala.Si Jia ang kaisa-isang tao na
nakakaalam ng nararamdaman
ko kay Bea. Sa sobrang kulit nya
ay napaamin nya ako nung nag-
uumpisa pa lang ako
magtrabaho kay Bea. Hindi ko
daw maikakaila ang mga
malalagkit kong tingin kay Bea.Muli akong tumingin sa rearview
mirror at sinigurong tulog pa si
Bea bago sumagot ulit. "Ano pa
nga ba? Sanay na ako, matagal
nang bugbog ang mata at puso
ko sa mga kaharutan nitong boss
natin. Namamanhid na nga."
Napatawa pa ako ng maiksi sa
sinabi ko. "Saka ok na nga siguro
yung ganito lang, basta
nakakasama at natutulungan ko
sya."Narinig kong bumuntong.
hininga si Jia sa kabilang
linya.
"Eh di ikaw na ang
pambansang martyr! Dagdagan
pang pambansang yaya,
pambansang janitress at
pambansang nganga! Hahahaha!"
Natawa na lang din ako sa sinabi
nya.
"Oh sige na, wala ka naman
kwentang kausap. Magtrabaho ka
na dyan. Bye!" Sabay end ko ng
call.Malapit na kami sa Laiya nang
biglang magsalita si Bea.
"Jho,
malapit na ba tayo? Masakit na
legs ko eh." iniayos nya ng upo si
Fel dahil nakatulog ito sa
kandungan nya."Malapit na, in 10 minutes andun
na tayo. Mangangawit ka talaga
eh ang haba ng legs nyang chick
mo eh." Birong-totoo ko sa kanya.Tiningnan ko sya sa rearview
mirror habang tumatawa sya.
Susko, lalong nahulog ang puso
ko. Ang gwapo! Sana ako na
lang nakakandong sa kanya!
Ang landi ko! Di bale, pangarap
na nga lang ang libre sa panahon
ngayon eh. Maswerte na din ako
na lage ko sya kasama at
paminsan minsan eh
nakakachansing din hahahaha!
Nakadating kami ng resort at
sinalubona kami no staff ng
Rogue at inihatid sa mga
magiging kwarto namin. Si Fel
ay nakahiwalay dahil kailangan
na malapit sya sa iba pang
models. Kami ng poging boss ko
naman ay sumunod sa staff
papunta sa magiging kwarto
namin.Sa mga ganitong photoshoot ay
sanay na kami ni Bea na nasa
isang kwarto lang. Alangan
naman kasi na paglaanan pa ako
ng sarili kong kwarto eh
dakilang assistant lang naman
ako. At since naging
magkakaibigan na din kami sa
studio, walang kaso kay Bea na
magkasama kami sa isang
kwarto. Eh ako pa ba ang
aangal? Aba aarte pa ba ako?Pagdating sa kwarto ay agad
naming inayos ang mga gamit
namin at ang mga equipment na
gagamitin ni Bea sa shoot.Nanghinayang din ako na may
dalawang double sized bed sa
room. Nagdadasal pa naman ako
na sana isang king or queen-
sized bed lang para magkatabi
kami. Ako na malandi pero di
naman masama magwish ah.Pagtingin ko kay Bea ay
nakatingin din sya sa akin. Ano
ba, wag kang ganyan! Marupok
ako!Unti unti syang lumalapit sa akin
at di inaalis ang tingin sa mukha
ko. Wala na, nag-umpisa nang
kumabog ang dibdib ko. Hindi
ko alam kung aatras ako o
sasalubungin ko sya.
Nanginginig na ang mga tuhod
ko. Oh Bea please!
Nang nakalapit na sya ay
hinawakan nya ako sa dalawang
balikat ko. Ngumiti sya at
nagpapapungay pa ng mata. Oh Lord, malayo pa ang pasko pero
kung ito ang early Christmas gift
nyo sa akin, aba, buong puso ko
pong tatanggapin. Alam ko pong
masama ang tumatanggi sa
grasya."Jho..." malabing nyang sambit ng
pangalan ko. Diyos ko, maiihi na
ako. Ayan na naman yung ngiti
nya na tirador ng mga garter ng
panty ko.Teka, nakalock ba ang pinto?
Maayos pa ba itsura ko?
Maayos ba ang mga suot kong
undies ngayon?Patuloy ako sa pagchecheck sa
sarili ko nang magsalita sya
malapit sa mukha ko."Pasensya kana Jho, alam kong
napagod ka magmaneho."Hinawakan ng kanang kamay
nya ang kaliwang pisngi ko.
"Pero pwede bang ikuha mo ako
ng pagkain? Nagugutom na kasi
ako." Sabay pisil nya sa pisngi
ko, tumalikod at pabagsak na
nahiga sa kama nya.Bwisittttttt! Paasa! Maharot!
Alam kong pulang-pula na ako
kaya kinuha ko na lang ang bag
ko at lumabas ng kwarto para
ikuha ng pagkain itong paasang
shibs na to.Ako na ang hopia! Argghh!!
A/N
super sorry ngayon lang nakapag update heheHAPPY BIRTHDAY JHOW JHOW!🌻💛
