Jhoana
Galing sa Batangas, ay hinatid na
ko dito nina Bea sa apartment ko.
Who knows kung saan na ang
diretso nila ni Jana."Jho, bantayan mo phone mo ah,
tatawagan kita mamaya."yan ang habilin sakin ni Ara bago ako bumaba ng sasakyan. At
pagkababa ko ay mabilis din
niyang pinaharurot ang sasakyan
paalis. Matinde! Mukhang
nagmamadali, atat lang!Pagod na pagod ako, physically
and emotionally. Paano kasi,
dahil bakante ang schedule ni
Bea sa buong week na to ay
nagstay pa kami sa resort ng
dalawang gabi pa.Nakauwi na lahat ng staff ng Rogue pati ang iba pang models, including Fel, ay nagpaiwan pa kaming tatlo nina Jana at Bea. And
guess what? Ang walangyang
gwapo kong mahal ay kinuha pa ko ng room at pinalipat.Ang naging role ko? Ayun, taga nood habang naghaharutan sila sa beach, habang kumakain,
pagtumatambay. Nakakainis pa,
gabi ko na nga lang sila hindi
nakikita, eh naririnig ko naman
ang masahol na ingay nila!Pero medyo na sulit naman ang
pagstay pa namin, nakapagpa-
tan ako konti, yun nga lang di ko
na sinubukang rumampa pa ulit
at baka masubsub na naman ang
mukha ko sa dagat ng wala sa
oras. Nakakahiya, may ilang
taga Rogue pa pala na nakakita
sakin.Binati ako the next day eh!
Inis akong pumasok na sa
apartment ko. Alas sinco pa lang
ng hapon kaya sigurado akong
nasa studio pa sina Jia,
kailangan ko pang pumunta dun
para i-ayos ang panibagong
schedule ni Bea.Mabilis lang akong gumayak at
dumiretso na sa studio."Welcome back, bebe!"
pagpasok ko pa lang, sigaw na
ni Jia agad ang bumungad
sakin."Ano? Nasuot mo man
lang ba ang nilagay ko sa bag
mo?" saka siya ngumisi."Sabi ko ng ikaw eh!" mahina ko
siyang kinutusan sa noo. Tawa
lang ang ganti niya sakin. Pati si
Ponggay at Deanna, nakitawa na
din. "Pahamak sakin yun! Ang
malas!"Ang red bikini na pinadala
talaga ni Jia ang sinisisi ko
sa pagkadapa ko! Itatapon ko
yun mamaya pag uwi ko."Hala, bakit?" tumayo si Jia
para lumapit sakin at bumulong, "don't tell me walang epek sa
boss mo?""Gaga!" sinabunutan ko siya ng
mahina at umupo sa harap ng
desk niya. Naupo siya at
humarap ulit sa desktop niya
habang natatawa pa din."Kwento mo sakin ah," hirit niva
pa. Sinamaan ko lang sia ng
tingin."Nasan pala si Bea? Bat mag isa
kang pumunta dito?" si Ponggay ay naupo sa katapat kong silya na
nasa harap lang din ng desk ni
Deanna kaya malapit lang ang
distansya niya sakin."Ayun baka nag motel na!"
naiinis pa rin ako hanggang
ngayon. Di ko na kailangan pang
sabihin na nasasaktan ako, given
na yun. Naiinis lang ako kasi paghihintayin na naman ako sa
tawag niya.Malay ko ba kung anong oras na naman sila matatapos sa pagpapaligaya sa isa't isa. Walang kunsidirasyon talaga, kung sila hindi pa pagod,
ako sobrang pagod!"Ay nga pala, Jho, ilang beses
tumawag ang Rogue dito
kahapon, hinahanap ka." sabat
naman ni Camille."Nagpasabi ba na magcall back
alo? Baka para sa shoot ni.... Sino
nga ba yung bago? Ah si
Kianna.... Check ko na lang sa
email ni Bea mamaya ang
details.""Hindi naman, ikaw lang naman
hinahanap aka may ipapasabi
sa boss mo, kahit daw si Bea
hindi nila ma-contact"Paano nga naman nila ma-
contact si Bea, diba? Busy sa
one-on-one shoot nila ni
Jana. Tsk.