Chapter 11

147 6 0
                                    

Brylle and Feiya decided to go to the mall together. Nagpasama kasi si Feiya mamili ng mga pasalubong para sa pamilya at kamag-anak niya since gabi pa naman ang lakad ng binata.

"Hmm, my mom loves dior bags so much so I want to buy her a bag" Biglang sabi ni Feiya.

"How about your dad?" Tanong ni Brylle.

"He doesn't want any luxury brand things but He loves shoes and watch so I will buy those things for him" masayang sabi ng dalaga.

"Big time ka naman pala" Biglang sabi ni Brylle na ikinangiti ni Feiya.

"They deserve this. Eto lang yung masusukli ko sa pag papatapos nila sakin sa pag-aaral. I will treat them anything or anywhere they want" Ani ni Feiya.

"Good" maikling sabi ni Brylle.

"Ikaw? Wala ka bang bibilhin para sa mga magulang mo?" Tanong niya.

"Nope, I already lost my parents" sabi nito at napansin niyang biglang lumungkot ang tono nang boses ng binata.

"I'm so sorry for that" ani ni Feiya.

"It's okay, I still have my brother with me." Ani ni Brylle at pilit itong ngumiti.

"May kapatid ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Feiya na tinanguan naman ni Brylle.

"Yah, I have one. Kaming dalawa lang ang nag dadamayan" sabi ni Brylle. Bigla namang nalungkot si Feiya.

"I have a sister too.. But she is already in heaven" ani ni Feiya at mapait itong ngumiti.

"Gosh, I miss her so much" Sambit nito sa kawalan.

"Do you want to know a facts about me?" Biglang sabi pa ni Feiya.

"What is it?" Takang tanong ni Brylle.

"At first I didn't know that I have a sister not until my mom and dad told me that I have one. She is the oldest and I'm the youngest, well I really can't remember her face because I lost my memory" malungkot niyang sabi.

"How did you lost your memory?" Tanong ni Brylle.

"I don't know, nagising na lang ako na nasa hospital nung araw na yon at hindi ko kilala ang mga nasa paligid ko maski ang pamilya ko. But I'm trying my best to remember everything" ani ni feiya.

"Can't you remember small things like uhm just a little memories?" Takang tanong ni Brylle.

"May naaalala ako pero hindi ganun kalinaw kapag kasi pinipilit ko sumasakit ang ulo ko at sabi ng doctor it takes time huwag daw ako mag madali dahil mas makakasama daw saakin kung ipipilit kong alalahanin" sabi ni Feiya.

"Yeah.. It takes time, don't worry I know you can do it. You'll be able to remember everything soon Feiya" ani ni Brylle.

Nakatitig lang silang dalawa sa mata ng isa't isa hanggang sa mapagtanto ni Feiya kung gaano iyong ka awkward kaya siya ang unang nag iwas ng tingin.

MAG aalasais na ng matapos silang mamili ni Brylle sa mall kaya napagdesisyunan niya ng mag pahatid pauwi at ng makarating sila ay tinulungan siyang mag ayos ni Brylle sa mga pinamili niya kaya bilang pasasalamat niya kay Brylle ay ipinagluto niya ng hapunan ang binata.

Nag luto siya ng Afritada pero hindi naman siya ganun kagaling at kasarap mag luto tulad ng ina niya.

"Thank you for the food, nabusog ako" nakangiting sabi ni Brylle.

"Welcome" maikling tugon niya.

"Osiya mauna na ako ingat sa flight mo" ani ni Brylle at pumasok ito sa kotse niya.

"Ingat!" Habol na sabi ni Feiya bago tuluyang makaalis si Brylle.

Ng makapasok siya sa loob ng bahay niya ay tinext niya ang mga bruhilda niyang kaibigan para ihatid siya sa airport.

At agad naman silang nagkasundo kaya naman ay ang mga kaibigan niya ang susundo sakanya gamit ang sasakyan ng kaibigan niya syempre!


THE day has finally come! Maagang nagising si Feiya dahil sa ingay ng dalawa niyang kaibigan. Ni hindi man lang ito kumatok sa pinto ng bahay niya bago pumasok. Well mayroong susi ng bahay niya ang dalawa niyang kaibigan!

"Girl! Bilisan mo nag tetext na sakin si tita oh sabi niya nakarating na daw ba tayo sa airport" ani ni Abby.

"Oo na teka lang naman!" Inis niyang sabi.

Tinulungan naman siya ni mika na mag buhat sa mga bagahe niya at ipinasok 'yon sa compartment ng kotse niya at pagkatapos ay sumakay na silang tatlo sa kotse.

Si Mika naman ang nag d-drive since kotse naman niya ang gamit.

"Ingat ka sis ha! Ichat mo kami pag nakarating kana or tumawag ka." Paalala ni Mika.

"Girl, yung pasalubong namin ni mika wag mo kalimutan atsaka yung kulambo girl ha" ani naman ni Abby.

"Wtf? Kulambo? Aanohin mo? Wala namang lamok sa bahay mo" sabi naman ni Feiya.

"Trip ko bakit ba!" Sabi ni Abby sabay irap sakanya inirapan naman niya ito bilang tugon.

"Whatever, oo na itext niyo na lang sakin mga gusto niyo at ako na ang bahalang bumili" sabi naman ni Feiya.

"That's my bessy!" Sabay nilang sabi. Napairap naman sa hangin si Feiya dahil sa dalawa niyang kaibigan.

WHEN Feiya arrived at the airport agad siyang nakapasok sa eroplano na pinagpasalamat naman niya.

She should buy her own airplane pero hindi pa ngayon tsaka na lang niya iyon iisipin.


To be continued.

Will I Remember You Again? (Sequel)Where stories live. Discover now