Chapter 12

192 7 0
                                    

Palabas na ng airport si Feiya at hinahanap ng mga mata niya ang kanyang ina dahil magulang niya ang mag susundo sakanya.

Nakailang lingon pa si Feiya bago mahagip ng mga mata niya ang ina niyang nakangiting kinakawayan siya kaya kumaway din siya pabalik bilang tugon nito.

Lumapit siya na dala-dala ang mga bagahe niya at niyakap niya ang kanyang ina.

"I misa you mama" ani ni Feiya at hinagkan sa noo ang ina.

"I miss you too darling" masayang tugon ng ginang.

Tinulungan siya ng ina niya sa pag bubuhat sa mga dala niyang bag at sabay silang pinuntahan ang tatay niya na nasa parking lot ng airport.

"Honey! Nandito na ang anak natin" masayang sabi ng ginang.

"Hey dad, I miss you" ani ni Feiya at niyakap ang ama tumugon naman ang matanda sa yakap niya.

"Kamusta ang flight mo anak?" Tanong ng kanyang ama.

She missed the way her dad called her 'anak' iba kasi yon sa pakiramdam.

"Okay naman po medyo nakakapagod at bitin ang tulog ko" sabi niya.

"Osiya malayo layo pa naman ang tatakbuhin natin kaya umidlip ka muna diyan." Sabi ng ama niya.

Nasa likod siya nakaupo dahil ang mama niya ang nasa tabi ng kanyang ama. Na miss niya ito para siyang bumalik sa pagkabata.

GINISING si Feiya ng kanyang ina ng makarating sila sa bahay nila at sinalubong naman sila ng nga katulong nang may ngiti sa mga labi.

"Welcome home hija" sabi ng pinaka matanda sa mga katulong nila dito sa bahay.

Sa pagkakatanda niya felicidad ang pangalan nito at nanay feli ang tawag nila sakanya.

"Salamat po nanay feli" ani ni Feiya. Iniwan niya ang mga dala niyang bag sa sala at mamaya niya na lang iyon aayusin dahil pagkain ang pakay niya sa mga oras na to dahil kanina pa siya gutom na gutom.

Sabay silang nag almusal ng kanyang mga magulang at pagkatapos ay dumiretso sa sala para ibigay ang mga pasalubong niya sa mga magulang niya syempre meron din sa mga katulong nila dito sa bahay.

"Ma binilhan kita ng bag sa paborito mong brand. At ikaw naman dad binilhan kita ng sapatos at relo" nakangiting sabi niya.

Binigyan naman niya ang mga katulong ng tig iisang chanel perfume at chocolate. Syempre binigyan niya din ng mga damit na pinamili niya kaso halo-halong size iyon dahil hindi naman niya alam ang size ng mga katulong nila.

Pero buti na lang ay may nag kasiya sakanila kaya nakahinga si feiya ng maluwag.

Pagkatapos niyang ipamigay ang mga pasalubong niya ay dumiretso naman siya sa kwarto niya at inayos doon ang mga damit niya.

"All done!" Masayang sambit niya tsaka pabagsak na nahiga sa malambot niyang kama.

HER day was so empty wala kasi ang mga kaibigan niya na namemeste sakanya araw-araw at heto siya ngayon nasa meeting ng madaling araw!

Yes! It's midnight she still needs to help her secretary kahit na nasa bakasyon siya pero ang kagandahan doon ay hawak niya ang oras niya.

"So how about the new designs that we will be launching here in Philippines?" Tanong nito sa designer.

"I'll send it thru your email madam, we still haven't add any products that we will be using to create the jewelry" ani ng designer niya.

"It's fine no need to rush, Just send me all the sketches and I'll work on it and we still have time to work for the jewelry. I can extend my vacation here for the launch so yeah.." ani ni Feiya.

"How about Mr. Brylle will he be there on that day?" Tanong ng sekretarya niya.

"I'm not really sure but since he is my business partner so he needs to attend for the event. But we will talk about that when I have the chance to talk to him again soon" ani ni Feiya.

"Okay ma'am that's all for the information for now we will be having our next meeting tomorrow evening seven pm ph time" ani ng sekretarya niya.

"Okay, I'll go rest na. Have a good morning guys" ani ni Feiya dahil umaga ngayon doon.

Pinatay niya ang laptop tsaka nahiga sa kama niya. Ipinikit niya ang mga mata at ipinag pasalamat niya na sa wakas ay nakatulog din siya agad.



To be continued.

Will I Remember You Again? (Sequel)Where stories live. Discover now