Chapter 13

199 8 0
                                    

FEIYA usually woke up early para pumasok sa trabaho pero iba ngayon dahil tanghali na siya nagising kaya naman agad siyang bumangon para mag ayos ng sarili tsaka lumabas sa kwarto niya.

Ng makarating siya sa sala naroon ang kanyang ina na nag babasa ng magazine.

"Hey ma, nasaan si daddy?" Tanong ni Feiya.

"Hello darling, pumunta sa bahay ng tito mo" ani ng kanyang ina.

Tumabi siya ng upo sa mama niya at isinandal ang ulo sa balikat nito.

"Kumain kana ba anak?" Tanong ng kanyang ina.

"Hindi pa po kagigising ko lang eh" sagot niya.

"Ano pang hinihintay mo kumain kana ikaw naman kasi madaling araw na nasa meeting kapa din" ani ng kanyang ina.

"Well mom, I have to attend the meeting hindi ko yun pwede iresched dahil yun na talaga ang usapang oras bago pa man ako umuwi dito" ani ni Feiya.

"Osiya kumain kana dun" ani ng kanyang ina na sinunod naman siya.

Pag dating niya sa kusina ay agad naman siyang inasikaso ng mga katulong binigyan siya ng plato at ng kutsara't tinidor.

Ng akmang sasandukan siya nito ay pinigilan niya.

"Ako na." Nakangiting sambit niya sa katulong na agad naman nitong sinunod.

Habang kumakain siya ay biglang tumunog ang cellphone niya kaya tinignan niya 'yon.

[Hey this is Brylle how was your flight?]

Hindi alam ni Feiya pero napangiti siya ng walang dahilan.

[Okay lang, how did you get my number?]

[Well, hindi ka naman tumatawag o nag tetext kahit na ibinigay ko naman sayo ang number ko kaya ako na lang ang gumawa]

Parang tumatalon ang puso ni Feiya sa hindi maipaliwanag na dahilan hindi niya alam pero para siyang kinakabahan na ewan.

[Oh my bad, I didn't bother to text or call you kase I thought it was just for a business purpose kaya mo binigay]

Nag hintay pa ng ilang minuto si Feiya sa reply ni Brylle pero hindi na ito nag reply pa kaya ipinag patuloy niya na lang ang pagkain niya.

Ng matapos siyang kumain ay dumiretso siya sa kuwarto at kinuha ang laptop niya.

Balak niyang mag hanap ng pwedeng pag galaan pero naisip niyang may malapit pala na perya sa subdivision nila.

FEIYA just arrived at her destination. Nakangiti siya habang nililibot ang paningin sa buong paligid niya.

Ngayon na lang ulit siya nakapunta sa peryahan at iniisip niyang sana nandito ang mga kaibigan niya.

Maglalakad na sana papasok si Feiya ng biglang sumakit ang ulo niya then suddenly she remembered her friends

Phoebe, jade, dustin and austin.

That was their names. 'Yan ang mga pangalang pumasok sa utak niya.

"Are they from my past?" Sambit niya sa sarili.

Nabalot ng kaba ang buong pagkatao ni Feiya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan hindi niya alam pero habang iniisip niya ay mas lalong sumasakit ang ulo niya.

Brylle.

Mia

Death Rith Academy.

Biglang pumasok sa isip niya ang isang imahe ng lumang paaralan kung saan napapaligiran ito ng mga nagtataasang puno na para bang nasa isa itong gubat.

"H-hindi ko na kaya... aray-" napaupo siya sa simento habang hawak hawak ang ulo niya. Ramdam niya ang mga mata ng mga tao na nakatingin sakanya.

Umiikot ang paningin niya hindi siya makahinga and after that she lost her consciousness.

SHE can hear the birds chirping. It was dark outside and no one dare to went outside their dorms. They were all afraid of getting killed and not to be able to survive in this hellish school.

Naglalakad si Feiya sa madilim na hallway ng paaralan walang katao tao at sira na din ang ibang mga kagamitan.

Habang naglalakad siya ay may naririnig siyang umiiyak kaya pinakinggan niya 'yon at sinundan kung saan nanggaling ang ingay na naririnig niya.

Habang palapit siya nang palapit ay palakas nang palakas ang pag iyak na naririnig niya. Nag taasan ang mga balahibo niya na kasabay noon ang pag ihip ng isang malakas na hangin.

Nararamdaman niyang malapit na siya at akmang bubuksan niya ang huling pinto na nasa harapan niya ng biglang tumigil ang pag iyak.

NAGISING si Feiya at tumampad sakanya ang puting ding ding alam niya kung nasaan siya nasa ospital siya.



To be continued.

Will I Remember You Again? (Sequel)Where stories live. Discover now