"Sa'n punta mo?" Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko. nakatayo dun si kuya Gino habang nakapamulsa.
"Kila JR lang"
Sabado ngayon kaya walang pasok at gaya ng sabi ko bibisitahin ko si JR. pachix ang loko. pwede naman siya ang pumunta dito at hindi ako. kahit kailan talaga.akala ko umalis na si kuya kasi wala ng sumagot. sabagay wala din naman akong tinanong. nakatingin lang siya sakin habang ako nag aayos ng gamit.
"Hatid na kita" kuya Gino
"Huwag na" sini-ling ko ang sling bag ko sa balikat ko. "Diba may date kayo ngayon ni ate Jenny?"
"Sana, may pinuntahan sila ng Mama niya kaya di natuloy" Malungkot na sabi ni kuya Gino "Hatid na kasi kita" Di na ako umangal pa. mapilit eh =___=
Sumakay na kami sa sasakyan ni Kuya Gino at Umalis. dumaan muna kami ng Cake shop at dahil nga Cake shop ang pinuntahan namin halata naman siguro na Cake ang bibilhin namin. nagpapabili kasi si JR, bwisit na lalaki yun.
JR calling..........
"Malapit na, ayan na oh tanaw na namin bahay niyo" inunahan ko na siya magsalita.
"Ge" sabay baba niya ng linya. badtrip ata at "Ge" lang ang sinagot sakin.
"Ano sabi?" Kuya Gino
"Ge" bahagya namang napakamot ng ulo si kuya Gino at nsgkunot noo ng marinig ang sagot ko. may mali ba sa sagot ko? yun lang naman talaga ang sinabi ni JR ah.
tinawagan ko si JR at sinabing nandito na ako. umalis na agad si kuya ng maihatid niya ako.
"Ikaw po pala Ms.Cassie, grabe ang ganda niyo na po. kumusta na po kayo?"
"Manang naman, diba sabi ko tanggalin na yung 'po' at 'Ms.' . Salamat po at Okay lang naman po ako. kayo po?" Manang Rossie. siya ang kasambahay nila JR. siya nag aalaga ni JR nung bata pa siya at dahil malaki na yung ugok na yun, yung batang kapatid na babae na ang inaalagaan ngayon ni Manang
"Okay lang din naman ako. hali, pasok ka iha at hinihintay ka na ni JR. puntahan mo nalang daw siya sa Likod ng Garden"
pumasok na ako at dumiretso sa likod na garden. nadatnan kong nagbabasket si JR. di niya napansin ang presensya ko kaya tinignan ko muna siya maglaro. mukhang may problema ata siya at di niya ma shoot-shoot ang bola. ganyan yan eh, nakasalubong pa ang kilay habang naglalaro. nagulat nalang ako ng bigla niya hinagis ang bola at umupo sa sahig.
lumapit ako sakanya at inilapag ang cake sa harap niya. napaangat naman siya at gulat na gulat ng makita ako.
"Kanina ka pa?"
Tumango ako "Ano problema mo?"Bumutong hininga muna siya bago sumagot "Hiniwalayan na ako ni Tina"
Tinaasan ko siya ng kilay "Naging kayo ba?" sinamaan niya ako ng tingin "Binusted kamo" feleer din ng isang toh.
"Tsk, pasok na nga tayo"
pumasok na kami at nagpaalam muna siya para magbihis."Parents mo?" Tanong ko sa kanya ng makabalik na siya.