Chapter 2

404 12 0
                                    

Sam's PoV

"haha! I always like this side of you sizzy. Yung Alyssa Valdez na hindi volleyball player, yung basta ikaw lang, yung ikaw na nakilala ko sa loob ng bahay ni kuya . . . lalo na syempre yung Gloc-32"

Ipinikit ko na ang aking mga mata matapos sabihin ito. Wala pa akong balak matulog dahil gusto kong gantihan si Ly sa ginawa niyang biro kanina. Bago ako pumasok sa kwarto ay may nakita akong Sharpie Pen. Kapag nakatulog na si Ly ay guguhitan ko ang kanyang kilay. Naisip ko sana kapalan yung kilay niya, pero parang mas nakakatuwa kung unibrow nalang. haha!

Lumipas ang ilang minuto at napansin ko na hindi na ito kumikibo. Balak ko na sanang abutin ang Sharpie Pen na itinago ko sa ilalim ng unan ng marinig ko ang pag tawag niya sa aking pangalan.

"Sam?"

Hala, gising pa pala si Ly. Teka teka, baka may hawak din tong Sharpie ha.

"Sammy?"

Sammy, ang nickname na binigay sakin ni Ly. Lima na lamang kaming nasa loob ng bahay ni Kuya ng simula niya akong tawagin ng ganyan. Sammy, hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing tinatawag niya ako niyan ay agad agad akong napapayakap sa kanya ng mahigpit at tila gusto ko pang mag lambing. Feeling ko bumabalik ako sa pagka bata, feeling ko baby ako ni Alyssa. Hindi yung baby na ka-relasyon ha! Ah basta, ako ang baby ni Ly.

(Authornim: whatever you say Sam, whatever you say 👀)

"Sammy? Mukang tulog na nga ang sabaw ng Palawan"

Ah ganun pala Ly ha, sige isa pa, may kurot ka na sakin.

"Sam? You know I would never lie to you right? I'm sorry that I did earlier"

Sabi ko na nga ba, hindi ako mahahatid nitong babaeng to bukas sa condo. Okay lang naman sizzy, you don't have to lie, I'll stay kasi miss na miss narin kita.

Bigla ko na lamang naramdaman ang pag dampi ng kanyang labi sa aking noo na ikinagulat ko. Palagi kaming nag hahawak ng kamay at nag yayakapan ni Alyssa, ngunit kahit kailan ay hindi namin nagawang halikan ang isa't isa.

"There was never a moment where I didn't wish that you were with me."

Tila hindi ako makahinga

"I don't just miss you, Sam. I long for you."

Dito ko napagtanto ang sinabi ni Ly na nagawa niyang pag sisinungaling kanina, nung sinabi niya na nahulog na siya sa akin sa mga panahon na nasa loob kami ng bahay ni Kuya. Hindi ko alam kung ano dapat sabihin at ano ang dapat kong maramdaman, pero ito ang gusto kong itanong sa kanya.

"Alyssa, bakit ngayon lang?"

Naramdaman ko ang pang dampi ng kanyang labi sa aking labi.

"Alyssa, bakit ngayon pa?"

"Forgive me Sam, this would be the first and the last."

Naramdaman ko ang biglaang higpit ng kanyang pag yakap, at ang higpit ng pag pikit ng aking mga mata upang pigilan kung ano man ang gustong kumawala.

Sa pag nanais kong siya ay masilayan, iminulat ko ang aking mga mata, at tuluyan na ngang pumakawala ang pinipigil kong pag luha.

End of Flashback

"Sammy?"

Nakaluhod si Alyssa sa harapan ni Sam habang naka hawak sa mga tuhod nito. Natauhan naman si Sam mula sa pag-alala sa mga pangyayari nuong huli silang nagkita.

Ly: Okay ka lang Sam?

Sam: Ha? Oo sizzy okay lang ako. Kinakabahan lang siguro kasi first time ko manuod sa laro mo, tapos sa loob pa ng arena.

LONGINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon