Chapter 3

545 13 0
                                    

Samantha's pov

Nasa fourth set na kami sa laro nila Alyssa, at lamang sila ng isa sa kalaban, 2-1. Aaminin ko, medyo nagulat ako sa pinapakitang laro ni Ly. Hindi ko inexpect na ganito siya kagaling maglaro ng volleyball. Palibhasa, wala akong basehan dahil hindi naman talaga ako nakakapanuod, pero base sa nakikita ko, isa siya sa pinaka magaling dito na manlalaro.

Ma, ganito pala kagaling maglaro ng volleyball si Sizzy. I mean, oo nakita natin siya na maglaro sa loob ng bahay ni Kuya, pero wala pa yun sa kalingkingan ng galing na pinapakita niya ngayon.

Hindi siya tatawagin na Phenom for no reason. Si Sizzy mo ang mukha ng Volleyball dito sa Pilipinas, ganyan siya kagaling.

Na ooverwhelm ako Ma.

Ha? Okay ka lang Sam?

Okay pa, kaya pa Ma.

Hindi ko maintindihan, pero may iba akong nararamdaman habang pinapanuod ang pag palo at pag galaw ni Ly sa loob ng court. Pero sa tingin ko, at pilit ko mang itanggi, ay unti-unti ko na itong naiintindihan habang tuluyan kong pinapanuod si Alyssa.

Ang daya mo naman Sizzy.

------

Nakahabol ng isang set ang kalaban nila Alyssa, 2-2 ang score nila ngayon. Mag sisimula na ang pang limang set pero nakita ko na papalapit si Alyssa sa amin.

Guys, sorry! Thought we already got it in the 4th set, magaling rin kasi yung kalaban na team. Pero don't worry, we got this! Losing is not an option in this game, kaya watch and enjoy lang kayo dyan.

Okay lang yan Aly, nag eenjoy kami manuod. Tska wala ka pa 32 points oh, pwede ka pa makahabol.

Ay talaga lang Ate Brends ha! Sure, sure, besides winning, goal ko rin yan for today!

Galing mo Ly! Napapamangha nalang kami sa mga spike mo! Sulit yung pag takas ko sa lock-in taping! haha! Charot! Wag niyo ko isusumbong!

Haha Ben! Loko-loko! Pero guys, I'm more than happy na you spared some time to be here supporting me and the team. It's the inspiration I need to win this game.

Pinagmamasdan ko si Ly habang kausap niya sina Benedix at ang ibang housemates. Di maitatanggi ang tuwa nila sa panunuod at pag chcheer kay Ly. Hindi lang nadoble pero natriple pa ang admiration na nararamdaman namin para sa kanya. Sa totoo lang, I see Ly on a different light right now. You in your element makes me feel things, Sizzy.

Sammy, you okay?

Tanong ni Alyssa na ngayon ay nakatayo sa harapan ko.

Nakangiti akong tumango sa kanya.

One set nalang and I'll get that promised kiss.

Sabay turo sa noo niya.

I'll make sure we'll win this game, Sam.

I am overwhelmed by her presence. Sa tingin ko if I say anything, I'm going to break. Kaya ginawa ko nalang ang palagi kong ginagawa, at yun ay ang yakapin siya.

Oh, Sam! Baka dumikit sayo yung pawis ko, ang baho ko narin.

Mas niyakap ko siya ng mahigpit.

Oo nga pala, this is okay for you. Baka mas gusto mo pa pag mabaho at pawis ako.

Ayoko pa siya bitawan, pero naririnig ko na tinatawag na siya ng teammates niya.

Cheer for me ah, last set na. We'll celebrate after this, okay?

LONGINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon