Sam's pov
Iniwan na namin sila Eian, Kuya TJ at Ben na tila lugmok na lugmok. Binibiro ko lang naman sila, wala naman talaga akong balak na gamitin ang credit cards nila, nakakatawa lang talaga ang mga naging reaksyon nila kanina.
Bago kami mag turn sa isang corner ay bigla akong napalingon upang silipan ulit silang tatlo. Nakita ko na dumating si Ly na may dala-dalang paper pag. Biglang kapit sa kanya sa Ben, tila mag susumbong pa yata.
SamBer, you okay? Natahimik ka yata?
Rinig kong tawag ni Chie, kaya naman napabalik na ako ng lingon sa kanilang dalawa ni Mama Brends, at tuluyan ng natigil ang pagsulyap ko kay Ly.
Yes Chie! Okay lang ako, iniisip ko lang kung saan natin pwedeng gamitin tong newly acquired credit cards natin. haha! Pero biro lang, pinag tripan ko lang naman silang tatlo, wala naman akong balak gamitin to. Isosoli ko rin sa kanila mamaya bago tayo umuwi.
Ay ganun, sayang naman Sam.
Dismayadong sabi ni Mama Brends
Nakarami ka na nga ng take-out Ma eh, nanghihinayang ka pa?
Sabi ko nga Samantha eh, sobra-sobra na 'to. Uwi na kaya tayo?
Uy guys! Wait lang, walang ganyanan, minsan na nga lang ako makalabas dahil sa work. Sayang naman 'tong araw na 'to.
Nag mamakaawang sabi ni Chie
Eh saan niyo balak pumunta, Ma? Chie? Or ano ba ang balak niyo gawin?
Ah! Alam ko na!
Ano yun Chie?
Tanong ko sa kanya
Dun tayo sa malamig!
Malamig??
Sabay naming tanong ni Mama Brends
Basta, trust me. Let's go!
Alyssa's pov
More than 30 minutes na naming hinahanap sila Sam. Ubos narin ang binili kong Lemon Bars, Brownies at Cookies, kaya naman napabili na kami ng Popcorn. Ngayong umaga nalaman ko na balak naming sundan sila Sam buong araw, pero sa nangyayari ngayon, mukhang naging search operation ang nagaganap.
Guys, try natin sa ibang floor, wala eh, hindi ko talaga macontact si Brenda, ring lang ng ring ang phone niya, walang sumasagot.
Sabi ni Eian
We were on our way sa escalator ng napadaan kami sa Ice Skating Rink. At duon ko narinig ang tawa na matagal ko ng hindi napapakinggan.
Napalingon ako sa direksyon ng tawa na iyon. And just as I expected, there she is. Nakahawak sa bewang ni Ate Brends, sinusubukan na hindi matumba, pero ito namang si Ate Brends ay galaw ng galaw, kaya naman tawa nalang ng tawa si Sam.
Ly! Okay ka lang? Bakit parang natulala ka?
Miss na miss ko na siya.
Sagot ko kay Eian habang patuloy na pinag mamasdan si Sam.
Oy! Sila Sam oh! Finally!
Tuwang sabi ni Kuya TJ
Oy! Gusto ko rin na mag Ice Skating! Sali tayo!
Excited na Sabi ni Ben
Ano Ly, sama ka?
No E, I'll just sit somewhere here. I'll watch you guys nalang.