Chapter I

6.1K 94 19
                                    

Daniel's POV

Hi! Ako nga pala si Daniel John Padilla.

"Daddy! Come here please!" At siya naman ang anak kong si Ford, 4 years old.

Marunong na din siya kagad magsalita, hindi bulol, hindi katulad ng ibang bata. Na-train kasi ka'gad kaya marunong na magsalita.

"What's your problem baby?" Pumunta ako sa sala, kasi nandun siya e.

"Daddy, ayaw gumana ng remote!! I don't know why!! Help me! I want to watch cartoons!" Kinuha ko sa kanya ang remote at tinry kong ayusin. "Daddy! 'Bat ang tagal?"

"Wait lang anak, aayusin ni daddy 'to, si daddy pa ba?"

"Nasa'n ba kasi si mommy." yumuko siya at malungkot ang boses.

"Ilang beses mo bang tatanungin 'yan baby?"

"Eh, kelan mo ba kasi sasagutin ang tanong ko?"

Binaba ko 'yung remote control at kinuha ang magkabilang pisngi niya gamit ang dalawang kamay ko.

"How many times do I have to tell you that your mom is busy." kinurot ko 'yung dalawang pisngi niya at ni-nose to nose ko siya

"Daddy, kelan ba kasi siya pupunta dito? Kelan ba siya hindi magiging busy?"

"Malay mo, bukas nandito na siya."

"Ihh! 'Bat hindi pa ngayon?"

"Kasi hindi pa ngayon ang tamang panahon baby." kinurot ko ang ilong niya at tumayo na.

'Di ko din alam kung nasaan ang mommy niya.

Inayos ko na ulit ang remote at sa wakas! Naayos ko din.

"There you go baby, you can watch cartoons, now." Binigay ko na sa kanya ang remote at ang saya niya, favorite niya kasi ang cartoons.

"Thanks daddy!" Sabay kiss sa cheeks ko, ang cute talaga ng anak ko!

"Stay there okay? Magluluto lang ako ng dinner. Wag makulit."

"Yes dad."

Eto ang everyday routine namin ng anak ko.

We have our own company, mall and hotel.

Ang kapatid ko ang sa company at ako naman sa hotel. Minsan lang akong pumunta 'dun, minsan lang din kasi ang may problema. Minsan din binibisita ko kung okay ba ang lahat, ginagawa ba nila ang mga trabaho nila.

We have three malls, at 'yun naman ang kila papa. Sila ang naga-alaga 'dun, sabi nila 'dun daw dapat kami. Pero sabi ko at ng kapatid ko na, kami na lang sa hotel at company, syempre natanda na sila, hindi naman bumabata.

Lahat kami share share sa lahat ng mga kinikita sa hotel, mall and company. Kaya walang madamot sa'min e. Bigay lang ng bigay.

At eto ako ngayon, nagl-luto para sa'min ng anak ko, niluto ko ang favorite food niya. Ang chicken! Lahat naman 'ata ng bata naging paborito 'to, kahit ako!

Natuto akong magluto kasi diba nga, sa hotel ako, may nakikita ako chef 'dun at minsan nagpapaturo ako. Para sa'min din kasi 'to ng anak ko.

"Daddy I'm hungry na." Nandito na pala siya sa Dining Area.

"Wait lang baby, malapit na 'tong matapos. Did you turn off the tv?"

"Yes dad, sayang kuryente kung 'di naman nagagamit. hihi!!"

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Marunong ng magtipid ang anak 'ko.

Natapos na akong magluto at hinain ko na sa kanya nag favorite niya.

Instant Mother (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon