Chapter VII

1.1K 31 2
                                    

Kathryn's Pov

'Di ko alam kung ano mararamdaman ko.

Ilang araw ang dumating simula 'nung nakipagkita kami sa babaeng 'yun. Ayoko sabihin kung ano pangalan niya. Nakakainis na pangala 'yun.

"Tulala ka na naman." sabi sa'kin ni Daniel at niyakap ako "Ano ba kasi inisiip mo?"

"Wala."

"Anong wala ka dyan, kanina ka pa nga tulala. Kanina ka pa din tinatawag ni Ford." sabay alis niya ng yakap sa'kin

"Ha?" sabay tingin ko kay Ford "ano 'yun?"

"Wala po, nakita lang po kasi kitang tulala."

Tumango na lang ako kay Ford. Ano ba dapat sasabihin ko? Wala naman na diba? Hay ewan.

"Iniisip mo parin ba siya?" sabi niya sa'kin

'Di ko alam kung sino ang tinutukoy niya, si Diego ba o si ano. Hay.

"Sino?" maikli kong sagot sa kanya

"Si sabr---"

"No, 'bat ko naman siya iisipin?" pagpputol ko ng sagot sa kanya, kilala ko na kung sino 'yung sinasabi niya. Oo nagsinungaling ako.

"Okay, bahala ka." sabi niya sa'kin

Ganun lang 'yun?! Pagkatapos kong magtampo dito ganun lang 'yun?! Shocks!

Hindi ko ineexpect 'to, akala ko ic-comfort niya 'ko, ttanungin niya kung ano ba talaga ang nangyayari sa'kin, pero wala. Hay!

Sabi na nga ba e, sa wattpad lang nangyyari 'yun. Kainis.

"Ayan ka na naman." sabi ni DJ sa'kin

"Umamin ka nga sa'kin, tinititigan mo ba 'ko kaya alam mo lahat?" pagbbiro ko sa kanya

"Kapag ba sinabi kong oo, titigil ka na sa pagiisip mo na 'yan?" sabi niya sa'kin. Umiwas na lang ako ng tingin at baka makita niyang namumula na 'ko.

"Uy, namumula siya."

"Hind ah."

"Namumula."

"Hindi nga sabi e!"

"Sorry na, Oo na. Hindi na."

Nakakatawa talaga 'tong si DJ. Lagi siyang nagpapatalo 'pag nagaaway kami ng ganito.

"Daddy, kelan po dadating ulit sila tito alex?"

"Miss mo na ba ka'gad?"

"Uhm, medyo po." sabi niya at tumawa, ang cute niya lang tumawa.

"Ewan ko, basta 'pag 'di sila busy. Dito naman kaga'd punta ng mga tito't tita mo."

"Ah okay po."

Umalis kasi sila Alex kagabi at sinabing may gagawin daw sila ngayon, kaya eto. Kaming dalawa lang ni DJ ang magkasamang nagbabantay kay Ford.

"Kath." sabi niya sa'kin. Tumingin naman ako sa kanya, mukha siyang seryoso.

"Bakit?"

"Kung iniisip mo si Sabrina, 'wag mo ng pagsayangin ang oras mo kakaisip sa kanya, ha?"

"Diba sinabi ko na sa'yo na hindi ko siya iniisip?" pagsisinungaling ko

"Sinabi mo nga siguro, pero 'yung mata mo. May ibang sinasabi." umiwas naman ako ng tingin sa kanya "'Wag mo na siyang isipin kasi hindi ko naman na siya gusto."

"'Bat mo ba sa'kin 'yan sinasabi? Tsaka may iba pang nakakarinig oh." sabi ko sabay turo kay ford gamit ang labi ko

"Sa'n pa ba tayo maguusap? Alangan naman iwanan natin siya dito." sabagay, tama nga naman siya "At hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari."

Instant Mother (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon