Chapter IX

723 23 5
                                    

Kathryn's Pov

may pa ohmygod ohmygod who is she pa 'to, eh sino ka din ba? hays

"let me explain." sabi ni dj sa kanya

wow may pa let me explain, explain pa 'to. bakit kayo ba? tss.

"you should explain, gosh!" sabi pa netong babaeng 'to

ang arte! nakakainis, oo maganda pero ang arte padin niya.

"can we talk outside?" tanong ni dj sa kanya

eh 'bat sa labas pa? 'bat 'di na lang dito! 'di naman ako makaangal. moment na namin 'yung kanina eh, joke.

"bakit hindi dito? eh na---" sabi nung babae pero napatigil siya sa pagsasalita kasi tumingin siya kay Ford "okay, sabi ko nga sa labas tayo."

malapit na sa pintuan si dj at aba, hindi ba niya 'ko papapuntahin 'don?

tumingin siya sa'kin at 'yun! alam kong papapuntahin na niya 'ko.

"dyan ka lang ba?" sabi niya sa'kin

ano ba naman klaseng tanong 'yun? 'diba dapat niyaya niya ko imbis na tanong? hay nako!

"kath, ano? halika na nga dito!" sabi niya sa'kin

ayun, good. buti naman at niyaya ako.

nagwait sign lang ako kay Ford at tumango lang siya, edi lumabas na din ako ng kwarto at nakapamewang pa 'tong babaeng 'to.

"so? explain mo na." sabi ng babae sa'min

"she's my girlfriend." tipid na sagot ni daniel sa kanya

"and? 'yun lang? ang tipid, may kulang." sunod sunod na sabi niya sa'min. sino ba kasi 'to?

"fine, siya 'yung sinasabi kong nanay ng anak ko. ginawa ko lang naman 'yun kasi..." tumingin siya sa'kin, 'yung tingin niya na para bang nagtatanong kung ikkwento niya na ba at nagnod na lang ako. nandito na kami eh "naghahanap na ng nanay si ford and 'yun, bigla siyang pumasok sa kwarto ng anak ko kasi akala niya room ng lola niya and sabi ko siya 'yung nanay niya."

"wow! gumawa ka ng sarili mong gulo." tipid na sagot ng babaeng 'to, sino ka ba ha?

"hindi naman malalaman ni Ford 'to diba? 'wag mo lang sabihin at hindi niya 'to malalaman."

"okay, fine." tipid na sagot niya, tumingin siya sa'kin  "ano kasi name mo?" sabi niya sa'kin

"Kathryn po, Kathryn Bernardo." sabi ko sa kanya at ngumiti

"Nice name, I'm Jackie. Jackie Alcantara." at nakipagshake hands siya sa'kin "I'm DJ's oldest sister." napangaga ako ng konti sa kanya, wow! ang ganda niya! di naman sa pagaano kay dj pero may lahi pala silang magaganda at gwapo.

"Mommy!" sigaw ng batang babae at pumunta kay Jackie, may anak siya?

"Baby!" kiniss niya ito sa cheeks at binuhat ito, may kasama 'yung bata ng katulong at may isa pang lalaking nasa likod niya.

may itsura 'yung lalaki, matangkad, nakajersey shorts lang at nakamuscle tee, moreno at palangiti.

"Siya nga pala asawa ko." sabay turo niya sa lalaki "Si Kiko. Kiko Alcantara." 

Ngumiti siya sa'kin ng pagkalaki-laki at sinabing "Hi, Kiko nga pala! pinakagwapong anak ng mayor!" sabi niya at nakipagshake hands sa'kin

Tumawa naman ako sa sinabi niya at sinabing "Hi, Ako nga pala si Kathryn. Kath na lang."

"Sa susunod nga baby boy 'wag mo ng sabihin ang pinakagwapong anak ng mayor! alam mo naman na dun ako nafall sa'yo eh!" at tumawa silang dalawa, napangiti ako sa kanila kasi ang sweet sweet nila.

Instant Mother (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon