Chapter XI

806 26 4
                                    

Kathryn's POV

nandito ako ngayon sa kwarto ni Ford and yes, it's friday today. Thanks god! Nung isang araw nagpacheck up si Ford at tinignan uli baka sakaling mali ang information sa'min na binigay 'nung Tuesday. Ngayon daw 'yung results kaya ako lang ang naiwan dito sa room.

tok... tok... tok...

Lumapit ako sa pintuan kasi alam ko namang hindi niya 'ko maririnig kapag sinabi kong pasok. Binuksan ko na 'yung pintuan at nakita ko sila Ford at si DJ

"Pasok kayo, ano daw sabi? Ano result?" sabi ko sa kanya at pumasok na silang dalawa

"Okay na daw talaga siya, ang bait talaga ni Lord." 

"That's good."

"Uh, Kath pabantay muna si Ford saglit tsaka paayos ng mga gamit niya." sabi niya sa'kin

"Osige, saan ka naman pupunta?" 

"Magbabayad lang ako ng mga nagastos ni Ford tsaka nasa baba na daw kasi 'yung bagong katulong." 

"Okay, ingat." sabi ko na lang sa kanya

"Wow, dito lang ako sa hospital magiingat pa 'ko? Ang sweet mo ha." sabi niya sa'kin na parang nangaasar, gatungan ko nga

"Syempre, papakasalan mo pa 'ko diba?"

"Hoy! tumigil ka na nga! kinikilig ako sa'yo eh!" sabi niya sa'kin at namumula na 'yung pisngi niya, ang cute!!

"Okay po boss." sabi ko sa kanya at tumawa ng tumawa

Tumawa na lang din siya at umalis na.

"Mommy." sabi sa'kin ni Ford

'di talaga ako sanay na tinatawag akong ganto, pero bakit parang ang iba ng pakiramdam ko 'pag tinatawag akong ganto?

"Yes?" sabi ko sa kanya

"Sorry po sa itatanong ko pero kukuha daw po ng katulong ang daddy?" sabi niya sa'kin na parang nalungkot

"Oo, nasa baba na daw ang katulong. Bakit ka naman malungkot?" sabi ko sa kanya habang nagaayos ng mga gamit niya sa bag na malaki na dala dala ni DJ kanina

"Wala lang po. Ngayon lang po kasi kumuha si Daddy ng katulong kasi siya talaga ang naga-alaga sa'kin." sabi niya sa'kin kaya parang nalungkot din ako, nawawalan na ba ng time si DJ sa anak niya dahil sa'kin?

"Ayaw mo ba 'yun? Madami na kaming naga-alaga sa'yo, 'yung daddy mo, 'yung mga friends namin tapos ako 'tas madadagdagan na naman ng isa." sabi ko na lang sa kanya

"wala lang po, 'di po kasi ako sanay na may isa pang madadagdagan tsaka po baka nga po maging busy na talaga si daddy kaya kumuha na talaga siya ng katulong."

"it's okay ford, ang mahalaga nandito lang kami para sa'yo." sabi ko na lang sa kanya, wala akong masabi eh.

"thanks po mommy. i love you." sabi niya sa'kin at nagulat ako at napatingin ako sa kanya

"anong sabi mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya

"i love you po." sabi niya sa'kin

ano ba dapat ang irereact ko? masaya? magagalit? malungkot? ano?

ring...

sakto! may natawag sa'kin. life saver man 'to kung sino man.

"wait lang ford ha, sasagutin ko lang ang tawag." sabi ko sa kanya at tumango lang siya sa'kin

nakita ko ang name ni Julia at sinagot ko na ang tawag

"oy!" sabi niya sa'kin

"gandang bungad naman julia."

Instant Mother (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon