Kathryn's Pov
Nandito ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko. Yeah, sa kaibigan ko. Aga aga, nangangapitbahay ako.
"Alam mo girl, you need to move on. Hindi siya masaya na ganyan ang itsura mo." Sabi sa'kin ni Julia
"Dito sa pamamahay na 'to, bawal ang naiyak! Joke lang! Pero seryoso, 'wag ka na umiyak. Sinasayang mo lang ang luha mo kay Diego." sabi sa'kin ni Janella
Ang sakit kasi e. Ang sakit sakit.
"Ang daming lalaki sa mundo at siya pa talaga ang pinili mong iyakan? Jusko friend! I mean Bestfriend! Two years na siyang patay! Mag move on ka na!" Sabi sa'kin ng kaibigan kong si Chienna
Aga aga din, iyak ako ng iyak. Anniversary kasi namin ngayon ni Diego. Kaya eto ako ngayon, naiyak.
Bigla kasing nawala ng parang bula.
"Ay wait, may pupuntahan tayo!" Sabi ni Janella sa'kin
"At sa'n naman 'yon?" Tanong ni Chiena
"Anong kahibangan na naman ang gagawin mo o sabihin na nating natin?" Sabi ni Julia
"Akala ko ba dito lang tayo? 'Wag tayong magb-bar ah!"
"Atsaka, kaya nga kinuha nga natin si Kath sa bahay nila kasi nga diba baka magbar siya!"
"Naalala mo ba 'nung pang 4 years na DAPAT nila, pupunta siya ng bar kaso pinigilan lang natin?" At Inemphasize pa talaga ni Chienna ang dapat. At yeah, 5 years na sana namin ngayon.
Kaso, wala na siya e. Wala na ang Diego ko.
"At hoy! First time lang ni Kath o sabihin na nating natin na mag inom kaya, no no no! Dito lang tayo!" Sabi ni Julia
"Please Keep Calm! Mahina ang kalaban at mag isa lang ako! Gosh! Just trust me guys, okay?"
"Sure kang hindi tayo pupunta ng Bar?"
"Of course not! Kaya nga tayo pumunta sa bahay nila Kath kanina diba?"
Napakamot na lang ng ulo 'tong dalawang 'to. Narealize na din siguro na, puro sila dakdak eh hindi nila naisip 'yung kanina.
Siguro naisip nga, pero hindi 'yung. ah basta! Hirap iexplain! 'Yun na 'yun! Okay?
Lumabas na kami ng kwarto ni Janella at nagpaalam siya sa mama niya na aalis kami.
Tumango naman ang mama niya, hindi din naman nakita ng mama niya na naiyak ako.
Kung tinatanong niyo kung bakit wala silang trabaho e saturday ngayon. Wala silang pasok. At ako. Hanggang bukas.
Pumasok na kami sa kotse ni Janella at siya 'yung nag drive. Malamang siya lang naman kasi ang nakakaalam kung sa'n kami pupunta.
Nasa likod lang ako. Mag isa, parang van kasi 'tong isang sasakyan nila Janella.
Nagring bigla ang phone ni Julia at sinagot naman niya ito.
"Goodmorning babe, Yes babe. Umalis kami kila Janella eh. Yah! Don't worry magiingat kami. Huh? Bakit ka nandyan sa hospital?!" Gulat na tanong ni Julia kaya napa-stop si Janella sa pagd-drive
"Ano daw nangyari?" Nagaalalang tanong ni Janella
"Wait Ella ha, kausap ko pa boyfriend ko." sabi ni Julia, sige pagmayabang mong may boyfriend ka. Bwisit!
"Ah okay babe. Ano daw nangyari kay Ford? Ah okay. Osige babe, sige punta ako dyan later. Bye! Love you too babe! Yes magiingat kami, ulit ulit? Love you too nga! Babye! Mwa!" At in-end niya na ang call. Sa wakas!

BINABASA MO ANG
Instant Mother (KathNiel)
Romance"A mother is someone you look up to, no matter how tall you grow." April 10, 2015