Chapter X

691 20 0
                                    

Kathryn's POV

"Huy, ano ba kasing gagawin?" nagtatakang tanong ni Janella kay DJ

"Oo nga, 'bat mo ba kami pinatawag?" gatong naman ni Chienna

"Para sa'n ba 'to? Para ba sa kasal?" at nagtatalon na si Julia sa tuwa dahil hindi ko malaman kung anong naisip niya at 'yun agad 'yung pumasok sa utak niya.

"Oo nga 'tol, ano ba naman 'to? ang aga aga." dugtong ni Enrique

"Nakakagutom, hindi pa kaya ako nagbbreakfast!" pasigaw na sabi ni Alex

"Okay, naubusan ako ng itatanong pero ano nga?" Sabi naman ni Jerome

"Pwede bang maghinay hinay kayo?" sabi ko sa kanilang lahat kahit din naman ako 'di ko alam 'bat siya nagpatawag sa mga 'to at lahat naman sila tumango sa sinabi ko "Good dogs. Joke!" at tumawa ako at tumawa din sila

Nandito kami sa canteen ng hospital para magusap-usap. Nagaalaga 'yung nurse kay Ford sa taas kaya nakaalis din kami agad.

"Makareact naman kayong mga lalaki, kayo ba pinapunta ni Kath dito?" sabi ni DJ sa mga lalaki.

Oo, ako ang nagpapunta sa mga girls kasi sabi niya eh. Kahit 'di ko naman talaga alam ang rason.

"Syempre, protective boyfriend here." proud na sabi ni Alex at nagtaas ng kamay

"Me too." sabi ni Enrique

"Count me in!" dagdag ni Jerome

"Mga protective? Sa tingin niyo aagawin ko sa inyo mga girlfriends niyo at may gagawing masama sa kanila si Kath at kilala nila ang isa't isa for how many years?" nagtatakang tanong ni DJ sa kanya

"oo nga 'no? 'bat 'di ko naisip 'yun?" sabi ni Enrique

"ayaw mo na ba sa'min fafa danyel?" sabi ni Alex at nagpacute

"Ayaw mo na ba kami dito? sige aalis na kami, pinagtatabuyan mo na kami." sabi ni Jerome at naglulungkot-lungkutan

"Ang sabihin niyo gusto niyo lang makichismis tsaka kadiri kayo mga 'tol, 'di bagay ang magdrama sa inyo." sabi ni Dj at tumawa, edi tumawa na din kaming lahat

Kami palang ang tao dito sa canteen at ang ingay ingay na namin, nakakahiya tuloy sa mga nasa kusina.

"Pero ano nga pinunta namin dito?" sabi ni Julia

"May kakilala ba kayong katulong or in short yaya para kay Ford? kasi parang naiisip ko minsan nawawalan na ako ng time sa kanya." sabi ni DJ sa kanilang lahat

"Akala ko naman pplanuhin na natin 'yung birthday surprise para kay Ford." sabi ni Janella

"Akala ko din 'yun eh, 'di ba tayo magpplano 'nun?" dagdag ni Chienna

"Oo nga, palapit na ng palapit na ang birthday ng anak mo." sabi ko kay DJ

"correction, anak natin." sabi niya sa'kin sabay akbay. magkatabi kasi dito at ngayon, close na close na kami "naisip ko kasi, katulong muna bago gumawa ng plano para habang nagawa ng plano eh may naga-alaga sa anak ko." dagdag pa niya

'di na ako nagreklamo sa pagakbay niya sa'kin, parang comfortable din kasi.

"Hi! we're here!" tumingin kami sa nagsalita at nakita ko si Jackie na may kasama pang isang lalaki

Sino kaya 'yung lalaking 'yun?

Napatanggal ng akbay si DJ sa'kin at mukhang nagulat sa kanila

"Sorry late kami, bagal kasing kumilos nitong babaeng 'to." sabi 'nung lalaki kay Jackie

Instant Mother (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon