Chapter II

2.6K 54 11
                                    

Daniel's Pov

"Are you ready?" I asked my baby

"Yes dad. Let's go!" Sabi niya sa'kin

Maaga kami umalis kasi baka mamaya, mac-confine siya. Baka lang naman.

Pumunta na kami sa kotse ko at pumasok na sa loob, nasa tabi ko siya.

"Marunong ka na ba magseat belt, baby?"

"No dad." Sabi niya na iniiling niya din ang mukha niya

"Osige ako na mags-seat belt sa'yo."

Tas sineat belt ko na siya, buti na lang talaga. Pumayag siyang pumunta kami ng hospital.

Pagkadating namin sa hospital nauna na ako bumaba at inalalayan siya pababa.

Nandito na kami sa loob, may kinausap akong nurse para sa anak ko, para alam ko kung sa'n ako pupunta or what.

"Ah sir, 'dun muna po kayo sa may room 026 at maghintay po kayo. Maya-maya dadating na po ang doctor 'dun."

"Okay thank you."

Umalis na kami sa may nurse station ng may tumabi na naman sa'king nurse. Maputi siya pero 'di ganun katangkad.

"Ah sir, sa'n po kayo pupunta?"

"Room 026, alam mo ba kung sa'n 'yun?"

"Of course sir. Dito po."

Naglakad na kami papuntang 026.

Pagkadating do'n binuksan na niya ang pinto at pinapasok kami ng anak ko.

"Anak mo sir? O kapatid?"

"Anak."

"Ay sayang naman. By the way sir, ihiga niyo na lang po si baby dyan."

"Osige, pwede ka ng umalis."

Nainis kasi ako 'nung sinabing sayang naman. Ewan ko din kung 'bat ako nainis.

Pinahiga ko na si Ford sa kama, parang pang confine naman 'tong room na 'to, baka naman ic-confine na ang anak ko?

"Daddy, nasa'n na daw po 'yung doctor?"

"Padating na daw baby, ano masakit sa'yo?"

"Ulo, pati likod pa din. I think may fever pa ako kasi ang init ko." Sabi niya sa'kin, medyo malumanay ang boses.

"Ah okay baby, 'wag ka mag-alala, gagaling ka din." sabay kiss ko sa forehead niya.

*Ring*

RJ calling...

Ano naman problema ni kuya?

Inaccept ko ang call at sinabing "Bakit? May problema ba?"

"Wow, 'Pag ba tumawag may problema na?"

"Eh malay malay ko ba, ano ba kailangan mo?"

"Another wow, 'Pag ba tumawag may kailangan na?"

"Kainis na, ano ba kasi kailangan mo?"

"Nasa'n si Baby? Si Ford?"

"Katabi ko, bakit?"

"Pakausap."

"Okay."

Tinakpan ko muna ang phone ko, para 'di niya marinig usapan namin.

"Your tito wants to talk to you, okay lang ba?"

"No problem dad."

Binigay ko na ang phone ko sa kanya.

"Hi tito. Yes we're here in the hospital. Yes, mga 15 minutes na kaming nandito. What?! Wow! Edi may kalaro na po ako? Yay!. Pupunta po kayo dito? Ah okay sayang naman po, okay po. babye! I love you too po! Okay po. Godbless din po. Haha!"

Instant Mother (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon