Chapter 14

155 10 0
                                    

Marileigh Pov

Kinabukasan...

Lumabas ako ng kwarto na tila wala sa sarili. Paikot-ikot kasi si Samraz sa isip ko. Hindi man lang sya napagod. Ako ang napagod.

Kainis! Kaya ayokong binibiro ako ng ganon.

Padabog akong bumaba ng hagdan ng makita ko si Samraz nakaupo sa sofa at nakatingin sakin.

Para akong na freeze. Hindi ko alam kung nakangiti ba sya o nakangisi para asarin ako sa itsura kong sabog. Sabog ang buhok, lutang at may eyebag.

Shit!! Ang aga naman nyang nandito. Bwisit!!

Sa kaba na naramdaman ko, imbes na pababa ako, ay bumalik ako paakyat.

"Hey!!" sigaw nya pero di ko sya pinansin. "Hey! Wait!" sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko alam, ganon kabilis nya ako nasundan sa taas.

Lintik! Pistelan! Yawa! Sabi ko sa sarili ko habang nakapikit.

Ayoko syang makita kinakabahan at naiilang na ako sa kanya.

"Hey Mari!"

"Ano ba yun?"

"Hindi mo man lang ba ako babatiin ng good morning?"

"Anong maganda ngayong umaga para batiin kita ng ganon."

"Because, this is our first day of our relationships being my girlfriend." halos manlaki ang mata ko sa sinabi nya kaya hinarap ko sya at hinampas ang kamay nya para bitawan nya ako.

"Anong pinagsasabi mo? Sinong nagsabi sayo na girlfriend mo ko?"

"Ako." agad nyang sagot.

"Huh?!!!"

"Yes!"

"Pwede ba Samraz! Ang aga-aga mong magbiro!" sabi ko sa kanya at tinalikuran sya.

"I'm not kidding. I'm serious. Diba napag-usapan na natin 'to kahapon?"

"Anong pinagsasabi mo. Wala naman tayong pinag-usapan kahapon." sabi ko at muling bumaba ng hagdan.

"But. I told you yesterday about us."

"About us?? Pwede Samraz. Ayoko ng binibiro. At yung kahapon, alam kong nang-aasar ka lang." sabi ko papunta sa kusina.

"I told you. I'm serious. Kelan ba ako nagbiro?" sabi nya at parang nagpantig ang tenga ko, at napailing. Muli akong humarap sa kanya.

"Wala ka na bang maalala? Eh diba nuon pa lang binibiro mo na ako, kaya nga hindi tayo magkasundo dahil wala kang ginawa kundi asarin ako?" sabi ko at muling tinalikuran sya ayokong harapin sya ng matagal. Kinakabahan ako sa kanya. Hindi mapalagay puso ko, nakakinis pala ang ganitong feelings.

"Oh! Ano yan? Ang aga-aga may L.Q agad kayo?" pabirong sabi ni Anton. Kasama nya sa Nanay Precy.

"Nag-aaway ba kayo? Rinig ang boses mo hanggang sa kwarto ng lolo't lola mo." sabi ni Nanay Precy.

Muli na naman akong kinabahan, dahil baka narinig nila lolo at lola ang mga sinasabi ko.

Pisteng yawa talaga!

"Ano pong gingawa nyo dun Nay?" tanong ko.

"Pinahanda lang nila sa akin ang susuotin nila bukas para sa birthday mo." sagot nya. Wala sa isip ko bukas na pala yun.

"Wala ka bang balak iparebond yang buhok mo ngayon? Para bukas hindi na yan sabog." tanong ni Anton.

"Ipapaayos? May time pa ba a---"

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now