Chapter 23

165 9 0
                                    

Marileigh Pov

Ilang araw ang nakalipas, gumanda na rin ang panahon. Maaga ako nagising, para maabutan kong gising pa si Samraz.

Nagpunta sa frontdesk. Naroon ang dalawang bakla na si Marcus at Jonas.

"Goodmoring." Nakangiting bati ko sa kanila.

"Good morning manager."

"Yung dracula nyo bang amo eh nakita nyo ba?" nakangiti kong tanong.

"Nagpunta po ng batanggas kaninang umaga." sagot ni Jonas.

"Huh!"

"Sinundo lang si Samira."

"Hindi man lang nya ako sinama!" Pagmamaktol ko.

"Sa susunod na araw na ang kasal ni Ma'am Samira." Sabi ni Marcus.

"Huh! Bakit hindi ko alam?"

"Hindi ba sinabi sayo?" tanong ni Jonas.

"Magugulat ba ako ng ganito kung alam ko?"

"Oo nga naman bakla. Walang alam si manager."

Ilang oras ang nakalipas kasa-kasama na ni Samraz si Samira pagkapasok ng hotel. Nagulat pa ng makita ko.

"Mari? Ikaw ba yan?" natawa ko sa reaksyon ni Samira. Gulat talaga sya.

"Yes of course. Ang nag-iisang pinakamaganda mong bff."

"Oo ang ganda mo lalo." papuri nya. Palakpak naman ang tenga ko.

"Salamat."

"Sigurado. Nagseselos na yung isa jan dahil pinagtitinginan ka ng mga lalaking nandito ngayon." natatawa nyang sabi kaya tumawa na rin ako dahil sumimangot ang mukha ni Samraz.

"Tch!" singhal ni Samraz at pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Well. Konti pa lang sila umalboroto na yung isa jan." Mataray na sabi ko at tinignan si Samraz.

"Sige na aakyat na muna ako. Ang bilis ko mapagod ngayon." sabi pa nya.

"Tara samahan na kita." prisinta ko.

"Okay lang. Umuusok na ilong nyan. Kwentuhan na lang tayo mamaya."

Tinignan ko si Samraz na may masamang tingin at halos magdikit na ang kilay nya kaya pinaghiwalay ko.

"Pwede ba. Wag mo ko titignan ng ganyan!"

"Gusto mo bang yakapin at halikan kita dito para malaman nila na sa akin ka lang." Seryosong sabi nya.

Kinikilig man ako pero hindi ko pa rin pinahalata sa kanya. Ni hindi ko pa nga nasasabi sa kanyang mahal ko na talaga sya.

"Ay grabe... Nakakakilig naman ang sinabi ng Sir." Kinikilig na sabi ni Marcus.

"Parang gusto ko tuloy makahanap ng tulad ni Sir." Sabi pa ni Jonas na kinikilig din.

"Pch! Seloso ka masyado. Ako nga hindi kaylan man naging selosa."

"Bakit hindi mo subukan magselos."

"Wala ako mapapala jan sa selos na yan. Hindi maganda yan." mataray kong tugon.

///

{The Wedding }

Ito na ang pinakhihintay ng lahat, ang araw ng kasal ni Samira at Reid. Sa tabing dagat nila naisipan ganapin ang kasal nila kaysa sa simbahan. Kaya naman napaka romantic.

Imbitado ang lahat. Ang mga kamag-anak nila na galing pa ng maynila. Ang pinsan nila na sila kuya Samvel at kuya Samwell, kambal din. Nasa lahi na nila, at si Sampriti at Garnet at si Amelia na kapatid ni Jonas.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now