Marileigh pov
Nasa kalagitnaan ako ng pagkanta ko ng matanaw ko si Samraz na hindi nakasuot ng maskara. Kinabahan ako na sa akin sya nakatingin. Ngunit hindi ko pinahalata hanggang sa matapos ko ang kanta ko ng maayos.
"Wow! Super nakakainlove naman." sabi pa ni Frada.
"Nahigugma ka na ba?" tanong nya sa akin kaya natawa ako. Ilang saglit lang nawala si Samraz sa paningin ko.
San nagpunta yun?
"Or basin, inlove ka karon." muling tanong nya kaya muli akong tumawa.
"Hindi naman, sakto lang."
Hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari sa birthday celebration ko na parang concert ko na ito.
"Para ba kanino yung kanta na yun? Pwede mo ba i-share?" tanong nito.
"Para sa Frenemy ko." agad kong sagot.
"Frenemy?"
"Oo. Friend ko kasi sya pero, mortal enemy kaming dalawa." sabi ko at muling tumawa.
Ilang saglit lang, tanaw ko ang isang lalaking nakamaskara na may hawak na isang boquet na sunflower. Kinabahan ako dahil sa tindig nya alam kong si Samraz yun.
"Oi teka. May paparating, mukhang dito papunta." sabi pa ni Frada, hindi nga sya nagkamali.
Rinig kong nagtilian ang mga babaeng bisita ko. Napatayo ako ng umakyat ito ng stage at lumapit sakin.
"For you babe. Happy birthday." sabi nito at humalik pa sa pisngi ko. Inabot nya ang bulaklak sakin na agad kong kinuha. Tinanggal nya ang maskara nya kaya nagtilian lalo ang mga kababaihan.
"Oh my gosh! Ang gwapo naman pala ng lalaking ito." sabi pa ni Frada. Para akong nanigas na parang bato, hindi ko maintindihan. "Hi Sir. Pwede po ba kayo magpakilala? Ano po kayo sa buhay ng birthday celebrant."
"I'm Samraz, her boyfriend and soon to be husband and she is my soon to be, my wife." sabi nya kaya muling nagtilian ang mga babae.
Hindi ko inisip na, sa harap ng mga classmate ko ay ganon din ang pakilala nya. Para akong matutunaw sa hiya. Hindi ko alam na mula kay Branden ay sasabihin din nya iyon ngayon sa maraming tao.
"Ang gwapo naman pala nitong boyfriend mo huh. Eh sino naman yung frenemy na binabanggit mo? Chika lang." muling tanong ni Frada.
"I am the only one her frenemy." si Samraz ang sumagot. Kinabahan ako, parang nag-eenjoy pa sya na magpakilala sa mga bisata, kaya kinuha ko ang microphone.
"Thank you guys for listening my song. Pwede na kayong kumain at mag enjoy. Lets party!" sigaw ko pa bago bumaba ng stage.
Sa sobrang kaba na naramdaman ko. Hindi ko na alam kung saang bulsa ko pa ba itatago ang kaba ko na nagsimula lang sa 50 ngayon ay umabot na yata sa dalawang daang kaba.
Pagbaba ko ng stage sinalubong ako ni Samira kasama ang dalawang lalaki, at sa palagay ko ay si Anton ang isa at si Reid naman ang isa.
"Happy birthday Mari." sabi ni Samira. Yumakap sya sa akin.
"Salamat."
"Tara maupo muna tayo." sabi ni Anton. "Bilib ako dito sa bestfriend ko. May lakas pala ng loob magsalita ng ganon sa dami ng bisita mo." natatawa na sabi ni Anton.
"Pwede bang magpalit ng damit mo?" biglang sabi nya na nakakunot ang mukha.
"Pre. Party ito. Saka maganda naman ang suot nya."
"Tch! Eh itsura nyan nang-aakit." inis na sabi nya.
"Nakakaakit ba ang itsura ko? Eh parang wala nga naakit sakin ngayong gabi." pabirong sabi ko.
YOU ARE READING
Accidentally In Love with my Frenemy
Storie d'amoreMarileigh Gonzales, the only child and only grand daugther of the Chairman Gonzales. One of the richest family in her country in Cebu. But, her parents were always busy with their business. So she was still young age when she decided to live in Mind...