Chapter 16

155 11 0
                                    

Marileigh pov

Maghapon kong hindi nakita si Samraz. Simula ng matapos kaming magtanghalian ay nagpaalam syang may gagawin daw.

Gabi na at tapos na rin kaming maghapunan. Nakapag shower na rin ako. Hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang sinabi ni Samira na may sumunod sa kanya na isa sa mga tauhan ni Chairman Chavez. Ganon ka impluwensya ang lolo nya.

Habang nakaupo ako sa balkonahe, biglang may kumaluskos sa isang puno na naroon malapit sa gate.

"Sino yan!" sigaw ko ngunit kinakabahan. Kaya agad akong pumasok sa loob at ni lock ko ang pinto ng balkonahe papunta sa kwarto ko. Sobra kasi akong kinabahan.

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina. Gising pa ang mga kasambahay namin, na malayang nanunuod ng T.V sa sala.

"Oh anong nangyari sayo bakit namumutla ka?" tanong ni Nanay Precy.

"Wala po, kinabahan po kasi ako sobra. May kumaluskos po kasi duon sa may puno."

"Baka naman si Muning lang iyon." sabi ni Ate Gina. Si muning ang alaga nyang pusa.

"Siguro po." sabi ko pa at huminga ng malalim.

Maya-maya lang, tumunog ang cellphone ko. Si Samraz ang nagtext.

Mission accomplish. - Samraz.

Hindi ko maintindihan ang text nya na yun. Kaya bumalik ako ng kwarto ko at duon ko sya tinawagan.

"Hello babe." bungad nya ng sagutin nya ang tawag ko.

"Anong mission accomplish?" tanong ko pa.

"Nagawa ko na ang plano ni Samira kaya wala ka ng poproblemahin pa. Pagpunta sa batangas."

"Ha? Hindi kita magets."

"Hayst! Lumabas ka jan. Nandito ako sa labas." utos nya.

"A-anong ginagawa mo jan?" tanong ko.

"Basta lumabas ka." sabi pa nya at agad nyang pinatay.

Kung kaylan gabi na at kinakabahan ako, saka naman nya ako uutusang lumabas ng bahay.

Nakakainis naman! Pwede naman syang pumasok dito sa bahay, bakit makikipagkita pa sya sakin sa labas.

Muli akong lumabas ng kwarto. At sa kusina ako dumaan palabas. Hindi ako sa harapan dumaan dahil kinakabahan pa rin ako. Feeling ko kasi may nakamasid sa harapan. Masyado akong paranoid.

Nakita ko sa may nakatayong lalaki sa harap ng pinto. Naanigan lang ng ilaw sa labas ng main door. Tindig pa lang nya alam ko na sya iyon.

"Ang tagal mo naman!" inis nyang sabi ng makita ako palapit sa kanya. Pero hindi naman ako matagal. Mainipin lang talaga sya.

"Bakit ba ano bang problema mo?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.

"I miss you." sabi nya at bigla nya akong niyakap. Parang kanina lang kami hindi nagkita ngayon sasabihin nya na miss nya ako.

Nababaliw na ba ito? Tanong ko sa isip ko. Kaya pumiglas ako para bitawan nya ako.

"T-teka! Nalipasan ka ba ng gutom at bigla-bigla kang nagsasabi ng ganyan?" tanong ko.

"How many times to tell you, that I'm serious?" tanong pa nya. Kaya muli akong kinabahan, ngunit ang kaba nito ay tila sinusubukan ang puso ko na kiligin.

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Gabi na lang, yan pa rin nasa isip mo?" tanong ko sa kanya. Habang magkaharap kami.

"Dahil hindi mo sineseryoso ang sinasabi ko sayo. Totoo Marileigh. Mahal kita." sabi pa nya at grabe ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko na maintindihan. Nakatulala lang ako sa kanya. "After your birthday tomorrow, I need to go back in mindoro, and the mission of Samira and Reid is clear." pabulong na sabi nya na tila may nakakarinig sa amin.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now