Chapter 3

219 11 0
                                    

Marileigh pov

Makalipas ang maraming taon. Marami na rin ang nangyari habang nandito pa rin kami sa hotel nagtatrabaho. Pero ako, nanatili sa posisyon ko bilang hotel manager, mas okay na ako sa ganitong trabaho kahit gusto ni Tito umangat pa ako ng posisyon. Well, ganon pa rin ang parents ko, always busy, parang feeling ko nakalimutan na ako. Pero ganon na talaga kapag sanay na.

Palagi nilang sinasabi sakin na para sa akin ang ginagawa nila. Pero kung tutuusin, hindi ko yun kailangan mas kailangan ko sila kaysa sa kayaman na sinasabi nila na ako ang mag mamana kapag nawala sila.

26 years old na ako, tumatanda na lang yata akong single. Haha. Pero si Samira, may boyfriend na, naging boyfriend nya ang tourist guide ng hotel, kaya lang, nagkahiwalay din sila. Sa sobrang pagka broken. Umalis sa mindoro para makalimot

Then si Samir naman. Ayon. Kambal nga talaga sila. Broken hearted, dahil namatay naman ang girlfriend nya. Ilang taon ng sawi. Hindi na nag girlfriend kahit maraming babae ang humahanga sa kanya. Well, isa na ako dun. Paghanga lang naman dahil bukod sa gwapo at mabait, ay masarap pang magluto. Perfect husband material kapag nasa loob ng kusina. Ganon sya nakakakilig pero hanggang friend lang talaga kami.

At si Samraz naman. Hay naku. Ganon pa rin. Habang tumatagal kaming nasa iisang lugar ay katulad pa rin ng dati. Puro na lang pang-aasar sakin. Parang hindi buo ang araw kapag hindi ako naasar. Tumatanda na lang, isip bata pa rin. Feeling ko may gusto sakin eh. Feeling pa lang naman.

Sa dami kasi ng babaeng pumapansin sa kanya, ang katulad na lang ni Blaire, hindi man lang nya pinansin. Kahit nagpaganda na ito at nagpa tuwid ng buhok wa epek sa kanya. Kaya isa din sa feeling ko na baka baklang dracula sya.

May ilan-ilan din na nanligaw sakin pero, sumusuko kaagad, hindi ko alam kung bakit? Isang araw lang bukas wala na, hindi na natuloy.

"Hay.. Kamusta na kaya si Sam. Na mimiss ko na sya." sabi ko habang nakaupo sa frontdesk at no choice, si Samraz na lang ang laging kausap ko.

"Bakit hindi mo kaya tawagan para alam mo?"

"Ilang beses ko na syang tinawagan pero hindi nya sinasagot ang tawag ko. Balak ko na nga sya sundan kung saan man sya naroroon ngayon."

"Tara samahan kita." yaya nya kaya nagulat ako at naiba yata ang ihip ng hangin at bigla syang nagyaya.

"Wow! Himala yata, na nag offer ka ng sarili mo na samahan ako."

"Oo bakit? Kapatid ko naman ang pupuntahan natin."

"Pch! Ang tanong naging kuya ka ba sa kanya?"

"Of course. Eh ikaw ba naging bestfriend ka ba nya?"

"Malamang. Ikaw lang ang hindi ko bestfriend kaya wala kang alam."

"Yes. Kasi ayaw talaga kitang maging bestfriend."

"Hay naku Samraz. Umalis-alis ka nga sa harapan ko at nabwi-bwisit ako sayo. Ipapamukha mo na naman sakin na magkaayaw tayo." sabi ko, pero may kung anong lungkot sa puso ko.

Gusto ko naman syang maging kaibigan tulad ng kambal pero para syang mabangis na hayop na ang mahirap amohin.

"Yun naman ang gusto mo diba? My Frenemy?" nakangising sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now