Marileigh pov
Dalawang linggo na ako ako dito sa Cebu. Hindi pa rin nakakauwi sila mommy at daddy, pati na rin sina lolo at lola galing sa business trip nila.
Real estates kasi ang family business namin. At bukod duon, si mommy naman ay nag o-organize ng isang fashion show sa iba't-ibang bansa.
Fashion designer kasi si mom. At si dad, businessman. Ewan ko ba at paano sila nagkakilala. Hindi ko alam ang love story nilang dalawa. Pero nasisiguro ko maganda ang naging umpisa nila.
Alam na nila na nakauwi na ako ng cebu. Pero mukhang hindi naman sila excited na makita ako, para maisipan naman nila umuwi kahit saglit lang, nang maramdaman ko naman na may pamilya pa ako.
"Sorry honey.. Promise sa birthday mo. Uuwi kami ng daddy mo. Sobrang fully schedule lang talaga dahil may launching kami next week." paliwanag ni mom habang kausap ko sya sa cellphone.
Well, sanay naman na ako na lagi silang wala.
"Okay lang po mom. Naiintindihan ko naman po."
"Sorry talaga. Para sayo naman itong ginagawa namin para maging maganda ang future mo kung sakaling---"
"Mom.. It's okay. Wag nyo na pong sabihin ang mga bagay na alam nyong hindi pa ako handa sa sitwasyon na lagi nyong sinasabi sakin. But.. Thanks pa rin po."
"Okay honey.. I love you.. And I miss you.."
"I love you too mom. Miss ko na din po kayo." malungkot kong pinutol ang usapan namin ni mommy.
Oo nga at sanay naman akong lagi silang wala. Lumaki ako na wala sila sa tabi ko at laging inuuna nila ang business nila. Pero sa loob looban ng puso ko. Hindi ko talaga maiwasan na hindi malungkot.
Malapit ko ng isipin na hindi nila ako anak. Iisipin ko na nga na mas anak na nila ang business nila kaysa sakin.
KINABUKASAN.. Maaga ako lumabas ng bahay para mag jogging. Namiss ko na rin itong gawin.
Habang nag jo-jogging napadaan ako sa bahay nila Samira, ang bahay nila nuon.
Hay naku. Nakakamiss naman ang dati. Nung mga bata pa kami.
Napahinto ako, napansin kong may tao sa loob. Mga katiwala nila. Yun na lang kasi ang nagbabantay ng bahay nila. Maaga pa lang may nagwawalis na sa bakuran nila.
Inilagay ko ang earphone ko sa tenga para makinig ng music habang pinagpapatuloy ang pag jogging.
Nakarating ako sa park. May mga nag jo-jogging din na katulad ko. Nagpahinga muna ako sa bench at uminom ng tubig.
"Hi.." bati sa akin ng isang lalaki ng makalapit ito sakin. Isa rin sa mga nag jo-jogging. "Karon lang ko nakakita nimo diri." Sabi nya.
"Karon lang kay nag jogging ko." Sagot ko.
"Ah ganon ba. Kaya pala ngayon lang kita nakita. Madalas kasi ako dito."
"Ibig sabihin taga rito ka lang din."
"Oo, malapit lang ang balay ko diri."
"Ako din. Malapit lang ako dito."
"Ah. Nga pala. Ako si Brad pitt." Pakilala nya. Parang gusto ko matawa.
Brad pitt ang pangalan nya hindi naman sya kasing gwapo ni Brad pitt.
"Ako si Mari." Pakilala ko naman. "Pero bakit Brad pitt ang pangalan mo? Yan ba ang tunay mong name?" Natatawang sabi ko pa.
"Yan kasi ang pinangalan ng nanay ko sakin, sobrang idol nya nuon si Brad pitt." Kwento nya.
Well. Hindi naman talaga sya kasing gwapo ni Brad pitt. Maputi lang sya. Medyo matangkad, may magandang katawan, singkit ang mata, medyo makapal ang kilay, matangos ang ilong, manipis ang labi at medyo may kahabaan ang mukha. Ang buhok nya ay medyo mahaba at naka headband pa ito na manipis lang na yari sa alloy.
YOU ARE READING
Accidentally In Love with my Frenemy
Roman d'amourMarileigh Gonzales, the only child and only grand daugther of the Chairman Gonzales. One of the richest family in her country in Cebu. But, her parents were always busy with their business. So she was still young age when she decided to live in Mind...