IKATLONG araw ko na dito sa hospital. Nabuburyo na ako sa tatlong araw na pananatili, pero kahit ganon naman ay lumalabas ako papuntang harden ng hospital. Hindi pa kasi pweding umuwi sabi nang doktora ko. Pero baka daw sa susunod na araw ay pwedi na.
Sa mga nakalipas na araw, hindi nawala sa isipan ko ang pagbisita ni Cliff nung gabing 'yon. Napapatanong ako sa sarili ko kung bakit alam niya na nandito ako, duda akong si kim talaga ang nagsabi. Pero kahit gano'n hindi ko magawang magalit kay kim. Siguro dahil may parte sa puso ko na gusto ring nandito si Cliff. Gustong nandito siya kasama anak namin. Gustong makita na kalong niya ang anak namin.
Hindi ko i-dedeny na mahal ko parin siya sa kabila ng mga ginawa niya sa'kin. Hindi kasi talaga kaya ng puso ko na balewalain lang siya ng ganon ganon lang. Sobrang hirap.
Madilim na ang kalangitan pero hindi pa ako natutulog. Hindi pa kasi umuuwi si kim, kanina pa ako naghihintay sa kanya. Kaninang umaga lang ay nag paalam' yon sa'kin na may pupuntahan lang daw siya at hindi daw siya sure kung anong oras siya makakauwi. Kahit na alam kung nagpaalan siya ay hindi parin ako mapakali, baka kasi kung ano na ang nangyari sa kanya.
Kahit naman may ka sungitan yung babaeng 'yon ay nababahala parin ako sa kanya. Hindi pweding may mangyaring masama sa kanya kasi siya lang ang meron ako sa ngayon. Siya ang tumulong sa'kin sa panahong walang wala at durog na durog ang puso ko. Nag alaga sakin sa pagbubuntis ko, at nakaya ang kaartehan at kasungitan ko sa pagbubuntis.
Mahina kung hinihili si baby ng umiyak ito. Nandito ako sa may bintana, nakatayo at nakatingin sa magandang ilaw sa syudad .
"Anak huwag na umiyak oh, anong oras na baby..." pampatahan ko sa anak ko.
Tinignan ko ang oras. Pasado alas onse na ng gabi at hindi parin umuuwi si kim. Asan na kasi yung babaeng 'yon.
Pinadede ko si baby para tumahan pero patuloy parin siya sa pag iyak.
"Why crying anak? May masakit ba sayo?" tanong ko sa anak ko kahit na alam kung hindi niya maiintindihan 'yon.
Agad naman akong napaharap sa may pintuan ng biglang bumukas ito. Hindi ko alam pero nag expect ako na siya ang makikita ko pero sana hindi ko nalang ginawa dahil alam kung masasaktan lang ako.
Nakita ko si kim na parang anytime magcocollapse na. Pagod na pagod ang mga mata nito at parang pa ika-ika pa.
"Saan ka galing?" tanong ko kay kim.
Lumakad ako papuntang hospital bed para ilagay si babe sa higaan. Medyo tumahan na siya dahil sa kakahili ko.
"Photoshoot." tipid na sagot niya.
"Bakit parang hindi lang photoshoot ang pinuntahan mo?" tanong ko.
"Of course, I need to do some sexual activity to gain some energy. My work is so tiring." she rolled her eyes before picking the apple in the bed side table.
"Ay wow, hindi ko alam na nakakapag energies na pala ang sex." nakakapagod rin kayang mag sex no.
"Ano ba 'yan! Your body is too weak," sabi nito at pinaikot ang mga mata. "By the way, why are you still up? Matulog kana diyan. Anong oras na oh."
"Eh kasi madam kim ang tagal mong umuwi. Bruha ka kanina pa ako naghihintay sayo!" pinandilatan ko siya ng mata.
Hindi na rin naman siya kumibo at pinandilatan lang rin ako ng mata. Pumasok nalang ito sa banyo para maghilamos at mag toothbrush.
Ang sabi niya tapos na daw siyang kumain. Nakikain kasi siya sa ex niyang chef. Yung sikat na chef.
Hindi ko na talaga alam kung ano nang status niya diyan sa ex niyang chef. Nitong mga nakaraan palagi silang nagkikita. Kaya siguro palagi siyang may dalang masarap na pagkain taga uwi niya.
BINABASA MO ANG
THE SLUT MODEL [COMPLETED]
RomantikWARNING: RATED SPG | R-18 | MATURE CONTENT HIGHEST PEAK: #9 GENERAL FICTION The Billionaire Ladies #1 : The Slut Model Kirlstine Suzzett Necossia. A big name in the industry. Is one of the famous model in the Philippines, not just in the Philippin...