"Ikaw ba ang nagbigay nang number ko sa lalaking 'yon?"
Nakataas ang kilay at nakakrus ang aking mga braso habang kaharap si Alex na prenteng naka upo lang dito sa opisina ni Ali. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niyang tumambay dito. Libre kasi WiFi.
Pagkatapos nang tawag ni Mr. Encarnacion sa akin kanina ay kaagad akong bumyahe pabalik dito sa agency ko. May hinala ako na si Alex o kaya si Ali ang nagbigay nang number ko sa lalaking yon'.
Minsan tinatawag ko siya sa pangalan niya, lalo na kapag trip ko. And sometimes I called him Mr Encarnacion, kapag gumagana ang kabaitan at respeto ko. Even my attitude is moody. Sometimes my attitude is having a mood swing.
"H-huh?...Ano kasi, sabi niya kakausapin ka niya, hindi ko sana ibibigay kaso sa personal kinuha number mo tas ang gwapo niya sa malapitan. Kaya ayon marupok ako naibigay ko number mo." nagka kamot ulo na sabi niya.
So siya ang nagbigay.
"Sorry. Huwag kana magalit alam ko naman na nagustuhan mo ang pag tawag niya. Aminin!" tinaas baba pa niya ang kilay sa akin at ngumiti nang nakakaloko.
I just rolled my eyes to him. Duh! anong akala niya sa akin? May gusto sa lalaking yon? Never, in my over so gorgeous, sexy and hot body.
Napabuntong hininga nalang ako at sumalampak nang upo sa couch dito sa opisina ni Ali.
Putanginang lalaking yon, palagi nalang love tawag sa akin. Ang pangit nang trip sa buhay.
Kasalanan nang lalaking 'yon kung ba't ako nasangkot na naman sa gulo. Nag insist ba naman na ihatid ako at ako namang si bobo nagpahatid, at tsaka hinalikan pa ako at ako namang si bobo uli nagpahalik kaya' yan ending nakita kami.
Narinig namin ang pag bukas nang pinto kaya napatitig kami sa pintuan.
"Anong ginagawa niyong dalawa dito?" Ali said while give us a confused look.
She's in her work outfit. Naka suot siya nang kulay itim na blazer na may itim na sleeveless sa ilalim at sa iba a ay isang itim na trouser. Naka flat shoes lang siya. She's not into high heels kasi.
Ganyan talaga si Ali. Kahit na heels ang bagay sa outfit niya ay yung mga flat shoes pa din ang susuotin niya. Kasi ang sabi niya na ang sakit daw sa paa kapag heels kaya yung flat shoes nalang daw ang ipair kasi yun ay nakasanayan niya. Kaya ang pangit niya manamit eh. Walang ka taste taste.
"Tambay." simpleng sagot lang ni Alex habang ang paa ay nakapatong sa maliit na mesa, ni hindi man lang niya tinapunan nang tingin si Ali at naka tutok lang sa telepono nito. Akala niya ata bahay niya to.
"Alam mo nakaka bwesit tong mga komento nang mga tao tungkol sa issue niyo. Nako sarap nila patayin lahat." napabaling ako sa isa nang bigla nalang pagalit na nagsalita. Sinapak pa niya ang upuan dahil sa galit.
Nadamay pa tuloy ang upuan. Natatawa nalang si Ali sa pagmumura ni Alex.
Mas naapektuhan pa ata siya kaysa sa akin. Dapat hindi na siya nagbabasa nang mga ganyan. Ako nga binabalewala nalang para hindi na dumagdag sa stress ko.
Napapansin ko na may favoritism ang baklang to. Kapag sa iba ako na issue sobrang galit niya sa akin pero kapag kay Cliff parang masaya pa siya sa balita. Sinuhulan ata to ni Cliff.
Nakikinig lang ako habang talak ng talak si bakla. Pero nawala din ang atensyon ko sa kaibigan nang maramdaman ang pag tunog nang telepono.
Kinuha ko at tinignan kung sino ang nag text. Napakunot ang mukha ko nang makita na unknown number ito. Isa na naman siguro itong stalker kaya hindi na ako nag abala na basahin ang text na nanggagaling sa estranghero. Pero talagang makulit ito, nag text ito uli at this time binasa ko na.
BINABASA MO ANG
THE SLUT MODEL [COMPLETED]
RomanceWARNING: RATED SPG | R-18 | MATURE CONTENT HIGHEST PEAK: #9 GENERAL FICTION The Billionaire Ladies #1 : The Slut Model Kirlstine Suzzett Necossia. A big name in the industry. Is one of the famous model in the Philippines, not just in the Philippin...