It's already 8:31 in the evening at kasalukuyan kaming nasa malapit na seven eleven. Si Rhyz ang nagdrive since na black out ko si Dustin. Gosh, I feel bad for him.
Mabuti nalang at hindi nagtagal ang bardagulan namin kanina sa apat na panget na 'yon. May narinig kasi kaming kakaibang ingay kaninang nag aaway kami do'n at biglang nagsitaasan ang mga balahibo namin sa batok kaya tumigil at nagsitakbuhan kaming lahat. Muntik pa ngang mangyari ulit ang mga pangyayari na naganap noon sa gubat ehh. Muntik din sana kaming magkahiwahiwalay. Sa ibang direksiyon pumunta ang mga kaaway namin at pumunta rin kami sa alam na naming shortcut paalis do'n.
Nakakatawa ang mga pangyayari kanina, sa totoo lang.
"Ouch! Babe dahan dahanin mo naman"
kanina, alalang alala ako sakanya pero biglang nawala dahil tinawag niya nanaman akong babe. Nakakahiya sa mga nakakarinig sa paligid, tapos baka malay mo mamaya may makakilala sa'min dito at ipagkalat na kaming dalawa ni Dustin ay nag de date. Naku jusko, ewan ko nalang.
"Babe sabing dahan dahanin mo, masakit ehh" Tugon niya ulit ng idampi ko sa pisngi niya ang bulak na may alcohol. Kasalanan niya rin naman, bakit kasi siya nasa likod ko nang mga oras na 'yon.
"Isang Babe nalang talaga" I said.
I cupped his chin to lift his face a bit
para magkapantay ang mukha namin, para mabilis ko ng magamot 'tong mukha ng pandakot na'to. Napansin kong pinagmamasdan niya ang mukha ko pero hindi ko nalang siya pinansin."Napakaganda pala talaga ng mukha mo b-- aray!"
Diniinan ko ang pagdampi ng bulak sa pisngi niya. Alam kong babe nanaman ang sasabihin niya kaya inunahan ko na siya. I'm so sick of him.
Sina Maissie Eljie at Rhyz, andun sa kabilang table medjo malayo sa pwesto namin ni Dustin. May pinag uusapan nanamang napaka seryoso.
Si Frisha naman, andun may Lbm 'yan kasi, angtakaw takaw. Sinamahan siya ni ate Pina. Kaya walang tumutukso sa'min ngayon. Kaylangan ko naman 'tong gawin kasi ako naman ang nakasiko sa kanya. Nagi guilty parin kasi ako sa nagawa ko sa kanya.
"Ayan, tapos na" i told him.
"Masakit 'yon ha" He said.
I sit down. "Dapat lang sa'yo 'yon noh. Pangganti ko lang sa ginawa mo sa'kin sa school"
He let out a small chuckle and shrugged his soulders.
-----
"Nak, yung mga kaibigan mo nasa baba" masiglang sigaw ni mama mula sa labas ng kuwarto ko.
Inaantok pa'ko, pagtingin ko sa wallclock it still 7:15 in Saturday morning, ang aga aga naman nilang mambulabog. Ano ba nanamang susunod na gagawin o gimik namin?
"Oy Adidas!" siya nanaman.
Bumaba akong humihikab habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Nakapag hilamos na'ko ha. Tumabi ako sa gitna nila Ezra at Frisha sa couch. May nakahain ding champorado sa harapan namin, malamang pinagmeryenda nanaman ni mama ang mga 'to.
"Ano kumusta 'yang mukha mo Dustpan, okay na ba?" tanong ko sa kanya. Dalawang linggo na rin ang nakaka lipas nung nasiko ko siya.
"Okay na Adidas!" nag thumbs up pa siya sa'kin tsaka pinagpatuloy 'yung pagkain niya sa chocolate champorado niya. Hindi niya talaga matanggal tanggal 'yung kaingayan ng bunganga niya kapag ngumunguya.
"Grabe, nagkakamabutihan na talaga kayo Adi, simula nung nasiko mo siya" panunukso nanaman ni Frisha.
"Oo nga, madalas naming napapansin hindi mo na pinagtritripan at ginagalit si Adi" siniko ni ate Pina si Dustin na nasa tabi lang niya. Panay tukso nanamn tuloy ang inabot naming dalawa.
YOU ARE READING
3lukangdzaii in a Case
Mystery / ThrillerMy second published story, since i didn't finish my first story. It's all about the bestfriend things, betrials, laughters, etc.