Chapter 2 : The Pranksters

9 0 0
                                    

"Oyy Adidas!" Naririnig ko palang ang boses ng lalakeng 'yon, nandidilim na ang paningin ko. Ayun siya't nakikipag kwentuhan nanaman kay kuya Andy, ang school guard namin. Kuya Andy is known as the best friend of students in our school. Lahat ng students dito, kilala siya at nirerespeto. Trinatrato niya na rin kami bilang anak.

Pinuwesto ko ang bisikleta ko sa side ng gate as usual at hinabilin sa kanya. "Kuya, ikaw na bahala ha?"

"Oo nak, pasok na kayo malapit ng magsimula ang klase niyo. Ito pinapapasok ko kanina pa pero dinadaldal ako't sabi niya, hihintayin ka daw niya" turo niya kay Dustin.

Ang ungas na 'to, ba't naman ako hihintayin? May ibang pa andar nanaman ata.

"Boyfriend mo na?" Aniya.

"Oy kuya hindi ahh!" agad akong tumanggi, ayan kasi ba't may pahintay hintay pang nalalaman napagkamalan tuloy kaming magjowa

"Grabe makadeny! Hmm Adidas, babe nakaka halata na'ko ah. Baka naman nagugustuhan mo na'ko" Ani Dustin sabay akbay sa'kin.

Agad ko namang winaksi ang kamay niya mula sa balikat ko. Gosh! This man never failed to pissed me off.

"I hate you, forever" and with that, I walked at the coridor leaving him behind.

Teka, ba't lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong ko nakatingin sa likuran ko? Is there something with it? Siguro sinundan na'ko ni Dustin at nasa likuran ko siya. Tapos baka nantritrip lang, yung mga funny poses na nilalagay sa likod ganon?

"Dustin, stop making fun of me" I looked back but instead of Dustin, a girl in a lower grade questioned me. "Ate may tinda po kayong sapatos?" aniya. Huh? Napaka random naman ng tanong niya.

"H-hindi, bakit?"

"Ate nakasulat sa likod niyo eh, Adidas shoe for sale"

I reached the paper at my back, shocks! Oo nga! Ansama talaga ng pandakot na 'yon! Humanda siya mamaya!

"Sorry h-huh pero may nantrip lang sa'kin at nilagay ito sa likuran ko" I explained, she then noded.

Nilukot ko yung papel tsaka naglakad ng diretso sa room namin. Siyempre unang hinanap ng mga mata ko yung pandakot na 'yon. Nakakainis! Kaya pala inakbayan niya'ko kanina para mailagay 'to sa likod ko. How didn't I notice that?

There I found him together with the gang.

"Dustiiiiiinn!!!" sumigaw ako ng pagka lakas lakas. Hindi ko pa nailalagay ang backpack sa upuan ko nang nagsimula siyang tumakbo kaya binaba ko nalang sa sahig ang bag ko. Bahala na, anjan naman sina Frisha.

"Pasensiya na Adi, binasa niyo kasi ako ehh. Gumaganti lang!!" He said while running for his life.

"Ehh ba't ako lang ginagantihan mo?kasama ko rin naman si Frisha ahh" reklamo ko.

Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng ilang mga students sa paligid namin. Hindi ko matatanggap yung ginawa niya sa'kin lalo na't marami rami rin ang mga estudyante na naka kita non sa likod ko.

"Ginantihan ko na siya, and she forgave me already!" sigaw niya pabalik. What? Sa pagkaka alam ko hindi ganoong tao si Frisha, maliban nalang.....

Maliban nalang kung.....

Damn it! He treated Frisha!

Alam kong pagkain ang kahinaan ni Frisha. This man really knew how to control all of us. Alam na niya kung saan ang kiliti ng bestfriend ko.

Nakita ko nga si Frisha na may hawak hawak na dalawang malalaking chips, isang toblerone at isang buko juice. Nakatingin sakin at nakangisi pa na parang nanunukso. I suddenly remembered what she said to me later that day. Pagod na'ko kakahabol sa kanya kaya tinigilan ko na lang ito. May araw ka rin sakin.

3lukangdzaii in a CaseWhere stories live. Discover now