"Kasalanan mo kasi 'to Rhyz ehh" pagrereklamo ni Anika habang nagwawalis sa school corridor. Aba, kahit pala crush ng babaeng 'to si Rhyz eh naninisi pa rin. Well, kasalanan din naman niya, napakabilis niyang mauto. Ayan tuloy, nadamay.
"Eljiee!" sigaw ni Maissie nang makita niya si Eljie kasama si Ezra. Papauwi na sila pero kami, maglilinis pa sa buong corridor. Magwawalis at magpupulot ng basura. Magdidilig pa ng halaman. Magrereklamo pa sana ako pero okay na rin 'to kesa tuluyang matanggal kami sa school. Ayaw naming malaman pa 'to ng mga magulang namin kaya nakiusap kami.
"Oh, hi!" Eljie said.
Meet Eljie, siya yung last na sumali sa grupo actually sabay pala sila ni Maissie. Silang dalawa lang dati ang magkasama pero inanyayahan sila ni ate Pina na sumali sa'min kaya duon na nagsimula at nabuo ang Otso de Bobo. Silang dalawa lang ang madalas magkasundo sa grupo. Palagi silang may pinag uusapang kung anong napaka seryoso, silang tatlo nila Rhyz. Minsan ko na 'yon naitanong sa kanila pero hindi nila sinasabi. Nag aalala lang naman ako kung may problema silang dalawa, I mean, pwede naman nilang i share 'yon sa grupo. We're all friends now. I thougth that were friends are for rigth? But I understand them, may iba rin naman kasi talagang mga bagay na hindi na pwede pang i overshare.
"Ezra!" sigaw ko rin kay Ezra nang papalapit sila rito. Agad ko siyang niyakap.
Meet Ezra, kaming apat nina Frisha at ate Pina lang noon ang magkakakilala at magkakasama since Grade 5 hanggang ngayong Grade 9 na kami. Kami na yung maraming pinagsamahan. Si Rhyz naman, siya ang heartrob noon dito sa school, tinitilian ng mga babae pero wala siyang paki alam. Siya lang ang kilala kong heartrob na hindi nananakit ng feelings ng ibang babae, like, wala talaga siyang pake as in. Mga simpleng babae lang ang mga tinutulungan niya for example. Babae ka at wala kang ring pake sa kanya tapos one day nakabunggo mo siya at nahulog ang mga libro mo. Asahan mong tutulungan at tutulungan ka niya. Mas interesado siya sa mga babaeng wala ring pake sakanya. Ewan ko pero parang angwierd kasi. Siya lang yung kilala kong heartrob na mabait. Well, para sa'kin yun ha. Simula no'n, kami na ang biggest and popular group sa school. May tumitiling mga babae kapag naglalakad kami sa corridor dahil 'yon kay Rhyz. Si Ezra ang pinaka maganda sa grupo, more on popular girl na rin, silang dalawa ni Rhyz. Minsan na namin silang pinagtulakan sa isa't isa pero parehas silang tumanggi. Ayaw daw ni Rhyz ng masiyadong mahinhin at maputi. Si Ezra naman ayaw niya rin si Rhyz kasi masiyado siyang matangkad para rito tsaka mag aaral pa raw siya ng mabuti para balang araw matagpuan niya na rin yung totoo niyang magulang. Yes, she's adopted and her life is kindah misserable. Yung lola niya nalang ang bumubuhay at ang tangi niyang parents. Siya, siya yung pinaka binubunso namin kasi nga ganun yung estado ng buhay niya at para malaman niyo, hindi sila mayaman. Palagi siyang malungkot ever since napag alaman niyang ampon lang siya, mas lalo lang lumungkot ang buhay niya kasi wala na kami palagi sa tabi niya. Malas kasi hindi sa iisang section napunta ang buong Otso de Bobo. May dalawang nai hiwalay sa grupo. Sila Eljie at Ezra.
Si ate Pina, siya ang pinaka leader sa grupo. Her personality is kindah bossy, tomboy siya kung manamit, palaging black ang suot at rock 'n roll ang favorite songs. Parang hindi babae kung umupo. Si Frisha, kapitbahay lang namin kaya nga madalas kaming nagsasama at nag i sleep over sa bahay ehh, minsan nga nagcacamping pa kami noon sa likod ng bahay namin, kasama pa namin si papa. She's known as the quirkiest girl in the group. Mahilig magpabebe, cute atsaka funny. Payat din pala siya, sana nga tumaba na.
Uhmm... Well, si Dustin napulot lang namin 'yan sa basurahan. 'de jokelang.
Siyempre alam naming hindi kami sisikat noon kapag walang evil spoiled brat na bully sa grupo. He literally bullied everyone! There's this one day sa school na nasa rooftop kaming lahat. May dala siyang punong bote ng c2 pero huli na nang malaman naming ihi pala 'yon. Binuhos niya 'yon sa baba! at may estudyanteng natapunan n'on. Kadiri siya! Muntik pa kaming mahuli. Buti nalang talaga mabilis kaming nakababa ng building.
YOU ARE READING
3lukangdzaii in a Case
Misterio / SuspensoMy second published story, since i didn't finish my first story. It's all about the bestfriend things, betrials, laughters, etc.