"Good morning Adidas!" napabalikwas ako nang minulat ko ang mga mata ko at si Dustin ang unang unang nakita ko. Wala na, sira nanaman ang araw ko.
"Ano ba Pandakot, ganyan ka ba talaga pag nanggigising?" Inis na sabi ko habang tinatanggal ang mga muta ko sa mata.
"Oo!" masiglang sambit niya.
"Nakakasira ng araw"
"Grabe ka naman ba-" sinampal ko siya ng mahina lang, wala pa'kong lakas ehh.
"Ganyan ka ba maggreet ng go-"
"Asan sina Frisha?" I cut him off. Si Ezra lang ang narito sa tabi ko at mahimbing pa ang pagtulog niya.
"Nasa loob ng bahay niyo, kumakain na" naku si Frisha talaga, madaldal na nga mahilig pa sa pagkain. Kelan ba titigil ang bunganga niya.
"Ikaw ba't 'di ka makisabay sa kanila?"
"ayaw mo'kong makasabay?" tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at tiningnan ko na lamang si Ezra sa tabi ko na mahimbing na natutulog. Para siyang Dyosa, napaka ganda pa rin niya kahit siya'y natutulog. Lumabas si Dustin, siguro pumunta muna sa tent nila.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagising din siya.
"Good morning" mahinhin na bati ko. She smiled, napakagaan ng ngiting iyon.
"Morning" she said.
-----
Nasa kusina kaming tatlo nila Ezra at kumakain ng umagahan samantalang nasa likod bahay na ulit ang mga kasama namin.
"So Ezra, I'm curious about your family. Palagi ka nalang hindi nakakasama sa mga get togethers ng Otso de Bobo. Ano ba talaga ang problema mo? Or ng parents mo?" Pagsisimula ng usapan ni Dustin habang kumakain kami. I looked at her with my worried eyes. Nahuli niya ang mga mata kong iyon. She smiled to both of us.
"Kahit kaylan, hindi ko nakita o nakilala man lang ang mga totoong magulang ko" Aniya.
"Sabi ni Nanny, ampon lang daw ako at inabandona na ako ng mga totoong magulang ko. Kahit sabihin sa'kin 'yon ni Nanny, hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa kanila dahil alam kong kahit na anong gawin ko, kahit balikbaliktarin man ang mundo,mga magulang ko parin sila. Ang gusto ko lang naman malaman ay kung bakit, basta gano'n gano'n nalang na ipapa-ampon ako. Gusto ko silang makilala, at makita. Gusto kong bumalik sa kanila" Sabi ulit niya.
"I'm sorry Ezra, i shouldn't asked you that." Wika ni Dustin.
"No, it's okay"
"Tutulungan kitang mahanap ang totoong magulang mo, k-kami ni Adi, tutulong tayo 'di ba?" dumako ang tingin sa'kin ni Dustin, humihingi ng sagot ko.
"Oo!"
"Adi may icecream ba kayo?" sabi ni Dustin nang matapos kaming lahat kumain. Nakatunganga lanng ako at iniisip yung sinabi sa'kin ni Eljie kagabi. Naalala ko nanaman kasi, naninigurado ba siya? Anong ibig sabihin niya roon? 'patay na ba TALAGA'?
"Adidas babe!" binatukan ako ng ungas na si Dustin.
Teka? Binatukan?? Napakasama niyang pandakot! Nag- init agad ang ulo ko at binatukan din siya, mas malakas.
"Aray!"
"Walang kahit na sino mang pwedeng manakit sa'kin"
"Teka, line 'yan ni Dong Shanchai sa meteor garden ahh. Nung flinaying kick niya si Dao ming si. So ako si Dao ming si, ibig sabihin tayo ang magkakatuluyan sa huli!" nagsimula nanaman ang ka demonyohan ng lalaking 'to.
"From enemies to lovers" dag dag pa niya.
Hindi na'ko nakapag timpi pa at agad ko siyang sinabunutan.
YOU ARE READING
3lukangdzaii in a Case
Mystery / ThrillerMy second published story, since i didn't finish my first story. It's all about the bestfriend things, betrials, laughters, etc.